Third Person's POV Nang lumabas ang doctor ay walang salita na mabilis na lumapit si Kaizer. Bahagya pa ngang natulala si Zaiden dahil sa bilis nito. Hindi niya inaasahan ang bilis ng kaibigan. Napanganga siya. "Doc, How is she?" Tarantang tanong ng binata sa doctor. Napatingin naman siya kay kaizer at mabilis din na napatingin kay Zaiden na nasa likuran at hanggang ngayon ay nakanganga. Kanina ay ito ang nagdala rito ngunit bakit parang mas emosiyonal pa ang lalaking nasa harapan niya? Ngunit isinantabi niya iyon at saka sumagot sa taong nasa harapan niya. "She's stable now. But, I'm warning you to watch every food she'll eat. The next time na kumain pa siya ng peanut, I don't know what happen to her. Madami yung nakain niya, kaya siya kinapos ng hininga. Good thing na nadala siya

