Six

3644 Words
Jonathan’s POV   “Naalala niyo yung araw na nasa warehouse ako?” biglang tanong ko sa mga kasama kong nakaupo ngayon sa sahig ng tambayan namin.   Ilang buwan ng bumabagabag saakin ang nangyari matapos akong himatayin ng araw na ‘yon lalo na’t hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ng mga tauhan ni Kurt na sumugod saakin ng araw na iyon. Nakakapagtaka pa lalo na madalag nalang magtagpo ang landas naming ng hayop na Kurt na ‘yon mukhang napagod na ata sa mga katarantaduhan niya pero impossibleng susuko nalang iyon ng basta-basta.   “Pagdating namin nun ay bugbog sarado na halos lahat ng mga tauhan na pinadala ni Kurt kaya hindi kami nahirapan na kalabanin sila at dalhin ka agad sa clinic” paliwanag ni Mon ng tanungin ko sila kung ano ang nangyari pagdating nila sa warehouse kahapon   “Ikaw ba may gawa nun?” pagkumpirma naman ni Ezel   “Hindi” tipid na sagot ko na kinakunot naman ng noo nila “Nabigla ako ng bigla silang magsisulputan habang naglalaban kami ni Kurt at walang pakundang akong hinampas kaya hindi ko sila gaanong nakalaban” paliwanag ko habang nakatingin lang sa dingding at nag-iisip ng malalim. Sino ang may gawa nun kung ganon?   “Edi sino?” tanong ni Mon saka tinignan kaming lahat, isa-isa.   “Base rin sa mga natamo nila masasabi ko ring hindi si Jonathan ang nakaharap nila bago tayo dumating dahil hindi ganon ang mga galaw niya lalo na’t halos mabaldado na ang mga tauhan ni Kurt ng araw na iyon eh si Jonathan pinapatulog lang naman ang nakaka-away lalo na’t napag-utusan lang naman sila ng duwag na Kurt na iyon” mahabang lintaya naman ni Khan sa na-obserbahan niya ng araw na iyon.   “Isa pa hindi ba kayo nagtataka?” napalingon silang lahat saakin “Magmula ng araw na ‘yon ni anino ng mga taong iyon ay hindi ko na nakita, bigla nalang silang naglaho na parang bula” napatangotango naman sila sa sinabi ko.   “At pansin ko rin medyo nanahimik si Kurt ngayon, may koneksyon kaya sa nangyari ng araw na iyon ang rason kung bakit?” bulalas ni Khan.   Kung gano hindi lang pala ako ang nakapansin ng bagay na iyon   “Bago kayo dumating wala ba kayong napansin o nakita?” biglang tanong ko sa kanila.   “Wala naman” sagot ni Mon   “Maliban sa takot na nakita namin sa mga mata ng naka-away mo wala na, pansin ko rin pala na parang nabunutan pa sila ng tinik ng dumating kami which is strange” sagot naman ni Khan   “Nasaan si Zinne ng mga oras na iyon? Nakita niyo ba siya?” nagtaka naman sila sa tanong ko   “Kasama naming siya bago kami pumunta ng warehouse kaya paniguradong nasa loob lang siya ng campus ng mga oras na iyon” sagot naman ni Ezel. Kung ganon namalikmata lang ba ako ng makita ko siya bago ako tuluyang nawalan ng malay?   “Bakit Leader?” tanong naman ni Khan   “Wala wala” sagot ko lang saka tumayo at kumuha ng tubig sa ref at tinungga iyon habang nag-iisip parin.   “Anak ng!” mabilis akong bumalis sa kinaroroonan nila ng marinig si Mon   “Anong meron?” tanong ng iba pa naming mga kasama   “Tignan niyo dali” kinonekta naman ni Mon ang telepono niya sa projector na nasa harap naming lahat at pati ako ay hindi makapaniwala sa nakita   “Parang kanikanina lang ay pinag-uusapan natin sila”   A group of men is found dead underneath the Epol Bridge. The investigators believed that it’s been months since these men died and the murderer throw the bodies on the lake that is connected to the water flowing below the bridge that made the bodies to just flow along the water and made its way underneath the said bridge, that also explains why the bodies are just being found today aside from the stinky odor that the people who are passing the bridge smells and complains about.   That’s the news for today, back to you Mr. Hong.   Iyon ang sabi ng reporter sa video na pinlay ni Mon   “Heto ang pictures ng mga namatay, kinikilabutan ako putspa” sabi pa ni Mon saka pinakita isa-isa ang litrato ng mga taong naka-away naming sa warehouse nung araw na ‘yon   “Sinong may gawa niyan? Gago” hindi makapaniwalang sabi ng iba saamin   “Baka kaya nanahimik si Kurt ay dahil akala niya tayo ang may gawa” konklusyon naman ni Khan   “Impossible, mas lalong mangaggalaiti sa galit iyon imbis na manahimik ay posibleng pinapatay na tayo ng ugok na ‘yon ng mga nakaraang buwan” sabi naman ni Ezel. Tama siya, impossibleng papalagpasin ni Kurt ang ganitong pangyayari lalo na’t mga tauhan niya ang pinag-uusapan dito.   “Baka kaya siya nanahimik ay dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin itong nangyari” mas possible pa itong sinabi ni Mon baka nga ito ang rason pero ang tanong ay kung sino ang gumawa nito at anong motibo niya sa pagpaslang ng ganito ka brutal sa mga taong ‘yon?   “Baka ilan lang din sa mga naka-away ni Kurt ang may gawa niyan, mas mabuti pang huwag nalang tayong mangialam” sabi ko na tinanguan naman nila.   “LEADER!!!” napatayo kaming lahat ng marinig ang ilan sa mga kaklase namin ang biglang tumawag saakin. Anong nangyari? Tinignan ko ang relo ko at maaga pa bago ang oras ng klase kaya possibleng iba ang pakay nila dito lalo na’t mukhang hingal na hingal pa sila dahil siguro sa pagtakbo patungo dito.   “Anong nangyari!?” agad na tanong ko   “Ang groupo nila Jacob-“ hindi pa nito natapos ang sasabihin niya ay agad na kaming tumakbo palabas. Ano nanaman kaya ang gusto ng mga ‘yon? Hindi pa ako nakakarecover sa pag-iisip tungkol sa nangyari sa mga tauhan ni Kurt ay dadagdag nanaman ang hinayupak na Jacob na iyon at mga kagroupo niya.   “Letse hindi pa tayo natatapos kakaresolba ng isang iisipin may dadagdag nanaman” pagrereklamo ni Ezel   “Ayon sa narinig ko kaya sila nanggugulo ngayon ay para makita si Zinne” napatigil kami sa pagtakbo dahil sa sinabi ng isa sa kaklase naming   “Anong sinabi mo?” nagdidilim ang matang tanong ko   “K-kasi kanina bago kami t-tumakbo nila Nam papunta sainyo ay n-narinig kong sabi ng ilan sa mga kasama ni Jacob na hinahanap nila si Zinne ang bagong leader daw ng section n-natin” hindi ko alam pero biglang uminit lalo ang dugo ko sa narinig at mas binilisan pa ang pagpunta sa harapan ng skwelahan kung saan madalas na nanggugulo ang Jacob na iyon.   “JACOB!” mabilis naman silang lumingon saamin at sinundan kami ng tingin bago mapunta sa harap ng mga iba naming kaklase na siyang humarap sa kanila habang wala kami.   “Oh hayaan na pala kayo, sa wakas at kumpleto narin ang mga hampaslupa ng university” sabi ni Jacob na kinatawa naman ng ilan sa mga nandito ngayon.   “Hindi pa boss wala pa ang PRINSESA nila” nakangising sabi ni Ron   “Oo nga pala, balita ko napakaperpekto daw pangkama ng prinsesa niyo, hula ko tapos niyo na atang pagpyestahan ‘yon pwede bang kami naman?” naramdaman ko ang galit na biglang umusbong sa mga kasamahan ko dahil sa sinabi ni Jacob.   ‘Mapapatay kita Jacob, hayop ka’   Susugurin ko n asana siya ng biglang may dumaan na babae sa pagitan ng groupo naming at nila Jacob.   Zinne   Fuck bat anjan ang babaeng yan? Lintik!   “Miss” biglang tawag ni Jacob sakanya. Lalapitan na sana siya ng mga kasama ko ng pigilan ko sila dahil hindi pwedeng sila ang manguna sa gulong to dahil paniguradong  may ma kikick out sa kanila.   "Ikaw ang assigned leader ng mga hampas lupang yan diba?" tinagilid naman ni Zinne ang ulo niya at bored na nilingon ang groupo nila Jacob.   ‘Huwag na huwag kang magkakamaling babae ka, bat ba masyadong matapang ang babaeng to?’   Letsugas bakit ba kasi sa dinamidami ng dadaanan dito pa siya sa gitna tumyempo ng daan? Ang ganda rin talaga ng timing ng  babaeng to eh no?   Hindi ko naipasok ang sasakyan ko ng may makita akong mga nagkukumpulang studyante sa labas ng skwelahan although I don't really f*****g care kung ano ang pinagkukumpulan nila besides nasa labas naman sila ng school walang pake sakanila ang mga staffs hindi naman na nila obligasyon ang mga iyon dahil nasa labas naman ng university. Hanep din ang mga studyanteng to may respeto pa pala sa skwelahan.   Dumaan lang ako sa gitna nilang lahat. Pero napahinto naman ako ng marealize kong nasa gitna nga talaga ako ng dalawang groupong mukhang mag-aaway at napalingon ako sa kabilang side kung saan ko nakita ang mga unggoy kong kaklase at sa kabila naman ang mga mas mukha pang mga unggoy na mga studyante rin ng university.   Tinignan ko lang sila at halatang nagtaka naman sila ba’t ako nasa pagitan nila kaya nagpatuloy nalang ako ng paglalakad papasok ng biglang may tumawag saakin.   "Miss" napalingon ako sa mukhang leader ng mga hinayupak sa kabilang groupo. Tinignan ko lang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.   "Ikaw ang assigned leader ng mga hampas lupang yan diba?" biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya dahil walang ibang pwedeng manglait sa mga unggoy kong kaklase kung hindi ako lang.   "Wag mo siyang isali dito Jacob" matigas na saad ni Jonathan. Tinignan ko lang ang mga unggoy atsaka tumango sa Jacob na sinasabi ni Jonathan.   "Alam mo miss hindi ka nababagay sa mga basurang demonyong yan" medyo nagtaka naman ako sa sinabi niya at nainis pa lalo. Sa tutuusin mas mukha pa siyang demonyo at basura kesa sa mga kaklase ko, di ata nananalamin ang lalakeng to.   "You mean?" walang emosyong kong tanong.   "Hindi mo ba napapansin ang ibig sabihin ng Class T-H? T for Trashes and H for Hell because they are all devils from hell! They are all trashes wala ng ibang ginawa kung hindi mag kalat sa University, wala ng ibang ginawa kung hindi manggulo mga walang kwenta, mga basura, mga hinayupak, mga siraulo" that’s it, he definitely hit the bull's eye this time.   “Aren’t you just insecure?” walang gana kong tanong sakanya “As what I can see mas mukha ka pang nangunguna sa nangyayari ngayon compare to them” dagdag ko pa atsaka tinuro ang mga kaklase ko. Halata naman na nainis siya dahil sa sinabi ko.   “Anong sinabi mo?!” nanggagalaiti niyang tanong   “Hindi ko alam na bingi ka rin pala” nagtawanan naman ang nasa paligid naming ng dahil sa sinabi ko na mas kinagalit ng groupo nila Jacob pero wala akong pakialam.   “Isa ka rin palang demonyo” sabi ni Jacob matapos niyang pakalmahin ang sarili niya.   Sinabi ko na kanina walang ibang pwedeng manlait sa mga unggoy kong kaklase kung hindi ako lang dahil kahit na ganyan ang mga unggoy na ‘yan inaamin ko na kahit papaano ay naging importante at mas malapit narin sila saakin kahit na hindi naman talaga kami magkakasundo besides I feel safe with them, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi lang talaga sila marunong na umakto sa harap ng isang babae pero sa likod ng mga pang-aasar nila saakin alam kong kahit na ako rin ang nasa position nila ay hindi nila ako hahayaan nalang basta basta. Because of them I somehow change a little bit, sa ilang buwan na nakasama ko sila mas naging talkative na ako, hindi na ako nagiging sobrang mapride, nacocontrol ko na ang sarili ko, hindi ko alam basta nakita ko nalang ang sarili kong hinahayaan na sila sa mga pinangtatawag at pinanggagagawa nila saakin, hinahayaan na silang laitin ako. Nang dahil sa kanila nakalimutan ko halos lahat ng gusto kong kalimutan, at dahil rin sa kanila nagawa kong magbago, masasabi ko na ibang-iba na ako sa dating ako. Hindi ko na naiisip ang dati, hindi na ako ganun kabrutal kaya walang ibang pwedeng manlait sa mga unggoy na ‘yan, walang ibang pwedeng umaway sa kanila kung hindi ako lang.   Nakita ko namang susugurin sana siya ni Jonathan matapos sabihin ‘yon kaya mabilis akong lumapit kay Jonathan at pinigilan siya.   Bago ko binalik ang tingin kay Jacob na ngayon ay nakangisi na.   "Alam mo miss maganda ka pa naman, hot, sexy, at mukhang masarap" naramdaman ko naman na nainis ang mga unggoy kong kaklase at nagtagis ang bagang sa pambabastos saakin ni Jacob ng harapharapan, hindi ko alam at para akong nasiyahan dahil nainis sila na binabastos ako ng ugok na ‘yon, nababaliw na ata talaga ako "Lumipat ka nalang saamin miss hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng mga tarantadong yan baka mamaya niyan lahat sila pinangsunggaban ka nalang bigla habang nakatalikod, naku miss masasayang kalang. Alam ko namang nahawa ka lang sa ugali nila kaya ganyan ka kung sumagot, mababago pa naman ‘yan" sabi ni Jacob saka sabay sabay silang nagsitawanan. I gave them a bored look at pinahalatang ni katiting ay di ako nagkaroon ng interest sa alin man sa sinabi niya.   "Are you done?" walang gana kong tanong kaya napa 'huh' naman sila sa sinabi ko. Hinanda ko naman ang sarili ko sa mga sasabihin ko, ito na ata ang pinaka mahabang sasabihin ko ngayong araw.   "As what I can see you're the one who's imagining me naked and thinking some stupid fantasies that would never happen even in your wet dreams. I would rather die than do what's inside your filthy mind with you, you look like a r****t and trash than this monkeys behind me and oh one more thing don't you dare to call them again using some idiotic words that suits you more or else I’ll cut your tongue and sew your mouth. I'm the only one who's allowed to belittle them, no one else. So you better shut up if you don't want your dirty mouth out of your face this instant, bastard" Yan lang ang mga huli kong sinabi atsaka hinarap ang mga unggoy sa likod ko habang nakanganga at hindi makapaniwala, lalo na ang groupo ni Jacob sa sinabi ko. I told you walang pwedeng manlait sa mga unggoy na ito kung hindi ako lang, nagkamali kayo ng binangga jerks.   "Ang astig nun Zinne" tuwangtuwa na parang batang sabi ni Mon. tsk childish monkey   "Basag si Jacob dun Zinne ah" Ezel                                                                    "Oo nga Zinne totoo ba yung sinabi mo?" tinignan ko lang sila at hindi na nag-atubiling magsalita. Tsk ayokong ipakitang may pake ako sakanila, naubusan lang talaga ako choice at pasensya dahil sa ginawa at sinabi ng Jacob na ‘yon. Amputek talaga ewan ko ba kung bakit ako nainis ng sobra basta ang alam ko lang galit ako at pasalamat ang groupo ng Jacob na ‘yon dahil hindi ko sila pwedeng gamitan ng dahas sa harap ng maraming estudyante na nandito ngayon at nakikichismis lalo na sa harap nila Jonathan.   "Zinne nosebleed ako dun a" natatawa man ay pinipigilan ko ang sariling wag ipakita yon sa kanila. These stupid monkeys, masyado ng gumagaan ang loob ko sa kanila.   "Go back to our classroom now" utos ko sakanila saka sila pinagtulakan papasok ng skwelahan. Mukhang di parin nakakabawi sa gulat ang ibang studyante, lalo na sila Jacob pero ng makalayo na ang mga unggoy bigla naman nagsalita si Jacob na siyang unang nakabawi sa pagkagulat.   "Idiotic words? Like what? uhmm" sabi niya na parang nag-iisip pa bago pasabugin ng tuluyan ang pasensya ko.   ‘Wala na ang mga unggoy dito kaya wag na wag mo akong susubukan Jacob isang maling masabi mo lang matatapos ang buhay mo ngayon din mismo’    "Ano nga ulit ang mga ‘yon? Ahh alam ko na mga HAMPAS LUPANG WALANG PINAG-ARALAN NA MGA BASURANG NAKAKASIRA SA REPUTASYON AT IMAHE NG UNIVERSITY" sabi ni Jacob saka humalaghak kakatawa na halos maglumpasay na sa sahig, ang babaw naman ng kaligayahan ng isang ‘to. Ngunit biglang nandilim ang paningin ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis pa sa isang minuto na nakarating ako sa harap  niya  na kinagulat nilang lahat atsaka ko kinuwelyuhan si Jacob at tinitigan sa mata, halata naman na natakot siya sa ginawa ko. Inihanda ko na ang kamao ko para lumanding sa unggoy niyang mukha ng biglang   "ZINNE!" napalingon ako sa mga unggoy kong kaklase na hingal na hingal na mukhang tumakbo pabalik dito. "I already warned you" Susuntukin ko na sana siya ng may biglang humawak ng kamay ko, paglingon ko si Jonathan pala. "Tama na ‘yan" pinakalma ko naman ang sarili ko saka binitawan si Jacob na nakaupo na ngayon sa kalsada halatang takot na takot, tinignan ko naman ang mga kasama niya na biglang napaatras at natigil sa kakatawa. ‘Mukhang makakapag-exercise nanaman ako mamaya’ "Tara na Zinne balik na tayo sa room" sabi ni Mon, binitawan naman ni Jonathan ang kamay ko atsaka nauna ng maglakad. "Oo nga Zinne halika na baka malate pa tayo" sigaw naman si Khan. Pumunta muna ako sa kinaroroonan ng sasakyan ko at mabilis itong pinark saka ako sumunod sakanila sa room. Bago pa ako makapasok ay nakita ko si Rance na nakatingin lang din saakin. “You already know what to do” nangagalaiti kong sabi na kinatakot naman niya kaya mabilis siyang tumango atsaka nauna nang pumasok sa classroom, remember he is our homeroom teacher. At pagpasok ko naman ayun nanaman ang mga kaklase kong lait dito, lait doon at ingay dito, ingay doon. Aba matindi rin ang mga lalakeng to eh no. kahit kailan talaga nakakabwisit rin, kung hindi lang ako hahuntingin ng konsensya ko baka sila na napagbuntungan ko ng inis na sila rin ang dahilan bakit kasi kung saansaan na nasasangkot sa away ang mga unggoy na ‘to? ugh. Ilang oras lang ang nakalipas at lunch time na kaya binuksan ko na ang classroom naming para makalabas at makapaglunch ang mga kaklase ko. Papalabas narin sana ako ng biglang tumunog ang phone ko ‘Everything’s ready Queen’ ‘Yan ang nilalaman ng text ni Rance saakin, napangisi naman ako atsaka mabilis na pumunta sa location na sinend niya. Matagaltagal narin ang naging pahinga ko kaya kailangan ko ng mag exercise para naman hindi ako mangalawang. “Queen” salubong saakin ni Rance na ngayon ay nakasuot ng puti na mask na nagsisilbing takip sa buong mukha niya dahil kapag nagkataon ay makikilala siya ng mga lalakeng nakaluhod sa harapan ko ngayon dahil sa position niya sa loob ng skwelahan. “Nagkita ulit tayo” nakangising sabi ko sa kaharap ko ngayon. “A-anong gagawin mo saamin?” nauutal na tanong ni Jacob. Yes, it’s Jacob and his ugly underlings. “Pasalamat ka at nandun ang mga kaklase ko kanina kaya naka-alis pa kayong lahat ng humihinga parin” sabi ko saka tumawa ng tila isang demonyo na handang kitilan ng buhay ang mga walang kwentang nilalang sa mundong ‘to “Ano ba ang pinakain sayo ng mga basurang yon para umakto ka ng ganito dahil lang sa panlalait sa kanila ha?” nagtatapangtapangan na tanong ni Jacob “Baka naman boss masyadong nasarapan sa dami ba naman nila Jonathan, siyang-siya ata siyang isa-isahin sila” sabi ng isa sa mga kasama ni Jacob na kinatawa nilang lahat. Walang pasabi kong kinuha ang baril sa kamay ni Rance at tunutok iyon sa bunganga ng nagsalita. “Ang ayaw ko sa lahat ang mababantot ang bunganga” sabi ko saka walang awang pinutok iyon sa bibig niya dahilan para matumba siya. ‘Blood’ para akong mababaliw sa tuwa dahil makalipas ang ilang buwan ay nakakita ulit ako ng ganto karaming dugo. “Demonyo ka!” nanginginig na sigaw ni Jacob “At ayaw ko ng amoy ng mga demonyong nasa talampakan ko lang ang kayang gawin” walang emonsyon kong sabi saka pinulot ang kahoy na nasa paanan ko at malakas na hinampas sa ulo ni Jacob. Nakakalat sa sahig ang iba’t ibang armas at bagay na maaari kong gamitin sa mga walang kwentang nilalang na nasa harapan ko. Nasa 15 silang lahat kabilang na si Jacob at ang binaril ko kanina. “Akala niyo ba makaka-alis kayo ng ganonganon lang pagkatapos ng ginawa niyo kanina ha? HINDI! Mga bobo” mabilis ko naming pinulot ang latigo at saka sila isa isang hinampas sa likuran nila. Ubo, suka, iyak at pagmamakaawa ilan lang yan sa ingay na pumupuno ngayon sa lugar na kinaroonan naming “Remove their shirts” utos ko na ginawa naman ng mga tauhan na sinama ni Rance, mas maganda ata ang tama ng latigo kapag walang telang nakaharang. “T-tama na please” “Hindi n-na naming uulitin, p-parang-awa mo na” “Hinding-hindi na namin gagalawin ang section niyo” “W-wag mo kaming patayin” “H-hindi kami magsusumbong kahit kanino, palayain mo na kami” Ilan lang yan sa narinig ko mula sa bibig ng mga ugok na ito. Bakit naawa ba sila sa mga kaklase ko nung panahon na walang awa nila silang binugbog ng paulit-ulit!? Napag-alaman ko mula kay Rance na madalas i-set up ng groupo ni Jacob ang mga unggoy kong kaklase at laging tinityempo na wala si Jonathan o ang mga kagroupo nito, sa madaling salita ang pinupuntirya nila ang mga hindi gaanong kalakasan sa mga kaklase ko na ngayon ay hindi na nila magawagawang iset up ulit dahil mas naging mahigpit si Jonathan mula ng nalaman niya ang tungkol doon at sisiguraduhin ko ngayon na kahit kalian ay hinding hindi na nila mauulit iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD