Chapter Seven

2309 Words
SA ILALIM NG maliwanag na buwan na siyang nagbibigay ilaw sa gabi, sa tabi ng naglalakihang puno na siyang naging saksi, sa saliw ng malamig na hangin na dumarampi, at sa gitna ng madilim na paligid na siyang sa amin ay yumayapos... nasaksihan ko ang ganda ng kaniyang mata— ang nag-aalala niyang mga mata. He is really familiar. I don't remember where and when we met, but his eyes… I know, I saw it already. "Are you okay?" Inulit niya ang tanong nang mapansing kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Agad ko namang binawi ang aking tingin nang matauhan. "Y-yes, yes. I'm o-okay..." Nag-iwas ako ng tingin dahil parang nilulunod ako ng pagkakatitig niya. Para akong hinihigop niyon papunta sa kaniya. And I hate it. At pakyu ka, Khlea! Bakit ka nauutal? Pabebe ka na ba? "You sure?" Tangina, huwag ka nang magtanong pa. Feeling concern ampota. Sino ba 'tong gago na 'to? Bakit pakalat-kalat dito? "Oo nga! Teka nga. Huwag mo 'kong hawakan!" angil ko nang makita na nakahawak sa magkabilang balikat ko si Sky. Tinapik ko ang kaniyang dalawang kamay. "Magtatanong lang, may pahawak-hawak pa!" Dali-dali akong tumayo. Aalalayan niya pa sana ako pero agad ko siyang pinatigil. I managed to stood up and didn't wait for me to be guided. Malaki na ako. Hindi na ako bata na aalalayan kapag nadapa. At hindi ko gusto na inaalalayan niya ako. Basta, hindi ko gusto. "Puta!" asik ko nang maramdaman ang hapdi sa aking tuhod at palad. May sugat pala. "You should go home and clean yourself," Sky suggested. Tinalikuran ko siya saka ipinaikot ang mata. "Tanga ka ba? Alam mo nang pinagtataguan ko si Daddy tapos pauuwiin mo ako?" singhal na tanong ko sa kaniya. Pinagpagan ko ang damit kong napuno ng alikabok. "Nasaan na iyong alak ko?" Hinanap ito ng aking mata at natagpuang basag na sa hindi kalayuan. Ano nang iinumin ko? Kainis! Malayo-layo rin ang convenience store rito. At napagod akong maglakad papunta roon tapos matatapon lang. "I'll take you to my home. If it is okay with you," aniya. Sinulyapan ko siya, nakita kong nakapamulsa na naman ang kaniyang dalawang kamay sa suot niyang jersey short. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sa dinami-rami ng lalaking nakakasama ko, ngayon pa ako kinabahan sa simpleng pag-aalok. Ngayon lang ako nagdalawang-isip na sumama sa isang lalaki na hindi ko masyadong kilala. Samantalang, sanay na sanay akong sumama sa mga lalaking hindi ko talaga alam maski ang palayaw. "Para magamot na rin ang sugat mo." Sinulyapan niya pa ang namumula kong tuhod. Natahimik ako sa pag-iisip. "Ayos lang kung ayaw—" "Sino nagsabing ayaw ko?" pagtataray ko sa kaniya. "Tara na. Kupad-kupad mo!" dagdag ko pa. Inunahan ko na siyang maglakad. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng sugat. Narinig ko pa ang kaniyang tawa. "Ang ganda-gandang babae, balasubas magsalita," pang-aasar niya atsaka naramdaman siyang sumusunod sa akin. Sa paglalakad ay wala siyang ginawa kundi asarin ako sa likuran. Ako naman ay nagtutuloy-tuloy lang sa paglalakad. Kung anu-ano ang sinasabi niya tungkol sa akin na kesyo masungit daw ako, masakit magsalita, balasubas ang ugali, at iba pa. Lahat naman ng sinabi niya, totoo pero hindi ko alam kung bakit naiinis ako't pinangangalandakan niya pa. Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kaniya kaya huwag na niyang isa-isahin pa. Wala naman akong ginawa kundi ipasok sa kabilang tainga ang sinasabi niya at inilalabas sa kabila. Ilang beses pang umikot ang mga mata ko sa tuwing pinupuri niya ang hubog ng aking katawan. Duh! Kumalma ka, ako lang 'to. Nang marindi ang tainga sa mga pang-aasar niya ay huminto ako sa paglalakad. Huminga nang malalim bago lumingon at hinarap siya nang nakapameywangan. "Hindi ka ba titigil?" Itinaas niya ang dalawang kamay na animo'y susuko sa pulisya. "Titigil na po, Mahal na Reyna." I make a face. Inilagay niya pa ang kanang braso sa kaliwang baywang kasabay ng pagyuko na para bang tunay na reyna ang kaniyang niyuyukuran. Sabagay, reyna naman talaga ako. Reyna ng mga lalaking sabik sa laman. Nang mag-angat siya ng paningin ay kakaibang kabog sa dibdib ang namutawi sa akin. Naging marahan iyon sa paningin ko at tila paulit-ulit na nagfa-flash sa paningin ko ang pag-angat ng kaniyang mukha. Nasilayan ko ang kurba ng mapula niyang labi. Nakangiti ito at para sa akin ang ngiti na iyon. At ang hindi ko maintindihan, bakit parang dinadaga ang dibdib ko? Ano na naman ba 'to? "One more, sweety." Ngumiti ako sa harap ng kamerang nakatutok sa amin na hawak ni Mommy. I don't like taking pictures. Pero dahil kasama ko naman ang kaibigan kong lalaki, ayos lang sa akin. Gusto ko kasing magkaroon ng maraming picture kasama ang mga kaibigan ko. "Smile raw," ani ng batang lalaki sa tabi ko. "Hindi simangot." Kumunot ang noo ko nang lingunin siya sa gilid. "Nakangiti naman ako, ah?" Napayuko ako at nahiya. Lagi niya na lang akong inaasar. "Tumingin ka sa akin, Khlea. Ganito ang ngiti, oh." Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang mukha niya, malapit iyon sa akin kaya kitang-kita ko ang bawat detalye niyon. Ang ganda ng kaniyang mata, ang matangos niyang ilong, maging ang maliit at mapupula niyang labi. Sa malawak na dagat, sa lilim ng nagtataasang puno, sa dami ng bawat buhangin, sa araw na papalubog... nasaksihan ko ang pinakamagandang ngiti na aking nakita sa buong buhay ko. Marami nang batang lalaki ang nakikita kong ngumingiti lalo na sa school, marami na akong batang lalaki na nakasalamuha at ngumiti sa akin, marami na akong nakitang tumawa nang sobra, pero ang ngiti niya ang pinakamaganda. I was just eight years old. But I do know what's running on my mind. And I hate it. "Tulala ka na naman, Mahal na Reyna." Napatayo ako sa gulat nang marinig ang boses ni Sky. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang single sofa na hindi naman kalayuan sa inuupuan ko. Mataman siyang nakatingin sa akin habang kunot na kunot ang noo. Tangina, ang huling naaalala ko, naglalakad pa lang kami kanina, ah. Masyado ba akong lutang para hindi maalala kung papaano kami napadpad dito? "B-bahay mo n-na ba 'to?" wala sa sariling usal ko habang nilalabanan ang kaniyang mga tingin. Nanginginig ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan. Maski ang mga tuhod ko'y tila mga kandilang nauupos at nanghihina. Agad akong napaupo. Nasapo ko ang aking ulo saka mariing napapikit. Naramdaman kong mabilis na tumayo si Sky at naupo sa aking tabi. "Ayos ka lang ba, Khlea?" Nahihimigan ang pag-aalala sa tono ng kaniyang boses. "Ano'ng nangyari sa iyo?" Sa pagmulat ko ng aking mata ay hindi sinasadyang magtama ang aming mga paningin. Bagaman nahihilo ako sa mga nangyayari ay nilaban ko ang tinging tila hindi ko mapakawalan. "Anong o-oras na?" Nababalisa. Nanlalamig ang mga kamay ko't nanginginig. Sa hindi malaman na dahilan, bigla akong kinabahan. Para bang bigla akong nasaktan nang walang basehan. Parang gusto kong magmukmok sa gilid at doon ibuhos ang lahat ng luha, gusto kong saktan ang dibdib ko dahil patuloy ito sa pagsikip, gusto kong huminga nang sobrang lalim at ibuga ito nang puwersahan. Pero... bakit? Sa anong dahilan? Sa pagtatagpong muli ng aming mata ni Sky ay nasilayan ko ulit ang pag-aalala niya. Sa ekspresyon ng mukha niya ay parang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi alam kung saan sisimulan, parang may gusto siyang ipaalam pero nagdadalawang-isip, parang may gusto siyang ipabatid pero may pumipigil. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto kong tumayo para umalis sa lugar na ito pero parang may pumipigil sa akin na gumalaw. Gusto kong basagin ang namumuong katahimikan ngunit ang mga mata niya'y nagsasabing tingnan lang siya sa gano'ng posisyon. Gusto kong bawiin ang paglalaban namin ng mga tingin pero sadyang nakakaakit ang mga mata niyang diretsong nakatunghay sa akin. At gusto ko siyang... gusto ko siyang hagkan na tila nananabik. Pananabik na hindi tawag ng isang laman, pananabik na humihingi ng ganti, pananabik na hindi mapusok. Habang ang aming mga mata ay malayang nakikipaglaban ng titig, habang ang puso ko'y patuloy na kinakabahan, habang ang kaniyang mga tingin ay patuloy akong kinakausap, habang ang dibdib kong patuloy na sumisikip nang kusa, habang ang paligid ay tahimik na umaayon sa amin... Unti-unti ay ibinaba niya ang tingin sa aking labi. Hindi ito ang unang beses kong mahahalikan, hindi ito ang unang beses na tumama ang mata ng isang lalaki sa namumula kong labi, hindi ito ang unang beses na may makasama akong lalaki. Pero bakit ako kinakabahan ng ganito? Pero bakit iba ang sa kaniya? Bakit hindi ako normal? Gusto kong putulin ang kung anumang tensyon ang bumabalot sa aming dalawa dahil hindi naman ako ganito. Hindi ako ito. Hindi ako natutulala sa isang lalaki. Tangina. Gusto kong magsalita. Kahit isang mura lang. Para maputol ang tinginan namin pero katulad kanina, ramdam kong hinihigop ako ng mga tingin na iyon. Fuck! Ano'ng nangyayari sa akin. Para akong gago. Gising, Khleassandra! Hindi ikaw 'to. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Kung susumain ay madali niya lang mapagdidikit ang mga labi namin ngunit dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, naging mabagal ito. Habang unti-unti niyang binanagtas ang daan patungo sa aking mukha ay nagsimulang magliparan ang mga paruparo sa loob ng aking tiyan. May kung ano sa tiyan ko na tila kumukulo pero hindi gutom, tila kinikiliti ako niyon. Kung tutuusin, kayang-kaya ko siyang pigilan na hindi magdampi ang aming mga labi, pero walang pagpoprotesta sa akin. Buong puso kong ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang paparating na mainit na halik. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang maingat na halik na ibinigay niya. Sa unang pagdampi ay hindi ako nagresponde. Hinahayaan ko siyang galawin ang mga labi kong nananatiling nakaawang. Binibigyan siya nang pagkakataon upang gawing mapusok ito. Ngunit ilang minuto na siyang naroon, hindi pa rin niya pinaaalab ang gabi ko. Padampi-dampi lamang ang halik niya na parang nangangapa pa sa mangyayari. Babawiin ko na sana ang aking labi ngunit bigla niya itong hinabol... hinabol ng isang mapusok na halik. Sa pagkakataon na ito ay nilabanan ko na ang kaniyang marubdob na damdamin. Gaya ng kaniyang ginagawa, ibinuka ko ang labi ko upang bigyan ng daan ang kaniyang dila para hanapin ang akin. Mayamaya pa'y naging marahas na ang pagpapalitan namin ng halik. Iginiya niya ang mga kamay ko upang pumulupot sa kaniyang batok. Sunod no'n, hinawakan ng kaniyang dalawang kamay ang aking buong pisngi. Malalim ang naging halikan, sa sobrang pangigigil niya, animo'y nagpapantal na ang mga labi ko, ngunit hindi niya ito tinigilan. Para bang sarap na sarap siya sa labing pinagsawaan na ng iba. Nilalantakan, nauuhaw at nananabik. Ilang sandali pa ay bumaba ang halik niya sa aking leeg. Hindi siya nagtatagal doon, simpleng paglandas ng kaniyang labi at dila. Pagkatapos ay dadako na sa iba't-ibang parte ng aking mukha. Sa pisngi, sa panga at sa likod ng aking tainga. Animo'y isang asong nanlalapa. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang pakiramdam ko na sobra siyang nananabik sa isang halikan. Sa pagkakatanda ko ay no'ng nakaraang linggo lang din sila magkasama ni Arielle, ikinuwento pa nga niya sa akin kung papaano sila nagkakilala at kung paano ito humalik. Sinabi ni Arielle na mariin ito kung humalik pero sa palagay ko'y hindi ganito kariin. Nangunot ang noo ko nang bigla niyang sunggaban muli ang aking mga labi. Naroon lang siya nagtatagal, tila walang gustong tikman kundi iyon. Agad akong nagmulat ng mata saka marahas siyang tinulak. Hingal na hingal kaming nakatingin sa isa't-isa. "Putangina." Napahawak siya sa kaniyang labi pagkatapos ay iniwas ang tingin. Bakit parang galit pa siya? Dahil ba pinigilan ko? Pero hindi iyon. Parang nagsisisi siyang hinalikan niya ako.. "I h-have t-to g-go," nauutal na usal ko saka nakayukong tumayo. Mabuti na lamang at nasa sala kami, madaling natagpuan ng mga mata ko ang daan palabas sa bahay na ito. Akala ko'y pipigilan na niya ako pero nagkamali ako, hinayaan lang niya akong mahawakan ang seradura ng pinto at buksan ito. Hindi ko maitatangging nadismaya ako nang hindi man lang niya ako pinigilan. Tangina. Bakit hindi niya ako pinigilan? Hindi naman sa nagpapabebe ako pero tangina. Bakit? Bakit parang nanghihinayang ako gayong ako naman itong nagpahinto? Gulong-gulo ang isip ko habang binabagtas ang daan patungo sa aming mansion. Mabuti na lamang at kabisado ko ang pasikot-sikot dito sa exclusive village kung saan kami nakatira. Hindi na mahirap para sa akin na makauwi. Dahan-dahan akong naglalakad. Naging mabagal iyon dahil sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari kanina lang. Sa dami ng nahalikan kong lalaki, bakit siya lang ang paulit-ulit kong naiisip? Tangina niya. Napaka-VIP. Sinong nagsabi sa kaniya na guluhin niya ang isip ko? Wala siyang permiso kaya huwag niyang binabaliw ang utak ko. Masarap siyang humalik, oo. Hindi nga lang sarap ang naramdaman ko. Tangina, sa galing niyang humalik, kakatwang naramdaman ko pa ang respeto roon. Kakaiba amputa! Nang makarating sa labas ng aming bahay ay inihanda ko na ang aking sarili sa pag-akyat. Sanay na sanay akong tumakas kaya sa maliit na bakod ako dumaraan. Iniabot ko ang isang bakal doon na aking kinakapitan, piwunersa ang aking sarili para makaakyat nang hindi nagagalusan. Nang makatayo ako sa makipot na bakod ay ibinalanse ko ang sariling pagkakatayo upang makakapit sa bakal ng aming terrace. Mabuti na lamang at kuwarto ko na ang bubungad sa akin pagkapasok ko. Nang sa wakas ay maayos akong nakatapak na sa aming veranda, agad kong inayos ang aking sarili at pinagpagan ang alikabok na dala ng hollow blocks sa bakod. Sa pagbukas ko ng aming pinto papasok sa aking kuwarto galing sa veranda ay isang tao ang bumungad sa akin. Prenteng nakahiga ito sa aking kama na animo'y siya ang may-ari nito, tila hinihintay talaga ang pagbalik ko. "Tangina, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa hayop na si Sky na ngingiti-ngiting nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD