Four

1905 Words
It’s been almost a week since I get in here and take note na laging kumukulo ang dugo ko sa mga unggoy na nasa loob ng classroom kung nasaan ako. Anyway, dala-dala ko ngayon ang skateboard ko dahil nakakapagod maglakad sa hallway, good thing na elevator rin naman ang gamit paakyat ng room kaya hindi ko kailangang bitbitin paakyat ang board. Habang papunta ako ng room nakasalubong ko si Rance sa mukhang saakin talaga ang punta. "Good morning Queen" hindi na ako nag-abalang magsalita at tigninan ko lang siya habang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Hindi naman ako sasadyaing lapitan nito para lang I-greet ako ng good morning. "Pagpasensyahan mo na sila kung ganyan sila umasta at kung bakit ganun kana lang nila tratuhin” I bet he is talking about those monkeys sa section ko. “Hindi sila sanay na may kasama silang babae even their moms and/or sisters, lahat sila may sarisariling career ang nanay kaya hindi nila laging nakakasama at yung mga may ate naman o nakababatang kapatid na babae, ang iba sa kanila ay hindi nila kasundo, samantalang ang iba naman may problema sa pamilya. Lagi silang pinag-uusapan sa skwelahang ito dahil mga inabanduna nadaw sila although that’s not true pero mas pinili nalang din nilang hayaan nalang kesa magsayang sila ng lakas na labanan ang mga nagsasabi nun. Wala ring gusto kumausap sa kanila, walang gustong lapitan sila dahil natatakot ang karamihan sa mga studyante rito sa kanila at ayon pa sa iba ay mga walang kwenta daw ang mga nasa Class T-H.” so that explains kung bakit parang di marunong makitungo sa mga babae ang mga unggoy na yon. Napatitig ko kay Rance dahil sa mga sinabi niya and I don’t know why pero nakaramdam ako ng awa sa kanila na hindi ko naman dapat na nararamdaman, what the hell kalian pa ako na-awa lalo na sa mga hindi ko naman gaanong kakilala? “That's why you're here to help them, you need to learn how to be helpful Queen, isipin mo nalang na parte na ito ng pagbabago mo at isa pa kapag natuon na sa kanila ang atensyon mo makakatulong din ‘yon para makalumitan mo ang lahat ng gusto mong kalimutan at talikuran ang mga madilim mong nakaraan, sila lang ang isipin mo sa ngayon at wala ng iba. Obligasyon mo sila kaya ka nandito isipin mo nalang na para silang sina tito lang na obligation mo noong nasa NY ka pa" pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng ‘yon ay tinitigan lang niya ako atsaka inabot ang folder na naglalaman ng lahat ng files ng mga kaklase ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam din ako ng sakit dahil sa mga narinig ko, nakaramdam ako ng lungkot. Those monkeys, they are the only people na sinasabihan akong pangit, walang kwenta, istorbo, so on and so forth na hindi pa namamatay hanggang ngayon at sa palagay ko parte narin talaga ito ng pagbabago ko dahil hindi na ako katulad ng dati na isang asar lang patay na agad, isa rin yan sa gusto kong baguhin at palagay ko ay tama si Rance na magiging daan ko sila para magawa ang nais ko na magbago. Ngayon alam ko na kung bakit ganon nalang ang mga unggoy na ‘yun saakin, kasi hindi sila sanay na may kasama silang babae at magmula ngayon sasanayin ko sila kahit pa kailanganin kong pagtitiisan ang mga ugok na ‘yon, naaawa rin ako sakanila sa hindi malamang dahilan. Fuudge! I don't know why am I feeling this kind of s**t! Argh ano bang ginawa ng mga unggoy na ‘yon saakin sa loob ng isang linggong nakasama ko sila at nagiging ganito ako? Fudge! Saktong pagkarating ko sa pintua ng classroom ay rinig na rinig ko na ang ingay sa loob na sobrang nakakarindi na pakinggan. Marahas kong binuksan ang pinto dahilan para matahimik sila pero saglit lang ‘yon dahil nag-ingay nanaman sila argh puputok ear drums ko sa mga unggoy na 'to kalalakeng tao ang iingay, footspa! "Shut up!" walang pasabi kong sigaw sakanila pero tignan lang nila ako ng sabay sabay ang iba naman ay tinaasan lang ako ng kilay, mas malala pa sa babae ang mga unggoy na ito. "Walang pwedeng mag-utos saamin" sigaw pabalik ni Mon saakin. "Oo nga walang nakakapag-utos saamin" segunda naman ni Jazz sa sinabi ng kaibigan. "Si Jonathan lang ang sinusunod namin" ngumisi ako ng nakakaloko dahil sa sinabing ‘yon ni Khan. Ano bang meron sa Jonathan na ‘yan at siya lang ang sinusunod nila? Well, I'm sorry monkeys but I think I exist to be the second one na dapat niyo ring sundin whether you like it or not. "Badly I exist to be the second one sa ayaw at sa gusto niyo" nakasmirk ko paring sabi. Kitangkita naman sa mukha ng iba ang takot dahil sa tono ng pagkasabi ko ng mga katagang iyon habang tinitignan sila isa-isa, yung iba naman ang groupo ni Jonathan na ‘yon to be specific ay tinignan lang ako na parang walang pakialam sa sinabi ko. Tst seriously? What the heck is their problem? Ilang minuto lang ang nakalipas at nag-ingay nanaman sila.Fudge these monkeys! Inis na inis na ako kaya kinuha ko nalang ang ear phones ko at finull ang volume atsaka nakinig nalang ng mga music na mayroon sa phone ko. Ilang minutos lang habang nakasandal ako sa upuan ko at nakapikit ay naramdaman ko na may papel na lumilipad patungo sa likod ko, hindi ko ‘yon pwede saluhin dahil baka magtaka sila kaya kunwari nalang nilagay ko sa likod ng ulo ko ang kamay ko at hindi sinasadyang mahampas palayo ang mga papel. "Stop it monkeys" nakapikit parin na sabi ko ng bigla kong naramdaman na may mga tumayo at lumapit sa likuran ko. Agad ko silang hinarap. Argh that stupid Jonathan, asan na baa ng mokong na ‘yon!?! Since Rance said all of those stupid craps about these monkeys inako ko na talaga ang obligation ko sa mga unggoy na ito na puros sakit lang sa ulo ang dala. "Where are you going?" emotionless kong tanong sa groupo nila Jonathan na lalabas na sana ng room. "Sa lugar kung saan walang walang kwentang babaeng nang-uutos at nangingialam ng mga ginagawa namin" kapag ako talaga hindi lang nagpipigil baka matagal ng nakalibing ang mga unggoy na ito. Kung hindi ko lang talaga sila naging-obligation at kailangan sa pagbabago ko hinding hindi ko silang pag-aaksayahan ng oras. Tsk sana lang di maubos ang pasensya ko sa kanila. Hinayaan ko nalang silang umalis pero ng akmang susunod na ang iba pang mga unggoy tinignan ko sila ng masama dahil alam kong hindi sila gaya ng groupo ni Jonathan dahil kahit papaano ay natatakot sila saakin pero hindi lang nila pinapakita. "Hoy pangit na babae umalis ka jan sa pinto" "Oo nga alis wala na sila Jonathan kaya wala narin kaming gagawin" Seriously? Ano ba ang meron sa Jonathan na ‘yon bakit ganyan nalang sila makasunod at makaasta pagdating sakanya? nakakainis na ah, nabwibwisit na talaga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng natanong yan sa sarili ko. Agad akong lumabas ng room at kinandaduhan ang mga natitirang unggoy sa loob "Palakang babaeng buksan mo 'to" tsk isa nalang talaga papatayin ko na ang mga to nakakainis na ah abuso na sila sa kaka-asar saakin at kakatawag ng kung ano-ano. "You're not allowed to go outside unless it’s dismissal" yan lang ang sinabi ko saka sila iniwan na nagsisisigaw sa loob atsaka agad naman akong nagpunta kay Rance at sinabing buksan ang mga unggoy kung dismissal na, natawa naman siya pero hindi ko nalang pinansin lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa may court kung saan may nakita akong bola ng basketball. "Hoy panget amin na ‘yan" napalingon naman ako sa nagsalita and guess who are they? Its Jonathan's group. Imbis na ibigay ko sakanila ang bola ay puwesto ako sa pinakadulong linya ng court. "Baliw ka ba talaga? Hindi mo yan masushot sa layo mong ‘yan" sigaw ni Mon "Hindi aabot yan ni ako nga diko kaya kahit gitna lang"  ‘Pwes ibahin mo ako sayo Jay I am not a weakling monkey like you’ gusto kong isigaw ‘yan sa pagmumukha niya na mas pinili kong huwag gawin, as much as possible ayaw ko ng gulo psh. Pumikit naman ako habang pinupwesto ang sarili ko. "Baliw ka na talaga may papikitpikit ka pang nalalaman" pagkatapos sabihin ‘yon ni Ezel ay agad kong shinot ang bola. Pagdilat ko sakto namang pagpasok ng bola sa ring. Napangisi nalang ako ng makitang gulat na gulat na reaction nila pero may napansin ako habang nakatingin sa kanila, mukha atang wala ang lider nilang abnoy. "Where's your ugly leader?" I ask them pero di sila nakasagot dahil hindi parin sila nakakabawi sa pagkagulat. Agad ko naman kinuha ang bola at malakas na pinatalbong dahilan para mabalik sila sa katinuan. "Where's Jonathan?" I don’t usually repeat myself pero bingi ata ‘tong mga lalakeng to pero imbis nasagutin din ay tinignan lang nila ako at hindi sinagot kaya agad ko naman silang sinamaan ng tingin. "Nasa abandonadong warehouse, bakit?" nagtatakang tanong ni Khan. I don't know I just want to know where he is since he is one of my obligation and mission here. Also, for some reason I feel something strange that I can’t tell what. "Nothing" tinalikuran ko na sila matapos sabihin ‘yon kaya nagpatuloy nalang sila sa paglalaro habang ako naman ay naglakad papalayo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ng bigla akong may nakabangga. Pag-angat ko ng ulo ko nagulat ako sa nakita. Hindi ko alam na nandito pala ang taong ‘to! "Kurt/Hela" sabay naming sabi ng marecognize namin ang isa’t isa. Anong ginagawa ng isang to dito at bakit parang may dugo ang kamay niya? "I’m Zinne here Kurt not Hela" sabi ko sakanya dahil baka magkita kami sa kung saan sa loob ng school at tawagin niya akong Hela. Tumangotango naman siya atsaka kami naupo sa malapit na bench. Nagkwentuhan lang kami saglit ng mapansin ko yung bahay sa may likuran niya, hindi pala bahay kundi abandonadong warehouse, agad ko naman tinignan ulit ang kamay niyang may dugo saka ako nagpaalam na uuwi na at ganun din daw siya na halatang tinatago ang kamay niya sa bulsa niya at iniiwas saakin. Ano nanamang pinasok ng lalakeng 'yon? kahit saan nalang talaga ilagay laging gulo ang hanap pero sabagay we won't be friends kung hindi dahil sa mga ganyang gawain noong nasa New York pa kami pero hindi ko inaasahang hanggang dito ay kapit sa gulo parin si Kurt akala ko nag bagong buhay na ang lalakeng 'yon, mukhang nagkamali ako sa parteng iyon. Anyway, dumiretso ako sa abandonadong warehouse ng maalala ang sinabi ng isa sa mga unggoy sa court na andun si Jonathan at mukhang doon galing ang magaling na Kurt tsk. Hays ano nanaman bang gulo ang pinasok ng unggoy na Jonathan na ‘yon!?! At kapag tama ang hinala ko bakit sa dinamidami pa ng makaka-away niya si Kurt pa? Ano ba talaga ang meron sa lalakeng 'yon? footspa mababaliw ako kakaisip ng mga tungkol sa lalakeng 'yon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD