Rance's POV "Saan ba siya nagpunta?" Tanong ko kay Sam. "Hindi ko nga kasi talaga alam, nasa kabilang kwarto ako kasi nga nililigpit ko ang mga gamit ko para sa pag-alis natin. Tulog naman kasi siya bago ako pumunta sa kabila eh" hindi mapakali sa kinatatayuan na sagot niya. Saan nanaman ba nagpunta ang babaeng 'yon? Alam naman niyang hindi pa masyadong magaling ang mga sugat niya. "Malamang hindi magpapaalam 'yon dahil alam niyang siguradong hindi niyo naman papayagan 'yon ng umalis" sabat ni Zian na kakabalik lang dahil may pinamili sa labas. "Natural kasi hindi maganda ang kondisyon ng katawan niya, ang tigas naman kasi talaga ng ulo" saad ni Troy na hindi na rin mapakali kaka-isip. "Pero kuya, diba sabi niya kahapon susunod nalang siya ng Kiribati?" kunot noong tanong ni Ro

