Four

1819 Words
AGAD NA nilapitan ni Jessie ang nobyong si Ignasi at mahigpit itong niyakap. Sinalubong ni Ignasi ang mga bagong dating nang makababa sila mula sa kotse. Babatiin pa sana nito ang mga kasama niya ngunit agad niya itong hinila para makapasok na sila. Pinisil na lang niya ang kamay nito nang tanungin kung may problema ba. Nakita niyang nakahain na ang mesa. Naglabas siya ng wine at mga baso at saka isa-isaang ipinuwesto ang mga wine glass. “Maghuhugas lang ako ng kamay,” aniya at tinungo ang banyo. Sumunod si Ignasi. “How was your day?” anito. Masuyo siya nitong niyakap mula sa likuran. Tinagalan niya ang paghuhugas ng kamay. Maririnig ang paglagaslas ng tubig.  “Out of town tayo,” anyaya niya.  “Why?” tanong nito, ramdam na may nangyari. “When you’re with that gay guy, it’s either you’re high from happiness, or six feet below because he’s taking everyone in his wake when he can’t cope with his problem,” komento nito. Kumawala siya mula sa pagkakayakap nito. “Tarantado ka,” galit na saway niya, hindi makapaniwala sa narinig. Wala namang alam si Ignasi kaya pinalagpas na lang niya ang sinabi nito. Iniwan na niya ito at sinaluhan ang mga kaibigan. She opened a bottle of wine. Nang masalinan ang baso niya, inabot niya ang bote sa katabi. Sergi took the bottle and poured some on his own glass. He did the same with the couple’s and Ignasi’s. “Everything went well with your meeting?” pauna ni Ignasi. “Serg?” anito na nanghihingi ng tulong para basagin ang katahimikan. “Not bad. Na-check namin iyong loc, tapos nakausap ko na rin iyong singer namin pati photographer. Iyong catering service na lang ang hindi. Panibago kasi itong kukunin namin. Maselan kasi iyong client namin sa cake. They want the best daw in town. Iyong kukunin namin na kakanta sa kasal at reception ay may pinsan na may catering service, gusto ko silang makausap,” ani Sergi. Halos hindi magalaw ni Jess ang pagkain niya kaya sumabay na lang siya sa usapan. “We have one week to solidify the plan tapos imi-meet ulit namin iyong ikakasal. Presentation ulit ng details. After that, we’ll go through the list of entourage naman, kung anong motif nila, doon naman na papasok si Mel. May pasabog pa nga itong si Mel, eh,” aniya. “Hindi naman,” wika nito. “Maganda kasi iyong loc, you should see it. May fountain na nga, may balon pa sila. Iyong pang-Sadako na balon. May duyan din at tree house. Talagang sulit iyong location. So minungkahi ko rito kay Sergi na pagkagaling sa simbahan, diretso agad sa bakuran ng location, tapos photoshoot ng onti, habang nagsisidatingan ang mga bisita. May same day edit kasi iyong videographer, buti na lang naka-spot ng magandang backdrop,” kwento nito. “I see.” Tumango-tango si Ignasi. “Nagustuhan niyo naman ba iyong luto ko?” “Ang pakla,” komento ni Sergi.  “Kulang sa patis,” si Mel.  Tinawanan niya ang disappointed na mukha ni Ignasi. “Tangek, ang sarap kaya!” sabi niya. “Tsaka hindi nagpapatis iyang si Ignasi,” dugtong niya. “Paborito ko iyong tinola ng mama ko,” wika ni Dominic.  Napatingin silang lahat dito.  “I admit, this comes close. Ang sarap mo pala talagang magluto,” patuloy ni Dominic. “Wala ka kasi noong housewarming nitong si Jess. Ang dami ko pang lutong putahe noon.” ani Ignasi. Nginisian niya si Dominic. “See? We don’t easily forget.” “Oh, Jess, I forgot your Bon Iver.”  Dali-daling tumayo si Ignasi para isalang ang vinyl disc. Mayamaya pa ay pumailanlang na ang 22 Over Soon.  “Favorite album ni Jess, sa ngayon,” ani Ignasi nang makabalik ito.  “Iyan din ba ang pinatugtog mo kanina?” small talk ni Dominic.  Tumango siya. “Pero malayo pa iyong favorite song ko,” aniya. Itinabi ni Ignasi ang kutsara’t tinidor nito. “I can guess na may nangyari on your way here, guys. I suggest we play a little game? Let’s break the motherfucking ice. Ayoko ng vibes, eh. Any suggestions?” Sumandal siya at ibinaba ang mga kubyertos. “How about...? I see something blue? Let me start. Walang KJ. I see something... red.” She gets to play silly games with Mel’s son and this is one of their games. They have to guess what object she’s pertaining to based on the color she mentioned. “Pfft,” wika ng katabi niya, halatang ayaw mag-participate.  “Dali na,” ungol niya. “Red.” “Red wine?” hula ni Mel. Umiling siya. “Itong customized shirt ko na ako ang nag-design?” ani Dominic.  Umiling siya. “No, but I like the way you say it. Kulang na lang abutan mo kami ng calling card mo.” “I don’t like the color red, Jess,” ani Ignasi. “I doubt you’ll find something red here.” Hindi niya ito pinansin. “Teka lang,” ani Dominic na itinaas pa ang mga kamay sa ere. Mr. Hand Gestures. “Visible ba siya ngayon?” Nagtayuan silang lahat at tiningnan ang isa’t isa mula ulo hanggang paa. Tumayo na rin siya para makisama sa mga ito. “Ito, ito, itong design sa shirt ni Sergi,” si Mel. “Ayan, o, iyang relo ni Mel. Nakasulat G-Shock,” si Sergi. “Easy,” si Dominic. “Iyang sapatos ni Jess!” excited na turo ni Dominic. Ginawaran ni Mel ng halik sa pisngi si Dominic. “May rules ba ‘to? Magka-team na lang kami ni Dominic. O, one point na sa amin, ah! Leading team!” “Tanga,” sabi naman niya. “Walang gano’n. Hina mo kasi sa mga parlor games, eh. Tamang spot ka lang sa mga bata.” Nagtawanan silang lahat nang ma-gets ang biro niya.  “Mukha ba talagang sugar daddy ko si Mel?” hindi makapaniwalang tanong ni Dominic. “Oo,” ani Sergi. “He could’ve gone for the payasos but handpicked the younger ones instead. Creepy vibes, Mel,” biro nito sa kaibigan na sinamahan pa ng panlalaki ng mga mata. “Ang OA niyo,” ani Mel na naupo sa silya nito. “Malamig na ang tinola.” “Teka, teka,” ani Ignasi. “Talaga bang iyang sapatos mo, Jess, ang sagot?” “Ignasi,” wika ni Sergi, na parang minumungkahi nito gamit ang tono na ang slow ng una. “Narcissist iyang girlfriend mo,” imporma nito. “Pansinin mo raw kasi ang bago niyang shoes,” gagad ni Mel. “Kulang talaga sa kalinga itong si Jessica,” dugtong nito. “Ay, iba rin,” sabi na lang niya. “Kailan mo binili?” tanong ni Ignasi sa kanya.  “Kahapon,” sagot niya agad. “Sale na iyan. Magsasara na kasi iyong New Balance na napuntahan ko. Seryoso, isasara na nila iyong tindahan, hindi dahil closing time na nila.” “Okay, ako naman!” ani Sergi na nakatayo pa rin. Naglalakad-lakad ito. “I see something... tangible.” “And?” sabay-sabay nilang sabi. What the heck is a tangible? Hindi naman color 'yon.  “Something green, red, transparent, and black,” anito. Isa-isa nitong tinuro sina Ignasi, Jessica, Mel, at Dominic. “Green. Red. Black. Transparent. Respectively.” Ibinaba na nito ang kamay nang magtapos ito kay Dominic. Nalilitong tiningnan niya ito. “Care to elaborate?” “Oh, my God,” bulong ni Mel. “Marami rin siyang issue, ‘no?” pabirong sabi nito. “Nothing good comes out when you start with wine,” Sergi continued pacing back and forth. "Obviously, everyone disagrees with you. Red wine is the bomb," ani Jessie. “Okay,” ani Ignasi. “Why green?” “That’s easy. Unresolved issue mo sa akin,” sagot ni Sergi sa tanong ni Ignasi.  Jessica rolled her eyes. Ignasi grunted.  “Red. You like the color, you’re wearing it today, you’re always out with the world with that color. Gusto mong lagi kang napapansin.” He drank more wine.  “Black,” anito pagdating kay Mel. “Bleak. Empty. You have to make peace with yourself, baby.” Sinalinan ni Sergi ang baso ni Mel. “We all love you, we do.” Si Dominic ang huli. “Transparent,” saad ni Sergi. “You are what’s lacking from this group. You make everything easier. In a sense. Hindi na namin kailangang mangulit o kung ano pa man. Sinasabi mo iyong gusto mong sabihin, hindi ang gusto naming marinig. Wala kang maskara. You are transparent as f**k. I like that about you. So, please.” Sinalinan naman nito ang baso ni Dominic ng bino. “Stay for as long as you like. With Mel. With his kid.” Katahimikan. Tumayo siya at nilagay sa microwave ang plato niya. Nang tumunog iyon ay bumalik siya sa hapag bitbit ang mainit na pagkain. Naramdaman na niya ang gutom. Tahimik nang kumakain ang mga kasama niya. Sergi knows how to silence his audience. “For the record,” ani Sergi. “Kung kayo iyong nakatayo kanina, anong ibibigay niyong kulay sa akin?” tanong nito para sa lahat. “Rainbow,” si Mel. “Self-explanatory.” “Emerald,” sabi ni Ignasi. “Uy, I like the idea,” sabi niya rito. “Nasaan pala iyon?” ani Mel. “Busy with her life,” sagot ni Sergi. All pair of eyes were on him. Naghintay siya kung susundan nito ang sasabihin. “Sergi,” naiinis na wika niya. “It’s either you talk, or you won’t. You hold information from us. Wala kang in between. Pwedeng mag-explain?” Nilingon siya nito. Help, sabi ng mga mata nito.  Ugh. She dropped the subject. Ano pa nga ba. Ito na ang nakiusap. “Emerald’s being Emerald. Magpapakita rin iyong kabuteng iyon,” sabi niya sabay subo. Ignasi eyed Jessica and her best friend. He doesn’t like what he’s seeing. Kinuha ni Ignasi ang mangkok ng tinola at pumunta sa kusina. Dinagdagan nito ang laman ng mangkok at saka nagbalik sa hapag. Ngunit hindi na nagalaw iyon nang sunod-sunod na magtayuan ang mga bisita nito. Tapos nang kumain ang lahat.  Nagtanong si Jessie kung may dessert sila. May ice cream daw sa freezer. Kinuha nito iyon. Sa sala niya dinala ang ice cream habang bitbit ni Ignasi ang mga mangkok. Nakaupo na sa sofa si Sergi. Habang sina Mel at Dominic ay nasa kusina, si Mel ang naghuhugas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD