MATATAGPUAN SI Jessie sa loob ng sasakyan ni Mel, si Dominic ang driver. Kasama niya ito sa kotse. Nakaupo siya sa passenger seat. Hindi niya naman gustong ipilit kanina na si Mel na ang sumakay sa harapan. Ayaw niyang mapahiya si Dominic.
Nag-banyo sina Sergi at Mel. Naka-stop sila sa tabi ng isang gasolinahan. Binigyan niya ng awkward na ngiti si Dominic. “So...” simula niya. “Music?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. “Suit yourself.”
Wala naman siyang ibang sasabihin dito kaya nagpatugtog na lang siya mula sa phone niya. Nagulat sila nang katukin siya ni Sergi sa bintana sa gawi niya. Ibinaba niya ang salamin. “Ano?” asik niya. “May gusto ba kayong ipabili? Malayo pa tayo,” anito.
Binalingan niya si Dominic. “Ikaw? Sabik ako sa tinola ni Ignasi kaya magpapagutom na lang ako.”
Nagkamot ito sa ulo. “Anything,” sagot nito.
“Seryoso ka, pare? Anything?” ani Sergi.
“Anything nga raw. Bingi ka ba?” sabat niya. “Problema mo?” dugtong niya pa.
“Hindi ka raw nag-lunch, sabi ni Mel. Kaya niya nga ako pinapunta rito. Ikaw, Jess? Gum? Candies?” si Sergi.
“May Nerds kaya sila? Kapag wala, Reese’s. Kapag wala, Butterfinger,” bilin niya. Kunwari pa siya, magpapabili rin naman pala. Tinapunan niya ng tingin si Dominic. “You have to eat something, Dom. Ano na ba iyong favorite mong flavor ng Pringles?”
Nahihiyang nagsabi si Dominic. “Sige na nga. Iyong barbaque flavor na lang.”
Umalis na si Sergi.
“Okay ka lang?” tanong niya rito. Hininaan niya ang volume ng phone niya. “I want you to know na shini-ship ko kayong dalawa. Kayo iyong favorite couple ko next to Ignasi and I. Six months is a long time. Mel is a complicated person. Ang dami ko na agad nasabi. Sorry.”
Itinukod nito ang mga kamay sa manibela at yumuko. “I love that man. I am willing to wait. I asked him if he wanted to move in to my house. Normal na mabigla siya knowing his personality. And he’s a sucker of drama. Ano naman kung may anak siya? Ano naman kung 5 years old na iyong bata?”
Itinukod niya rin ang siko niya sa bintana. “Daming issues no’n, ‘no?” biro niya.
Umiling-iling lang ito. “Jess, know that I won’t leave Mel. Ayokong maging puro salita. Papatunayan ko na lang na handa akong maghintay. I have plenty of time for that guy. I’ll make time just for him.”
Tiningnan niya ito. “Ang disente mo naman kasi para kay Mel. Nakita mo ba iyong namumutok niyang biceps at triceps? Di kinaya ng non-existent mong abs. Buti na lang singkit ka, ‘no? Weakness niya iyon, eh.”
“Puro naman ‘to biro,” puna nito sa kanya.
Iningusan niya ito. “Choosy ka pa!” Umayos siya ng pagkakasandal. “Hindi mo lang alam ang dami kong gustong itsismis sa iyo. But... it’s not my story to tell.”
“How long were you in the friendship department when he told you these things?” he asked.
Pinigilan niya ang mapangisi. “Wala pang two months...?” aniya sa nananantiyang tono.
Nakita nila sa malayo ang dalawa.
“You don’t live with your boyfriend?” asked Dominic.
“Hindi. Asa pa ‘yon.” sagot niya. “Bakit naman?”
“May sarili akong bahay. Kakalipat ko lang. Wala ka no’ng housewarming party ko,” paalala niya.
Alanganing napangiti si Dominic. “Oo nga pala. s**t, sorry. Bawi ako.”
“Narinig ko na iyan, eh.”
“Ignasi’s fine with it?” he asked.
Umiling siya. “Gastos daw, when I can live with him. Tsaka lagi naman ako sa bahay no’n nang maging kami. Itinataboy na nga ako ng tatay ko, eh. Na-realize ko, gusto ko maranasan na magkaroon ng sarili kong bahay. Although lackluster iyong pagbabayad ng bills. Pero iyong may inuuwian ako every night na matatawag kong akin, iba sa feeling.”
“Kapag kay Ignasi ka uuwi, hindi ba’t pareho lang naman sa pakiramdam?”
Napaharap siya rito. “Uy, in fairness, pareho kayo ng sinabi ni Ignasi. Mga hayok talaga kayo sa pagmo-move in na iyan, ano? Saka na, mga friends. Iyong tatay ko nga, nang malayo ako, lagi akong sinasabihan na dalawin siya. Eh, ‘di, na-miss niya rin ako?”
“Hey, Jess, is Mel a good father?” anito habang nakatingin sa papalapit na pigura nina Mel at Sergi.
“The best kind there is,” ang nasabi niya.
Bigla niyang napagtanto, magiging good partner kaya siya kay Ignasi, kung mauwi man sa kasalan? Kaya ba ayaw niyang makipag-live in kay Ignasi dahil alam niyang sa kaibuturan ng puso niya na hindi rin siya sigurado sa sarili niya? Napaisip siya kung iyon din ba ang gumugulo sa isip ni Mel?
He’s a good father, proven na iyon. Will he be a good partner to Dominic? Siguro iyon ang bumabagabag kay Mel. Kaya lang naman napapadalas ang hindi pagkikita ng magtatay ay dahil busy si Mel kay Dominic.
Binuksan na ni Sergi ang sliding door ng backseat. Inabot nito ang snacks nila. Nang makapwesto na ang dalawa sa likuran, pinatakbo na ni Dominic ang kotse.
“May lalake kanina sa store,” kwento ni Sergi. “Hinihingi iyong number ni Mel,”
Pasimple niyang tiningnan si Dominic.
“Sabi ko taken na ako,” pagtuloy ni Mel. “Open relationship daw ba? Ang tarantado, gusto pa ng threesome.”
Hindi niya mapigilan ang mapangisi. Favorite topic niya ito kapag kasama nila si Dominic.
“Bakit pa tayo magpapakalayo, hon?” biro ni Dominic. Lahat sila ay tinapunan ng tingin si Sergi. Gamit ang rearview mirror ay nakikita ni Dominic ang ekspresyon ng mukha ni Sergi.
“Kaya nga, hon, para saan pa ang pagpunta nito sa gym, kung para kay Emerald lang din pala?” gatong ni Mel.
Naaalibadbaran na sumiksik si Sergi sa upuan nito.
Lahat sila ay nagtawanan.
“Ito naman, hindi na mabiro,” ani Mel kay Sergi. “I won’t forget the first time I met you.”
Sergi grunted in disgust. “Look at you. So big, yet so gay.”
“So scruffy and masculine. You already have Emerald back then, so I forced myself to be civil and professional with you. Iyong gulat ko na lang nang malaman kong bisexual pala ang kuya mo!”
“Geez, was that two years ago, Mel? Ang bilis ng panahon,” aniya.
“Yes, baby girl. And he’s still gaga over Emerald. Iyan ba ang nagagawa ng makatikim ng may hiwa?” ani Mel.
“You should know,” Sergi said. “You have a son, so you should know.”
Dominic laughed. The three of them remained silent. Tumikhim siya. “Anong gusto niyong patugtugin ko?” putol niya. Walang sumagot sa dalawa kaya naiwang nakaangat sa ere ang mga daliri niya habang nakapatong sa palad ang cell phone.
“Why the sudden silence?” puna ni Dominic.
“Piece of advice, Dom, know your partner,” Sergi said.
“Shut up,” si Mel.
“Sergi, what the heck?” si Jessie. Hindi niya inasahan na manggaling iyon kay Sergi.
Nalito si Dominic. “What’s happening?”
“What’s wrong with you, Sergi? I’m just making a conversation here.” ani Mel. “A friendly topic. Everyone knows how crazy I was over you when I met you! I am gay, and you were a stranger, a good-looking stranger, for that matter. What does that make me? Of course, I had a crush on you. We always had this dirty joke between us and Dominic. Why now? Why salty about it?”
“I’ve had my fair share of gay and bi exes, Mel. Everyone knows it, too. It’s not fun anymore,” rason ni Sergi.
“Iyon lang?” ani Mel. “Iyan na ang dahilan mo? Bakit kailangan banggitin iyong tungkol sa anak ko? Ano’ng gusto mong palabasin?”
“Hon,” tawag ni Dominic.
“Guys, chill. Huwag natin itong dalhin sa bahay ni Ignasi, please? Kiss and make up na, please?” she pleaded.
“No, Jess,” mariing sabi ni Mel. She recognized his masculine side. His voice went a tone deeper. “The son of a b***h wants to exploit my past. And he’s my friend,” he said in disbelief.
Sergi went silent.
“Baby, it’s fine,” she said to Mel. “We can talk about this later. Not now when you’re fuming.” Inabot niya ang kamay ni Mel. “Look at me.” Inalog niya ang kamay nito. “Look at me.”
Tumingin ito sa kanya.
“Hindi niya naman sinasadya,” ang nasabi lang niya. What a useless friend.
“You all know it’s a sensitive topic,” he said in a soft whisper. She wanted to hug him at that moment for his sadness to disappear. Pinukulan niya ng masamang titig si Sergi.
“I’m sorry...” They heard Sergi said.
“I don’t know what’s happening, but we’re in a heavy traffic, so someone should tell me what the heck is going on,” Dominic said when he hit the brakes.
“We can talk about it later,” saad ni Mel.
Inabutan niya ito ng Nerds. Tinanggap naman nito iyon pero hindi binuksan ang kahon. Masuyong kinuha ni Sergi ang box mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. Nang makuha ay binuksan iyon at sinubuan ito ng Nerds. Hinayaan na niya ang dalawa sa likuran at sumandal na ulit sa upuan niya. Nagtataka man si Dominic ay hindi na ito nagsalitang muli. Pumailanlang ang isang malamyos na kanta. Nilakasan na lang niya ang volume ng phone niya.
“Favorite ko ‘to,” sabi na lang niya kay Dominic.
“I can see why.” anito habang nakikinig.
“Try making love with this song. Parang ang hirap mag-concentrate. Mapapa-tap out ka muna para pakinggan iyong kanta,” sabi niya.
“Weird, pero sige,” ani Dominic.
“Ay, wala ba kayong tugtugan kapag ganyan?” tanong niya.
Mahina ang naging tawa nito. “Ayaw ni Mel,” ang tanging sinabi nito.
Napalunok siya.
“What did you say, hon?” ani Mel sa likuran.
Lumingon si Dominic. “Nothing. Nothing important?” nagtatakang sagot naman ni Dominic.
“Tangina,” basag ang boses ni Mel. “Narinig ko iyong sinabi mo, Dominic. Gusto mong malaman kung bakit ayaw ko ng may musika?” angil nito.
“It’s not his fault!” pigil niya kay Mel. “Guys, let’s wait for us to arrive at Ignasi’s house, okay?” This is so emotionally tiring.
“Jess, again, what the fu/ck?” sa kanya na nakatuon ang galit ni Mel. “Of all people. At iyan pa talaga ang topic of discussion niyo?” asik nito.
“Dude, I’m sorry. I don’t mean anything by it,” sagot niya.
“She doesn’t mean anything by it, Mel,” gagad ni Sergi. “She can say whatever she wants. We don’t have to watch our mouths every time you have episodes.”
“Episodes?” hindi makapaniwalang sabi ni Mel.
Napaungol naman siya sa kunsomisyon.
“It’s true!” giit ni Sergi. “We are sorry, Mel, but don’t take everything personal. Narinig ko sila. It was an innocent conversation between the two of them. Don’t hold it against Jess.”
Hinampas na ni Dominic ang manibela. “Goddammit. Can someone start talking now?” No one spoke. “Talk!” he shouted. “Jesus Christ!” anito nang wala pa ring nagsalita.
“We are twenty minutes away from Ignasi’s house,” Sergi informed.
“Big fu/cking boo hoo,” Dominic said sarcastically. “Thanks, navigator. What else? Someone come up with some clever and private stuff that I can’t relate with that will make Mel all riled up and furious? Anyone? No? I don’t think so.”
“I thought I am the most insensitive son of a b***h in this group,” Sergi said through gritted teeth. “But you’re aiming for the stars, brother.”
No one spoke for the next twenty minutes.