Habang nasa biyahe wala kaming imikang dalawa hanggang sa binuksan nito ang stereo ng sasakyan niya at tumutugtog ang Hanggang Ngayon ni Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Tahimik kong sinasabayan ang kanta. Sinusulyapan ko siya ng palihim. Seryoso ito habang nagmamaneho. Tumikhim ako ng very light. Lumingon lang ito saglit sa akin saka ibinalik ulit ang atensiyon niya sa daan. Grabe naman kasi itong lyrics nang kanta pinapatamaan yata ako. Hindi ko namalayang may mumunting butil ng luha ang pumapatak mula sa aking pisngi, kaya dali-dali ko itong pinunasan baka makita pa niya at asarin na naman ako. Masiyado akong nadala sa kanta. Natapos na ang buong kanta hindi pa rin ito umiimik. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Inihilig ko ang ulo ko sa upuan at unti-unti

