Saktong pagdating ko sa pintuan ng warehouse ay saktong nakita ko ang pagbagsak ng katawan ni Jonathan habang pinapalibutan siya ng tingin ko’y nasa 20 na mga lalake na may hawak na kanyakanyang tubo, kahoy at kung anong pwedeng gamitin pang hampas.
‘Kailan pa naging mga tambay ang tauhan ni Kurt?’ psh that guy, maybe because he knows na mas madaling maloko ang mga tambay kesa sa mga nasa malalaking groupo ng gangsters na pwede niyang I hire to beat Jonathan, sa pagkaka-alam ko kasi ang mga tauhan niya ay nasa New York lang parin since most of the missions ay doon parin and also I think one of the reason din ba’t ito ang mga nandito ngayon ay para makatipid ang gunggong na ‘yon sa ibabayad sakanila since these tambays are less expensive than gangsters na nasa organization.
Nang mapansin kong wala na atang malay si Jonathan ay saka ako lumapit sa kinaroonan nila to make sure na hindi niya ako makikita o hindi niya malalaman na andito ako.
“Itigil niyo yan” walang pakundang na sabi ko sa mga nakapalibot sakanya na ngayon ay nasa akin na ang atensyon.
“At sino ka naman sa tingin mo para sundin namin?” sabi ng nasa gitna atsaka sinundan ng tawa ng mga kasama niya.
“Kung ako sayo aalis na ako habang maaga pa, hindi mo ba nakikita miss? Puro kalalakihan ang mga nandito at hindi mo alam anong kaya naming gawin” sabi naman ng isa sakanila habang papalapit saakin. So? Ano naman ngayon kung lalake silang lahat? Akala ba nila matatakot nila ako sa mga ganyang salita? Psh, idiots.
“What does this guy did for you to beat him like this?” tila walang pakialam kong sabi na animo’y hindi narinig ang sinabi ng isa sa kanila atsaka tinuro si Jonathan sa sahig.
“Labas ka na dun” sagot ng isa
“Miss mas mabuti pang umalis ka na bago pa maubos ang pasensya namin sayo, sinasayang mo lang ang oras namin” sabi ulit ng nasa gitna.
“Alam niyo bang hindi patas ang naging laban niyo?” sabi ko habang pinupulot ang isang tubo na malapit sa kinatatayuan ko.
“Ba’t di kayo humanap ng katapat niyo? Isa pa isang tao lang yan laban sainyong lahat bakit? Hindi niyo ba siya kayang laban isa isa? Kung ganon ang hihina niyo naman pala” pang-iinsulto ko sa kanila na mukhang gumana naman. Mga pikon talaga.
“Hinahamon mo ba kami?” tanong ng nasa gitna na ilagay natin sa pangalan na monk shortcut for monkey. Bakit ba puno ng unggoy ang lugar na ‘to? Pero mukhang mga wild ang mga nasa harap ko ngayon at takas gubat.
“Kung ganon ang dating sainyo, baka nga” sabi ko saka hinipan ang kuko ko na siyang tinitignan ko habang nagsasalita.
“Aba’t ang tapang mo rin ha” monk number 2
“Daming satsat kung natatakot kayo sabihin niyo nalang at pero wag niyo aasahang makakalabas kayo ng walang galos dito matapos ng ginawa niyo sa unggoy na ‘yan” sabi ko habang nakaturo kay Jonathan at tinignan sila isa-isa.
“Aba’t talang!” mabilis na lumapit saakin isa sa kanila at akmang hahampasin ako ng masangga koi yon ng hawak kong tubo at saka siya sinipa sa tiyan at pinao ng tubo sa likod ng mapayuko siya sa harap ko.
“Ang mabagal” nakita kong mas lalo silang nainsulto ng dahil sa nangyari at sa sinabi ko kaya mabilis silang lumapit saakin maliban sa lalakeng nasa gitna kanina dahil nasa likod lang siya habang pinapanood kami.
Sipa, suntok, siko at palo iyan lang ang mga ginawa ko habang hindi rin gaanong gumagalaw sa kung saan ako nakapwesto. Ang hihina naman pala ng mga ito pero bat nakahandusay yang nagmamagaling na Jonathan jan? Psh maybe he got surprised by these men dahil baka wala sa plano ang pagdadala ni Kurt sa kanila.
“’Yan lang ba ang kaya niyo?” tanong ko habang kunwari ay humihikab dahil sa napakaboring na laban na pinapakita nila.
“Huwag masyadong pakampante babae” sabi ng isa sa kanila na nakatingin sa likuran ko habang nakangisi pero agad ding nabura ang pangit niyang ngiti ng di niya inaasahang masalo ko ang tubo na hawak ng kasama niya na papalo na sana saakin atsaka ako mabilis na umikot para sipain iyon sa may leeg na dahilan para mahimatay ito.
“Masyado niyo atang minamaliit ang kakayahan ko?” ang iba sa kanila ay wala ng malay samantalang ang iba naman ay paika-ika na at sinusubukang tumayo ng maayos habang nakapalibot saakin.
“Mga bobo!” sigaw ni Monk sa likod “Babae lang ‘yan pero ni hindi niyo nagawang patamaan man lang? Yan ba ha? Yan lang ba ang kaya niyong gawin? Tinatawag niyo ang mga sarili niyong magagaling na gangster pero ni hindi niyo kayang patamaan ang isang babae lang? mga gunggong!” opps gangsters pala ang mga ito? Akala ko tambay lang kung saan eh, my bad.
“HAHAHAHA” bigla akong natawa ng dahil sa naisip ko dahilan para lingunin nila ako.
“Anong nakakatawa ha?” kunot noong tanong ni Monk
“Gangster pala kayo?” wala sa sarili naming tumango sila, psh mga baliw
“Bakit? Natatakot ka na ngayon ha?” mas lalo akong natawa ng dahil sa tanong ni Monk, bobo ba siya? Joker ata tong Monk na ‘to eh
“Akala ko kasi mga tambay lang kayo” mas lalo akong bumunghalit ng tawa dahil sa sinabi ko pero halata mo rin na peke at walang emosyon ang tawang pinapakawalan ko na halatang mas lalong nagpatindig ng balahibo ng iba sa kanila
“Anong sabi mo!?” gigil na gigil na sabi ng isa sa kanila saka mabilis na tumakbo palapit saakin, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis ko siyang sinuntok sa panga ng pagkalakaslakas dahilan para matuba siya dahil narin sa wala na siya masyadong lakas at pagod na pagod narin.
“Maganda rin pala na napunta ako dito dahil kahit papaano ay nakapag-exercise ako” sabi ko habang iniistretch ang kamay ko paatas na tila nagwawarm up
“Masyado kang mayabang!” napangisi naman ako ng makitang si Monk na mismo ang papalapit saakin. Susuntukin sana niya ako ng bigla akong yumuko at saka siya sinipa sa likod ng tuhod niya dahilan para muntikan na siyang mapaluhod.
“Bakit niyo siya binugbog?” tanong ko ulit habang nilalagay sa balikat ni monk ang tubo na hawak ko
“Bakit ha? Ano mo baa ng lalakeng ‘yan!?” sigaw niya habang nakatingala sakin.
Walang pasabi akong umatras atsaka mabilis na hinampas sa balikat niya ang tubo
“Ayaw ko ng sinasagot ako ng tanong rin” sabi ko habang diretsang nakatingin sa mga mata niya
Tumingala ako saglit para pakalmahin ang sarili ko ng naramdaman kong pilit na tumayo si Monk at hahampasin na sana ako pero nasangga ko iyon ng tubong hawak ko atsaka siya malakas na sinipa ulit pero sa tiyan naman ngayon, at mukha atang nasobrahan ng lakas ang pagsipa ko dahil umubo siya ng dugo dahil sa ginawa ko.
“B-boss!” sigaw ng ilan sa mga tauhan niya
Naglakad ako palapit kay Monk atsaka hinila ang buhok niya dahilan para mapatingala siya saakin
“I-inutusan lang k-kami” tinignan ko ang nagsabi nun, si Monk number 2
‘Of course I know na inutusan lang kayo, boploks what I’m asking is why?’ – nakakaubos ng braincells ang mga taong ko.
“Bakit ba ang tagal niyo!?” napaingon kami sa pintuan ng warehouse ng may biglang sumigaw mula doon at halata ang gulat sa mga mata niya ng makita ang kabuoan ng nasa loob ng warehouse ngayon kung saan nakahandusay ang mga tauhan ni Monk ngunit mas lalo siyang nagulat ng magtama ang paningin naming dalawa atsaka siya mabilis na yumuko bilang pagrespeto.
“Long time no see, Franz” halata ang takot sa mga mata niya saka mabilis na lumapit saakin.
“Q-“ hindi niya natuloy ang pagtawag saakin ng senyasan ko siyang manahimik
“Hindi ko alam na hindi nap ala pinipili ni Kurt ngayon ang mga tauhan niya” pagtukoy ko sa groupo ni Monk. Yumuko lang siya bilang paghingi ng paumanhin dahil sakanya rin naman dumadaan ang mga tauhan ni Kurt bago kay Kurt dahil sa siya ang inaasahan nito pagdating sa ganitong bagay.
“Siguraduhin mong hindi sasabihin ng mga ‘yan kahit kanino ang nangyari ngayon lalo na kay Jonathan” walang pakundang kong sabi na tinanguan naman niya
“Anong ginagawa mo-“ hindi na niya natuloy ang sasabihin sana niya ng bigla akong nagsalita rin dahil may naririnig akong mga yabag ng paa na papunta sa kinaroonan naming ngayon.
“Hindi na mahalaga ngayon, isa pa sabihan mo si Kurt na mag-uusap kami” nakita ko naman ang pagkabalisa niya dahil sa sinabi ko, saka ako mabilis na umalis sa warehouse na iyon pero bago pa ako makalayo ay narinig ko si Franz
“Ano ang ginawa niyo!? Malalagot tayo nito mga bobo!” galit na galit n sigaw ni Franz kanila Monk
Lumingon ako saglit sa warehouse at wala na doon si Franz dahil mabilis siyang nagtago sa gilid nito
“JONATHAN!” sigaw ng mga bagong dating, ang mga unggoy na kagroupo ni Jonathan dahilan kung bakit nagtago si Franz dahil sa pagkaka-alam ko ay hindi nagpapakita si Franz sa kung sino mang nakaka-away ni Kurt para narin hindi maging mahirap sa kanila ang pag-ispiya gamit ang katauhan niya kapag nagkataon at kakailanganin.
Huminto ako sa may malaking puno di kalayuan sa warehouse kung saan kitangkita ko parin ang nangyayari sa loob kung saan nakikipaglaban ulit sila Monk pero ngayon ay sa mga kagroupo na ni Jonathan. May binatbat din pala ang mga unggoy kong kaklase base narin sa pinapakita nila ngayon pero hindi narin ganon katagal ang naging labanan dahil narin sa pagod na ang mga tauhan ni Monk at hindi pa tuluyang nakakabawi ng lakas ng maglaban sila.
“Queen” nilingon ko ang nagsalita at nakita ulit si Franz
“Get rid of those idiots” pagtukoy ko kanila Monk.
“Yes Queen” sabi niya saka yumuko. Nakita na nila Monk ang itsura ko at ang kakayahan ko kaya kalian nilang mawala sa landas ko bago pa kumalat ang nangyari dahil wala akong tiwala sa mg ungok na iyon na walang ni-isa man lang sa kanila na magsasalita.
“Also tell Kurt to meet me later” tumango lang siya bilang pagsagot.
“Masusunod” ‘yon lang ang huling sinabi niya bago siya umalis.
Kay kurt ko nalang mismo tatanungin kung bakit niya ginawa iyon kay Jonathan dahil kung talagang mali naman ng Jonathan na ‘yon aba’t ako na mismo ang bubugbog sakanya, walang sino man ang may karapatan na saktan sila Kurt pero kung si Kurt naman ang nanguna malilintikan saakin ang lalakeng ‘yo
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng mag-ring ‘yon
“P-princess” rinig na rinig ko ang paglunok ni Kurt mula sa kabilang linya
*Kinabukasan*
Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Ugh sa tutuusin wala dapat akong pakialam pero isa siya sa mga kaklase ko na kailangan kong bantayan kaya lang ako nagkaroon ng pake psh mabuti nalang hindi niya ako nakita dahil wala na siyang malay pagdating ko.
At tungkol naman sa magaling na Kurt, talagang isa pa sa mga unggoy na responsibilidad ko ang naging mortal niyang kaaway.
Kurt is my boy bestfriend, sa New York din ‘yon nakatira ever since we were born ni hindi ko nga alam bakit nandito ang isang ‘yon eh siguro may mission? O trip lang talaga niyang pumunta dito sa pilipinas. Pinagsabihan ko narin na iwas-iwasan ang pang-aaway sa mga unggoy lalo na kung maliit na bagay lang and thankfully naniwala naman siya though wala rin naman talaga siyang choice kundi sumunod, mabuti nalang din na isang salita lang sa lalakeng ‘yon naniniwala na, madaling kausap ika nga dahil kapag nagkataon isa pa ‘yon sa poproblemahin ko.
Nasa room na ako at puro bunganga lang ng mga unggoy na nilock ko sa gubat naming classroom ang ingay na naririnig ko panay reklamo sa ginawa ko kahapon sa kanila tsk ayaw sumunod edi gamitan ng dahas. Sinasayang ng mga unggoy na ito ang oras ko atsaka kahit kailan talaga walang tigil ang bunganga kakadada putek lang ang sakit sa tainga ang sarap na patiklopin ng mga to eh, akala ko mga babae lang usually ang mabunganga pati pala mga unggoy psh.
Napalingon naman ako sa lalakeng biglang humawak ng braso ko at sapilitan akong kinaladkad palabas ng room saka ako sinandig sa pader habang ang dalawa niyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Ngayon ko napagtanto na matangkad pala ang unggoy na ‘to dahil medyo napatingala ako habang nakatingin pabalik sa mga mata niya na nakatitig lang saakin na tila punongpuno ng mga katanungan.
"Sino ka ba talaga?" biglang tanong niya makalipas ang ilang segundo na pagtitig lang saakin. Medyo nagtaka ako sa tinanong niya. Hindi ba nakinig ang lalakeng to noong inintroduce ko ang sarili ko? Psh well, I know na it’s not what he meant by asking that stupid question, possible kayang nakita niya ako kahapon? Mukhang kailangan ko mag-ingat sa isang ‘to, mukhang may utak eh kumpara sa mga ibang kaklase namin pero sabagay nga naman di nila to magiging leader kung tatanga-tanga lang din.
"Zinne Shimi" tipid na sagot ko na kinainis naman niya. Ano bang pinuputok ng budhi ng lalakeng to? Kakaladkarin ako tas ‘yon lang ang itatanong? Pero dahil nakatitig lang parin ako sakanya ay kitangkita ko ang kuryusidad sa mga mata niya at mas lalo lang gumatla ang noo niya ng dahil sa sagot ko. Ang ikli naman ng pasensya ng isang ‘to baka mamaya sapukin pa ako nito kapag lalong mainis.
‘Kala mo naman di maikli ang pasensya’ – wala na talagang ibang mag-aasar saakin kundi sariling utak ko lang din, mababaliw na ata ako nito.
"That's not what I meant" Inis niyang sabi saka nakipagtitigan lang saakin pero siya naman ang unang umiwas, wala talagang makakatagal na titigan ang magaganda kong mata. What f**k am I saying!? Cringe grr, naloloka na ako ng dahil sa mga unggoy na ito argh!
Hindi ko siya sinagot at aalis n asana pero nagulat ako ng bigla niya akong hilain pabalik at nilagay niya ulit sa may kabilang gilid ng ulo ko ang mga kamay niya dahilan para makulong ako doon at saka niya binaba ng kaunti ang ulo niya dahilan para mapantay ‘yon saakin.
"Answer me" Ma-awtoridad niyang sabi tsk sino siya sa tingin niya para utusan ako? atsaka sinagot ko naman na ang walang kwenta niyang tanong kanina bakit ba di nalang makontento sa isang s**o tang lalakeng to? Ang kulit din eh no.
"I said I’m Zinne Shimi, bingi ka ba?" walang gana kong sabi kaya hindi niya mawari kung nagsisinungaling ako o hindi dahil sigurado akong wala siyang makikitang kung ano sa mga mata at ekspresyon ko. Pinag-aralan kong mabuti ang pagkontrol sa emotion ko mula pa noong bata pa ako, hindi rin naman ‘yon naging mahirap sakin dahil wala naman ako gaanong emotion na nararamdaman lalo na’t puno lang ako ng puot at galit ng mga panahong ‘yon dahil sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay.
"Where are you yesterday? Mon said you went outside and locked those stupid inside the classroom until dismissal" aba't ang bilis din kumalat ng balita sa lalakeng to eh no? Updated na updated sa mga kaganapan kahit na wala naman siya sa school for the whole day dahil ayun nga nakipag-away pala, ang tapangtapang rin pumunta ng mag-isa doon if I know since mortal na magka-away sila ni Kurt so I bet he already know how Kurt works, stupid monkey.
"Home" tipid kong sagot atsaka pake niya ba kung nasan ako kahapon, siya lang ba pwedeng umabsent? At dahil sa wala rin akong planong magsayang ng laway sa kanya kaya ‘yon lang sinagot ko sakanya. Tsk ano siya sinuswerte? mahal ang laway ko lahat ata saakin mahal ang mga unggoy lang na ito ang hindi nakakakita at hindi alam ‘yon tsk.
"Stop lying" tanong ng tanong tapos kapag sinasagot ayaw maniwala? Atsaka kung nakita man niya ako kahapon na nasa warehouse bakit pa niya tinatanong? para kumpirmahin? At Isa pa wala rin akong intensyon na sabihin sakanya ang totoo. Wala siyang pake kung nasaan ako kahapon, siya ayaw magpautos tas ako uutusan lang niya na sagutin siya ng ganonganon lang? Hah! No way I’m not one of those monkeys na sunodsunoran sakanya.
"I’m not " saka ko siya malakas na tinulak at bumalik sa classroom nakakasayang ng oras ang lalakeng ‘yon, kinuha ko ang ear phone ko at finull ang volume pagkaupo na pagkaupo ko at hindi na pinansin ang mga unggoy na nakatingin saakin at ito lang din ang paraan para hindi ko marinig ang ingay nila, isa pa hindi naman sila makakalabas dahil nilock ko ang pinto.
Jonathan's POV
Fuck that Kurt! Matagal narin kaming magkaaway ng gagong ‘yon. Lahat nalang ng akin inaagaw niya, lahat nalang ng meron ako sinasaktan niya. Ano ba talaga ang problema ng lalakeng ‘yon!? hindi ko naman kasalanan na magkaroon ako ng lahat ng meron ako ngayon tsk. Buong akala ko babae lang ang kadalasan punongpuno ng insecurity sa katawan pati rin pala ang lokong Kurt na ‘yon pero sabagay mukha rin namang babae ang asungot na ‘yon.
Psh, ngunit kung iisipin kalalakeng tao daing pa ang babae sa pagkainggetero at talagang literal na inggit ang pinapakita ng gagong ‘yon.
Kahapon hinamon niya ako ng malaman niyang natalo ng groupo namin ang isang napakalakas na groupo dito sa pinas at hindi yun matanggap ng gago kaya talagang hinamon kami. Ayoko namang masali pa sa katarantaduhan niya ang mga kaibigan ko kahit na ang sama kong leader sa kanila hindi ko parin hahayaang masaktan sila at sakto namang sobrang inis ko sa babaeng yun na wala ng ibang ginawa kundi ang mang-utos saamin kaya timing na may mapaglabasan ako ng inis. Kakaiba rin ang babaeng yun ni minsan hindi ko nakitang ngumiti, tumawa o magkaroon man lang ng katiting na emotion, o ekspresyon parang bangkay na bumangon sa hukay kaya hindi ko rin mawari kung alin ang tama at hindi sa mga kumakawala sa bibig niya.
Pero hindi ko alam kung bakit at hindi ko maiwasang mamangha sa mga mata niya sobrang nakakaakit ang gandang taglay nila at napaka-unique ng kulay dahil kulay blue na may halong gray sa gilid ni hindi ko nga alam kung may lahi ang babaeng yun eh pero english ng english mukhang may lahi nga ata talaga base narin sa itsura at kutis niya, iba rin ang kinikilos niya hindi ko alam basta parang may kakaiba sakanya na hindi ko matukoy kung ano.
Naglalakad ako ngayon papunta ng room dahil kailangan ko siyang makausap at sakto naming pagpasok ko ay andun na siya.
Inis na inis ko siyang kinaladkad palabas at mas nainis ako ng makitang walang emotion, tipid at boring lang niya akong sinagot at kinausap ewan ko ba sa babaeng yan sa lahat ng taong nakilala o nakasalamuha ko siya lang ang hindi natatakot saakin, siya lang ang may lakas ng loob ng kalabanin ako at utos-utosan ang klase namin. Hindi kami nasanay na may babae saamin kaya wala kaming respeto sa babaeng ‘to na hindi naman talaga ka resperespeto ang pag uugali tsk. Although hindi naman talaga kami namimisikal ng babae hangga’t maaari pero kakaiba talaga ang isang ‘to.
Hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari kahapon naloko ako ng pesteng Kurt na ‘yon at ang mas lalong hindi talaga mawala sa isipan ko ay ang nakita ko bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang pagmumukha ng taong hindi ko inaasahan na makita lalo na sa lugar na ‘yon.
Ang babaeng baliw na hindi ko alam kung bakit nandun ng mga oras na ‘yon. Zinne Shimi sino ka ba talaga? ang mas nakakapagtaka ay ng paggising ko nasa hospital ako ng ilang oras ayon sa nurse na naka-assign saakin at nakabenda narin ang mga sugat ko. May nakita naman akong picture sa may bulletin board mga nakahandusay at walang malay na katawan ng mga tauhan ni Kurt. Hindi ko alam kung sinong may gawa pero isa lang ang nasa isip ko kundi ang babaeng ‘yon pero impossible o baka naman nagtawag siya ng pulis o humingi ng tulong? hayst ewan! bakit ko ba iniisip ang bagay na ‘yan? Wala na akong pake pa doon ang mahalaga ligtas ako kahit pa ang babaeng ‘yon man ang nagligtas saakin o hindi. Isa pa ang mahalaga rin ay hindi na nadamay pa sa katarantaduhan ni Kurt ang mga kaibigan ko.
Duwag talaga ang Kurt na ‘yon at halos ipadala na ang isang buong baranggay kahapon tsk nakakainis mas lalo lang akong nairita sa bwisit na Kurt na ‘yon at mas lalo lang akong nagulo ng Zinne na ‘yon.