Kinabukasan, maaga akong umalis sa condo ni Marjorie. Hindi na ako umuwi ng bahay, dumiretso na agad ako sa shop. Si Jane at Grace sinundo ng mga asawa nila. Pagdating ko sa shop may mga iilang customers na rin kami. Dumiretso agad ako sa office ko at umupo sa aking upuan at hinilot-hilot ang aking sentido. Sumakit kasi ito dahil sa hang-over. Habang hilot-hilot ko ang aking sentido, hindi ko mapigilang alalahanin ang ginawang panloloko ni Kevin sa akin. Ni hindi man lang siya nagpaliwanag. Bahagyang kumirot ang puso ko dahil sa balitang magpapakasal na ito sa iba. Hindi ko rin napigilan ang paglandas ng mga luha ko. At lalong nadagdagan pa ang sakit ng ulo ko. Mayamaya pa ay kinalma ko ang aking sarili. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko inumpisahan ang trabaho ko. Med

