bc

Wild Vengeance

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
revenge
contract marriage
reincarnation/transmigration
powerful
bxg
serious
campus
office/work place
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

I was once played, once cheated and once fooled by the only man I'd loved and trusted before. Unfortunately, that once made my whole life miserable and complicated. He used me, he betrayed me and even tortured me till death. But, that was not the end of my story. After 18 years of being buried alive, I, Celestine Sandoval, will rise from the grave to take my revenge.

chap-preview
Free preview
Prologue
"EMMANUEL, Maawa ka! Bitawan mo ako!" Sigaw ko matapos niya akong kaladkarin sa lupa. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko at pakiramdam ko'y anumang oras ay mapuputol ito kung patuloy niya akong hihilahin. Pilit kong tinatanggal ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ngunit sobrang nanghihina ako para mapagtagumpayan iyon. Animo'y isa akong hayop na kakatayin sa ginagawa niya. Wala akong ibang magawa kundi ang magmakaawa at umiyak sa harap niya. "Emmanuel, pag-usapan natin ito. Maawa ka!" nanghihina man ay pinilit kong magsalita. "Huwag ganito pakiusap." Ngunit patuloy lang siya sa ginagawa niya na parang wala man lang narinig. Patuloy ang pagkaladkad niya sa akin sa kung saan man niya ako binabalak na dalhin. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa mga pasa at bubog na ginawa niya sa akin. Maya maya ay huminto siya sa paglalakad. Patapon niya akong binitawan mula sa pagkakahawak sa braso at tsaka ay inihagis sa lupa. Halos masubsob ko ang mukha ko sa putik dahil sa ginawa niya, mabuti nalang at naiharang ko agad kaliwang braso ko bago pa mangyari ito. Basang-basa ang mukha ko sa magkahalong luha at pawis na patuloy na tumatagktak. Naramdaman kong umupo sa harapan ko si Emmanuel, hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos niya ito ng kaniyang madungis na kamay. Napapikit ako sa klase ng paghaplos niya. "E-Emmanuel-" usal ko nang may pagmamakaawa sa boses. Nagulat nalang ako nang bigla niyang higpitan ang hawak sa mukha ko. Unti-ubti kog nalasahn ang dugo sa bibig ko kaya napapikit nalang akong napaiyak. Ang kaniyang mga kuko ay tila bumaon sa aking balat dahilan upang maramdaman ko ang matinding paghapdi nito. "Celestine..." Marahang usal niya dahilan upang magmulat ako ng mata. Akala ko ay bibitawan na niya ako mula sa pagkakahawak niy ngubit mas hinigpitan niya pa ito lalo. Sobrang naghahapdi na ang panga ko sa ginagawa niya. Hindi ko na lamang sinubukang magsalita pa. Maya-maya ngumiti siya na parang demonyo at sunod- sunod na umiling sa harap ko. Marahas niyang inangat ang mukha ko dahilan upang mapapikit muli ako sa sakit nito. "M-maawa ka Emmanuel." muli ay pinilit kong magsalita. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak sa akin pero hindi siya bumibitaw sa halip ay mas lalo niya lang itong hinihigpitan. "Maawa?" inosente niyang tanong at tumingala pa sa itaas na animoy iniisip kung ano ang bagay na iyon saka muling tumingin sa akin at ngumisi. "Wala sa bokabolaryo ko 'yan Celestine." iiling-iling niyang sabi saka tumayo at pinagpagan ang maduming damit. Nagulat ako nang bigla niyang tadyakan ng malakas ang puson ko kaya napasigaw ako at napapilipit sa sakit. Agad akong napahawak sa tiyan ko at inalala ang kalagayan ng aming anak na nasa akin pang sinapupunan. Nagulat ako nang makitang nagkalat ang dugo sa aking palda. H-hindi... Ang anak ko. H-hindi pwedeng mawala ang anak ko! Jusko maawa ka! Pinilit kong tumayo at indahin ang sakit ngunit isang tadyak na naman sa puson ang natanggap ko mula sa kaniya. Napahiga ako habang hawak-hawak parin ang tiyan at nakapikit sa sakit ng nararamdaman. "Nakuha ko na sa'yo ang lahat Celestine. Ang yaman at ang kompanya mo." sabi niya at nang magmulat ako ay napaatras agad nang makita ang makapal na kahoy na hawak niya. A-Ano ang gagawin niya? Naglakad siya papalapit sa akin habang marahan pa itong ipinapalo sa kabila niyang kamay. Pahiga akong umatras palayo sa kaniya habang patuloy parin sa pagmamakaawa at pag-iyak. Jusko, tulungan n'yo po ako. "Ngayon sabihin mo sa akin kung ano pa ang silbi mo." Gustuhin ko mang tumakbo palayo ay nawawalan na ako ng lakas na gawin iyon. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ko habang nakatingin sa kahoy na hawak niya. Gusto kong iligtas ang sarili ko lalo na ang buhay ng anak ko p-pero wala akong magawa. Tumatawa-tawa pa niya akong pinagmasdan habang nagpupumilit sa pag-atras palayo ngunit hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi nang maramdaman ko ang malakas na pagpalo ng matigas na bagay sa likod ko. NAGISING ako sa pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Pinilit kong imulat ang aking mga mata sa kabila ng mga pasa at sugat nito. Sobrang hapdi ng aking katawan at mukha. Mas lalo pa itong humahapdi sa tuwing natutuluan ito ng aking luha at pawis. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at nang mapagtagumpayan ko iyon ay ganoon nalang ang gulat na naramdaman ko nang mapagtanto kong nakahiga ako sa isang hukay. Agad akong napatingin sa katawan ko at nakita na ang kalahati nito ay natatabunan na ng lupa. "E-Emmanuel..." mahinang usal ko at pinilit na tumayo mula sa pagkakahiga. Ngunit sadyang mahina ang katawan ko at napakabigat ng mga bato at lupang nakatabon sa akin. "Celestine." bigla ay nakita ko sa may uluhan ko si Emmanuel. Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang pala na ginawa niya pang panukod. "H-huwag m-mo itong gawin p-pakiusap." pagmamakaawa ko ulit sa kaniya. "A-ang anak natin.. M-maawa ka sa anak natin Emmanuel." kahit nanghihina na ay pinilit ko paring magsalita at magmakaawa sa harap niya. Matunong itong ngumisi saka biglang lumambot ang mukha. "Patawarin mo ako Celestine. Kung papakawalan kita, buhay ko naman ang masisira. M-makukulong ako.." animo'y parang batang takot na takot na usal niya. "Pero kung mawawala ka, walang sagabal sa buhay ko." dagdag pa nito saka muling ngumiti na parang demonyo. "Kaya hindi— Hindi kita pwedeng pakawalan. Buburahin nalang kita sa mundo para hindi ka na maghirap. Ayos ba iyon?" Magsasalita pa sana ako ngunit agad na niyang tinabunan ng lupa ang ulo ko. Nagpumilit ako sa pagsigaw ngunit parami nang parami at pabigat nang pabigat ang mga lupang dumadagan sa akin. Kahit anong pagpumiglas at lakas pa ang ibuhos ko upang makaalis doon ay hindi iyon naging sapat. Ilang minuto ang lumipas ay dahan-dahang humina ang aking paghinga. Maghihiganti ako. Tandaan mo ito Emmanuel Hidalgo . Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin at sa anak natin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook