MADILIM AT TAHIMIK ang paligid pero napagdesisyonan kong bumili sa isang convenient store ng pipitsuging alak. Kahit kasi nakabukas ang lahat ng bintana sa mansion ay nasu-suffocate ako. Parang hindi talaga ako tumatagal sa bahay ng ilang oras. Matutulog lang tapos aalis na naman.
Kung ganoon ba naman kasing sermon ang abutin ko, sinong hindi lalayas?
Tangina, ang tanda ko na, ginagawa pa akong bata.
Hindi alintana ang malamig na panahon dala ng hangin. Alas-dos na ng madaling araw pero hindi problema sa akin ang dilim ng paligid. I'm not afraid of ghosts. Para sa akin, pambata 'yon.
I prefer darkness over sunlights. That's why I love the combination of black and red. Fierce and hot.
Habang naglalakad at nagmumuni-muni, iniisip kung paano ang gagawin kong pagtakas huwag lang makasama sa France ay bigla na lang may putanginang ilaw na tumama direkta sa mata ko kaya agad akong napapikit.
Puta!
"Ma'am, sa'n po ang punta ninyo?" dinig kong tanong ng isang lalaki.
"Tangina, pa'no kita sasagutin kung iniiwas ko ang mukha ko r'yan sa ilaw ng flashlight mo?" singhal ko kaya nawala ang ilaw na nakatutok sa akin.
Pagkatapos niyon ay masama ko siyang tiningnan. Ihampas ko sa 'yo 'yan, eh.
Agad namang tumalima ang estupidong guwardiya. Nang mamukhaan niya ako ay bigla siyang yumuko.
"Ikaw po pala 'yan, Ma'am Khlea. Hindi—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"It's Khleassandra. Close ba tayo?" paglilinaw ko. Khlea my ass. Hindi tayo close kaya tawagin mo ako sa buong pangalan ko.
Yumuko ito. "S-sorry po, Ma'am."
"Umalis ka na sa harap ko. Panira ka ng pagse-senti ko." Iwinasiwas ko pa ang hawak kong bote ng alak.
Kapag ako nainis, babasagin ko 'to sa mukha niya.
Tinungga kong muli ang bote saka tumingin sa kalawakan.
"E, Ma'am. Sorry po p-pero bawal na p-po kasing gumala sa ganitong oras." Tiningnan ko siya nang matalim.
Alam ba nito ang sinasabi niya? f**k.
"Tangina. Pati ba naman ikaw, gagawin mo akong bata? Bente-tres na ako, hoy." Sinindak ko siya gamit ang aking paningin. Nakita ko namang nanginig ang mga kamay nito. Natutuliro, kung susunduin ang sinumpaang tungkulin o ako na hindi niya kakayanin.
"S-sorry po, hindi po kasi p'wede—"
"Kasama ko siya." Nahinto kaming dalawa sa pagtatalo nang may sumingit sa pag-uusap namin. "You can go now," aniya pa habang nakatingin sa guwardiya. Dali-dali namang umalis ito at kumaripas ng takbo.
Pasimple kong natutop ang aking bibig nang makita ko ang kabuuan niya. As in pasimple lang 'yon para hindi naman matuwa ang gago na 'to na nagulat ako sa presensya niya.
He's wearing a white sando and black jersey shorts. Enough to show his overflowing body.
Nakapambahay na ang gunggong na 'to pero pa-cool pa rin.
"Mukhang problemado ka, ah." Ngisi-ngisi siyang lumapit sa akin. Ano na naman ba'ng kailangan nito?
Hindi ko siya sinagot bagkus ay iniwas na lang ang tingin. Dinig ko naman ang dahan-dahang paglapit niya sa akin.
"Naglalakad sa kalagitnaan ng hatinggabi, kasama ang..." saglit siyang napahinto sa pagsasalita, nang sulyapan ko siya ay nakatingin na 'to sa boteng hawak-hawak ko. "... isang bote ng alak. Kumpirmado. Problemado nga," pang-aasar niyang patuloy saka tumango-tango pa.
Naglakad siya ulit palapit sa akin at nang magkapantay na kami ay hinawi niya ang buhok kong tumatabing sa aking mukha dala ng mahinang hangin.
Sandali akong na-estatwa dahil sa ginawa niya. Ano'ng karapatan nitong hawakan ang buhok ko? Gago 'to, ah.
Akmang itataas ko na ang kamay ko para masapak siya nang bigla siyang ngumiti at muli na naman akong na-estatwa. Putangina. Ano'ng nangyayari sa akin?
Nasaan na ang kalandian ko? Bakit hindi lumalabas?
Hanggang ngayon pa-cool pa rin siya. At mas lalo akong nainis sa presensya niya nang maalala ang nangyari sa party nj Tommy.
"Ikaw si Sky?" gulat kong tanong habang tinuturo ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin.
"Wala naman siguro akong kambal?" Inosente siyang nagkibit-balikat ataka kumuha ng tatlong wine nang may dumaan na waiter sa tabi namin.
Ngunit hindi ko iyon ininom. Matagal kong tinitigan si Sky. Parang familiar siya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung nakita ko na ba siya o isa sa mga nakasama ko sa kama. Pero sigurado akong kilala ko ang kaniyang mga mata.
Hindi ko lang talaga maalala.
"Teka nga. Teka nga! Oo, Khlea. Siya si Sky. Iyong kinukuwento—" Hindi ko na pinatapos si Arielle sa pagsasalita.
"Oo, natatandaan ko. Siya na ba iyong sinasabi mong maga—"
Napapikit ako sa inis nang magulat sa ginawa ni Arielle. Agad niyang tinakpan ang bibig ko na labis kong ikinagulat.
What did I just say? Oh, crap! Muntik ko nang mailaglag si Arielle.
"Maga? Magaling ba?" tatawa-tawang tanong ni Sky sa amin.
"Hell, no! Maga is for magastos! N-naikuwento kasi sa akin ni Arielle na ikaw raw ang gumastos ng mga expenses ninyo," mahabang paliwanag ko. Ngunit mas lalong tumawa si Sky.
"Sa pagkakaalala ko, hindi ako gumastos ni piso nang makasama ko si Arielle," depensa niya.
Napatingin naman ako kay Arielle na animo'y nagdarasal na huwag siyang mabuking. Isang nakahihiyang pangyayari para sa babae na mabuking ng lalaki na pinag-uusapan siya tungkol sa kanilang performance.
Inayos ko ang aking pagkakaupo saka sumimsim ng wine. "Basta gano'n na rin 'yon. Magastos ka, magastos siya. Magastos kayong dalawa!"
"Okay. As you say so," aniya. Nakahinga naman kami nang maluwag ni Arielle nang tumayo ito upang sumali sa pagkukuwentuhan sa grupo nila Tommy.
"Kailan pa sila naging close?" I am talking about Sky na masayang nakikipagusap sa grupo ng kalalakihan.
"Kanina lang. Sabi ko naman sa iyo, magaling si Sky. Sa pakikisama at sa kama!"
Awtomatikong umikot ang aking mata. "Tsk. Ang hangin-hangin. Akala mo kung sinong cool. Hindi naman masyadong gwapo."
Okay, I lied. Dahil gwapo naman talaga ito. Tangina ang ganda pa ng katawan, ang sarap halik-halikan.
"Ano ka ba, Khlea? Wala ka na bang taste? He is so cool kaya!" Hinampas ako niya ako sa braso saka muling uminom ng alak.
"He's not. For me, para siyang bato-batong lalaki na tinubuan ng ulong malaki na sobrang dami ng hangin!"
Once more, I lied.
"You're so mean!"
"I am mean all the time, and all the time, I am mean," pang-ookray ko pa para maitago ang paghanga sa lalaking pinag-uusapan namin.
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong muli ang boses ni Sky.
"Saan ang punta mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Why do you wanna know?" And then, I rolled my eyes. "Sasamahan mo ba ako?"
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Parang tangang tila nag-slow motion ang dahan-dahang paglalapit ng mukga niya papunta sa akin. Hahalikan ba ako nito? Tangina, bakit ang tagal? Like, s**t. Ano bang kagagahan ang naiisip ko?
Mayamaya lang ay naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko atsaka bumulong. "Oo naman. Ikaw pa ba?"
Nagkuyom ang kamao ko sa inis. Sasagot lang, kailangan pa bang bumulong, eh, dalawa lang naman kaming nandito. Parang gago, eh.
Shet. Disappointed ba ako? Siyempre, hindi. Wala naman akong paki kung laplapin niya ako o hindi. Hindi lang naman siya ang lalaki.
"Pabulong-bulong pa. Iyon lang pala ang sasabihin," pagpaparinig ko.
Natawa naman siya nang malakas. "Are you expecting something?"
"Something-in ko mukha mo, you want?" Agad kong isenyas ang mga kamao kong handa nang sumuntok. Ngunit itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa pulis.
"Easy. I was just joking. So, where do you wanna go?"
English-an ba 'to?
"Kahit saan, basta— O, my God! Si Dad!"
Mabilis na kumabog ang puso ko nang makita ang kulay itim na kotse na papalapit sa gawi namin. Kilalang-kilala ko ang sasakyan ni Dad kaya hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko ring lumabas siya ng mansion kanina kaya sigurado akong siya ito.
Ang pagkabog ng puso ko ay mas tumindi pa nang hilahin ni Sky ang kamay ko at agad hinarang ang sarili sa paparating na sasakyan. Bahagya niya pa akong naitulak na naging sanhi ng pagsadsad ng tuhod ko sa magaspang na semento.
Puta.
Ilang sandali pa ay pareho na kaming nasa gilid ng kalsada, parehong naghahabol ng hininga. Nakahinga kami nang maluwag nang mapansin na dumiretso na ang sasakyan na aming iniiwasan.
Pero paano niya nalaman na iniiwasan kong makita ako ni Daddy?
Paano niya nalaman na kailangan kong magtago? Gulat akong napatingin sa kaniya. Naroon ang pag-alala sa mga mata niya.
"Ayos ka lang?"