"Ano?" Tanong ko "Nung sinubukan nila Red ang ilan sa mga nakahanda na armas may ilan na pumalya kaya ni-run through ulit ang mga iyon, mukhang hindi muna matutuloy ang plano bukas dahil kailangan munang siguraduhin na hindi papalya ang pagsugod, hindi tayo pwede magtake ng risk" ulit ni Troy sa sinabi niya kanina. "Ilang linggo na ng pumunta si Red doon at nagsimulang maghanda pero bakit ngayon pa niya naisipang i-check ang mga armas? Kailan pa kayo naging pabaya sa trabaho niyo?" Nagpipigil ng inis na sabi ko. Ngayon lang nangyari ang ganitong bagay. Ngayon lang may pumalya sa mga supply ng armas namin sa ilang taon na nagsimula kaming tumanggap ng mga armas. "Ilalagay ko sa linya si Red" sabi niya saka may kung anong ginawa sa telepono niya, ilang segundo lang ay nagsimula na an

