Kaizer's POV Dahan-dahan kong tinungga ang huling laman ng bote ng alak na kasalukuyan kong iniinom. Kaninang umaga pa ako rito, probably my mom is worried sick. Sunod-sunod kong nilagok ang huling alak na nasaid ko sa bote. Matapos ay napagpasiyahan kong ilapag ang bote. Saka wala sa sariling napatitig ako sa kawalan kasabay ng mapait kong pagngiti. It's been two months... And f**k knows how much I'm stopping myself. Sinabi ko kay Alexa na lalayuan ko siya... But I can't. Hindi ko pala kaya. Ang hirap. Aaminin kong may gusto na ako sa kaniya. Pero ewan ko ba, natotorpe ako. Takte, sa dami ng babaeng nadali ko, kay Alexa lang ako nakaramdam ng hiya at torpe. This isn't me. Walang araw na hindi ko sinundan si alexa, I'm just making sure na makakauwi siya ng safe. She's always alone

