Third Person's POV Mahinhing inaayos ni Babi ang kumot sa higaan ni Alexa. Nakangiti siyang nakatitig sa kaibigan. It's been one day since she brought her in hospital. Umalis na si Vix dahil may mahalaga pa itong gagawin, habang si Kaizer naman ay hindi na bumalik kung kaya't dalawa sila ni Zaiden ang natira. Ngunit kasalukuyan ring nasa labas ang binata, bibili siguro ng makakain nila. Sa totoo lang ay kailangan siya ng mga anak niya ngunit mas pinili niyang mas bantayan ang kaibigan rito. Dahil alam naman niyang hindi pababayaan ng asawa niya ang mga anak nila. Nanatili lamang siyang nakatitig sa dalaga ng makita niyang gumagalaw ang pilik mata nito. Kung kaya't mabilis siyang napatayo. "Alexa..." She said, sighing. Sunod-sunod na gumalaw ang pilik mata nito hanggang sa magmu

