bc

Love Is Here To Stay (Tagalog)

book_age18+
3.2K
FOLLOW
17.5K
READ
family
drama
comedy
bxg
female lead
first love
like
intro-logo
Blurb

Labing apat na taon ang matuling lumipas pero hanggang sa ngayon ang pagmamahal ko sa kaniya ay nandito pa rin nakatago sa puso ko kahit na may iba siyang minamahal.

At sa muling pagkikita namin nalaman kong may anak na siya.

Parang may punyal na tumutusok sa puso ko, ang sakit kahit alam kong noong una pa lang hindi ako ang mahal niya.

Aasa pa ba ako na mamahalin niya?

Parang ang labo yata kasi may pamilya na siya.

Ipagpatuloy ko pa ba ang pagmamahal kong lihim sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Balik Tanaw
Balik tanaw: KABATAAN "Kuya, tara na!" yaya ko sa panganay kong kapatid para mamingwit nang isda sa ilog, sa dulo ng hacienda Galvez. Kasama rin namin ang bunso naming kapatid na lalaki. "Mga anak mag-ingat kayo 'wag kayong maliligo sa ilog masyadong malalim iyon," paalala ng aming ina. "Opo 'nay, mamimingwit lang po talaga kami," sabi ko naman. Kapag sabado ito ang palagi naming ginagawa ang namimingwit sa ilog pero seyempre bago kami umalis sinisigurado muna namin na nagawa na namin ang aming tungkulin sa bahay bilang mga anak ng aming mga magulang. Bukod sa nakapamasyal na kami may dala pa kaming pang-ulam na isda para sa hapunan mamaya. At kapag linggo naman sabay-sabay kaming nagsisimba na mag-anak. "Shaira, dala mo na ba 'yong bayong para malagyan natin ng prutas kapag may nadaanan tayo?" tanong ng kuya ko sa akin. "Nandito na kuya. Tara na!" pagyaya ko sa kanila. Nagpaalam na kami sa aming ina at siya naman ay naiwan sa bahay wala kasi siyang pasok ngayon sa hacienda dahil sumama ang pakiramdam kaya pinagpahinga muna siya ni tatay. At ang tatay ko naman ay driver ng mga Galvez. Habang kami ay naglalakad may nakita akong puno ng bayabas at madami ang bunga nito kaya nanguha muna kami. Halos naubos namin ang bunga ng bayabas. Kinain namin ito habang naglalakad. Medyo may kalayuan din ang ilog sa aming bahay. Pero keribels lang. Kayang kaya, sanay na rin kasi kami maglakad ng malayo dahil iyong iskol na pinapasukan namin ay malayo sa bahay namin. Halos isang kilometro rin ang nilalakad namin bago makarating ng iskol. Medyo may kalayuan na ang aming nilalakad, nang biglang paglingon ko may napansin akong aso papunta sa direksiyon namin. "Kuya bakit may aso?" tanong ko sa kuya ko habang ngumunguya ng bayabas. Napalingon din ito. "Oo nga, palagi naman tayong nandito bakit ngayon lang nagkaroon ng aso rito at ang laki pa," sabi naman ng kuya ko. "Kuya, papunta sa atin," takot na sabi ni Carlo, ang bunso naming kapatid. Paano ang laki ng aso malaki pa yata sa amin at kumakahol pa ito. At kapag naabutan kami ng aso patay talaga kami. Malayo pa naman sa amin pero tanaw ko na ito. Mukhang kalalabas lang ng kulungan excited masyado. Excited manakmal ng tao. "Takbo!" sigaw ng kuya ko. Nag-alangan akong tumakbo dahil mas lalo lang mai-excite ang aso sa paghahabol. "Kuya, tigil! Mas lalo tayong habulin ng aso," pigil ko sa kan'ya. "Pero ate tingnan mo ang aso malapit na sa atin at dito sa direksiyon natin papunta," sabi ni bunso na bakas ang takot sa mukha. Dahil wala na rin akong magawa tumakbo na rin ako, bahala na talaga basta't hindi lang kami maabutan ng aso. Dahil sa babae ako naiiwan ako sa takbuhan. 'Yong dalawa kong kapatid ang bilis tumakbo. "Shaira, bilis malapit na ang aso," sigaw ng kuya ko sa akin. Binilisan ko talaga ang pagtakbo para maabutan ko sila pero wala kulelat talaga eh ang bilis nila, hanep talaga sila iniwan ako, ang sarap lang talaga nila kutusan. Naiiyak na ako dahil sa takot na baka maabutan ako ng aso at kagatin. Paano kung hindi lang kagat ang abutin ko baka kainin pa ako ng buhay? Naku 'wag naman sana gusto ko pang mabuhay. Ayoko pang mamatay. Tumutulo ang luha ko habang tumatakbo lalo akong naiyak ng hindi ko na matanaw ang mga kapatid ko. Nag-iba yata sila ng direksiyon? Samantalang sumusunod naman ako sa kanila at bakit biglang nawala sila sa paningin ko? Ano na ang gagawin ko? Iniba ko rin ang direksiyon ko para mailigaw ko ang aso. Kaso ako talaga sinusundan nito. Paano naman kasi ako na lang nakikita niya. At hindi ko na nakita ang dalawa kong kapatid. Nasaan na sila? Mga bwesit sila iniwan ako. Humanda talaga kayo kapag naabutan ko lang talaga kayo, kayo ang ipapakain ko sa aso. Paano ko nga pala sila maabutan hindi ko nga alam kung saan na sila. Bwesit lang talaga. Lumingon ako at tiningnan ko kung sumusunod pa ang aso. Aba, hindi rin napapagod talagang hinahabol ako. No choice na talaga ako. Aakyat na lang ako sa puno, bahala na marunong naman ako umakyat basta ba maraming sanga kaso ang tataas nang puno hindi ko yata kaya dahil ang tataas din ng mga sanga. Papalapit na ang aso sa akin, ano ang aking gagawin? Parang maiihi na ako sa takot. Kainis. Hanggang sa makakita ako ng punong baging bahala na mag-aala Tarzan na lang ako kaysa maabutan ako ng aso at kainin ako ng buhay. Mabuti na lang talaga may baging kaya naka-akyat ako sa puno ng mabilis. Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang takot kaya humawak ako ng mahigpit sa sanga baka mahulog ako. Makakaligtas nga ako sa aso pero sa pagkahulog mukhang hindi yata, mabuti sana kung may sasalo. Hugot pa more. Iyak ako nang iyak, hanggang sa tumigil na lang ng kusa dahil mukhang wala ng mailalabas na luha. Kaya tinahan ko na lang ang sarili ko para makapag-isip ng susunod na gagawin. Iniwan ko na lang din ang dala kong bayong sa ibaba. Hindi ko kasi binitiwan iyon kahit na tumatakbo ako. At ang aso nakita kong tumigil din sa pagtakbo. Napagod din siguro o dahil hindi niya na ako nakita? Mabuti naman, sana umalis na siya ng makababa na ako. At ang pinakamalaking tanong paano ako babalik sa bahay? Hindi ko na alam ang pabalik doon masyadong malayo na yata ang tinakbo ko at nasa ibang direksiyon na ako ng kakahuyan. Parang maiiyak ulit ako. Ngunit hindi ko itinuloy dahil kailangan ko munang makababa. Lintek talaga ang aso na 'to hindi pa talaga umaalis. Ano akala nito sa akin buto? Excuse me doggy hindi ako baka na mabuto. Para lang akong tanga kinakausap ko ang sarili ko. At sa wakas umalis na rin ang aso nang makarinig ito ng sipol. Ayyy may tao. Bababa na ako para makahingi ng tulong at nang makauwi na. Ayyy tae pala. Bwesit lang talaga nakaapak kasi ako ng jackpot ng aso. Kung minamalas ka nga naman talaga. Naisip ko 'yong tae este 'yong tao. Hala, wala na, paano na ako rito? Sino tutulong sa akin? Paano ako uuwi? Parang maiiyak na naman ako. "Wala na kaya 'yong aso?" tanong ko sa aking sarili. Naglakad ako pabalik. Sinundan ko iyong direksiyon ng aso. Ang haba na ng nilakad ko pero hindi ko pa rin matanaw ang daan kung saan kami hinabol kanina. Kinakabahan na ako baka kasi naligaw na ako ng tuluyan. At ayoko maabutan nang gabi rito. Nakakatakot baka may aswang dito. Paano kung kainin niya ako at sipsipin niya ang dugo ko? Hala, 'wag naman sana. Pero parang bampira yata naninimpsip ng dugo? Wala na talaga sa huwisyo ang utak ko kung ano-ano na lang naiisip ko. Pero pihadong nag-aalala na ang nanay ko sa akin. "Iyong dalawa kaya nakauwi na sa bahay?" tanong ko ulit sa sarili ko. "Aba malay ko iniwan ka nga nila 'di ba?" pagtataray na pagalit ko sa sarili ko. Talagang wala na kinakausap na ang sarili nang mag-isa. Mukhang hindi na maganda 'to. Kainis talaga. Medyo nakaramdam na ako nang gutom parang ang tagal ko nang nandito sa kakahuyang ito na sakop pa rin yata ng mga Galvez? Bitbit ko pa rin ang bayong. Kinuha ko ito kanina pagkababa ko sa puno. Mabuti at may laman pa itong bayabas kaya iyon na muna kinain ko. Tumigil muna ako saglit sa paglakakad. Napaupo ako sa ilalim nang puno ng kahoy. Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan naka-idlip na pala ako. Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong parang may gumagapang sa paa ko. Pagkamulat ng aking mga mata, nakita ko ang ahas na gumagapang sa paa ko. Ahas? Sisigaw sana ako, naisip ko kapag ginawa ko 'yon lalong mataranta ang ahas at tuklawin ako kaya ipinikit ko na lang mga mata ko sa sobrang takot. Pinagpawisan ako nang malala. Mabuti na lang at hindi ko ginawa dahil kapag nangyari at natuklaw ako patay talaga ako lalo na kung may kamandag pa ang ahas. Wala pa namang tutulong sa akin dito. Nang makalayo na ang ahas sa paa ko sa sobrang takot ko hindi ko namalayang napaihi na pala ako. Sobrang kamalasan na talaga 'to. Una aso, pangalawa ahas at pangatlo nakaihi ako sa shorts ko. Ano pa ang kasunod dito? Diring-diri na ako sa aking sarili dahil ang panghi ko. Naiiyak na rin ako. Wala pa namang ilog na matatanaw na puwedeng paliguan. Nakakainis na talaga. "Ito na ba ang katapusan ko?" tanong ko sa mga punong nasa paligid ko. Biglang may nagsalita. "Hindi pa itong katapusan mo!" Palinga-linga ako baka kako nabibingi lang ako o 'di kaya ay may multo rito? Lalo akong kinabahan sa isiping may multo rito. Pero paano nagkaroon ng multo rito kung may araw pa? Gusto ko sanang umimik at magtanong kung may tao rito, nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko. Kaya napasigaw ako habang nakapikit ang mga mata ko. Naramdaman kong nawala ang kamay ngunit nakapikit pa rin ang mata ko. Hanggang sa dahan-dahan na iminulat ko ang aking mata, pero ang isa nakapikit pa rin. Sa wakas hindi na ito malas kun'di suwerte. Sabi ko sa sarili ko nang may ngiti. Kasi naman may magandang nilalang ang nasa harapan ko kaya iminulat ko ng tuluyan ang mga mata ko para makita ko siya ng buo. Sa wakas makakauwi na rin ako sa bahay. Nang makaligo na rin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

He's Cold Hearted

read
160.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.1K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.4K
bc

My Husband's Mistress

read
298.0K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.7K
bc

The Sex Web

read
133.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook