Chapter Four

1055 Words
"WHAT HAPPENED TO YOU, KHLEA?" naghihisterikal na tanong ni Arielle sa akin nang makita niya akong buhat ng lalaking iyon. I kept silent and decided not to answer her query. "Omg. Are you okay?" muli niyang tanong nang hindi makakuha ng sagot mula sa akin. Kita ang gulat sa nanlalaking mata ni Arielle habang sinusundan niya ng tingin ang ginawang paglapag sa akin ng lalaki sa isang upuan. Hindi agad ako nakapagsalita. Hilong-hilo ako sa nangyari. Hinang-hina na hindi maintindihan. Tangina, hindi lang naman ito ang isang beses na mangyari sa akin 'to dahil hindi lang din naman ako isang beses na nakipaghalikan sa hindi ko kilala pero pakiramdam ko, maski pagsasalita ay hindi ko magagawa. Masyadong nakakapagod kahit wala naman ako masyadong ginawa. Mabuti na lang at dumating itong lalaking pa-cool na ito na muntik pa akong iwan at nawala ang pagnanasa ng lalaking kasama ko sa dilim. Nawala na rin siguro ang sakit sa puson niya. And I don't even care 'bout that. Agad akong nilapitan ng ibang bisita. Pinalibutan na tila ba may ginawa akong krimen at pinipilit pagsalitain. Nakaramdam ako ng pangangalay sa buong katawan dala ng alak na ininom ko kanina, ngayon pa lang siya tumatalab. Napapikit ako nang tuktukan ni Arielle ang noo ko. "What was that for?" asik ko sabay himas sa noo kong nasaktan. "Ano na namang kagagahan ang ginawa mo't nagkaganiyan ka?" Masama niyang tiningnan ang kabuuan ko. Maging ang lalaking bumitbit sa akin na ngayon ay naninigarilyo sa akin gilid ay sinamaan niya rin ng tingin. "Ang dami mong putik sa katawan. Umuwi ka na," malamig niyang dagdag atsaka muling sinipat ang lalaking nagligtas sa akin. Napahalukipkip siya't tumingin-tingin sa paligid. Para bang iniiwasang tingnan muli ang lagay ko. Diring-diri ba sa akin 'to gagang 'to? Baka sampalin ko siya. Inirapan ko siya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "She can stay here, Arielle," si Tommy ang nagsalita. Ngunit hindi ako nagpasindak. Kung masama sila tumingin ay mas matalim ang tingin ko. Kahit masakit ang mga buto-buto ko ay pinilit kong bumangon. Dali-dali namang umalalay sa akin si Tommy pero pinigilan ko ito. "No, I can manage. Thanks," tipid kong saad. Matapos tuluyang makabangon sa pagkakaupo ay sinikap ko namang makatayo. Pero sa huli, natalo ako. Agaran akong bumagsak sa upuan at napasinghap dahil sa sakit ng aking paa. "Sige na, babaeng disgrasyada, rito ka na matulog." Tiningnan ko si Arielle na naggagalit-galitan pa rin. Lihim akong napangisi dahil sa sinabi niya. "Huwag mag-inarte dahil sasamahan kita kahit hindi ka masaya kasama." Ang ngisi ko ay napalitan ng matamis na ngiti. Hindi dahil sa alam kong nag-aalala siya kundi nais niyang makasama nang matagal pa si Tommy. Alam ko naman na gusto niya pang manatili rito. Good thing na bestfriends kaming tatlo. Walang problema kapag natulog kami sa iisang kama. Ewan ko na lang kay Arielle. Baka gapangin niya si Tommy dahil ilang buwan itong mawawala. Pinaalis na ni Arielle ang mga usisero't usisera na nakapaligid sa akin kanina. Tuloy ang party na parang walang nangyari. Bumalik na rin sa puwesto si Tommy kung saan nakikipag-inuman sa mga barkada niyang lalaki. "Nakapagpasalamat ka na ba sa lalaking 'yon?" untag sa akin ni Arielle. Nilingon ko naman ang direksyon na tinuturo niya. Ah. 'Yung lalaking feeling superhero. "Bakit? Sino ba 'yon?" "Nabuhat ka niya't lahat, hindi mo kilala? Ikaw talaga. Ang hilig mong sumama sa lalaking 'di mo kilala." Para naman 'tong bago nang bago nang bago. Umiling ako. "Magtatanong ba ako kung kilala ko—aray! Puta!" Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla niyang diniinan ang binti ko na kasalukuyang minamasahe niya. "I think, hindi na si Tommy ang crush ko!" Para siyang teenager na kilig na kilig habang ang dalawa niyang braso ay nakayapos sa sarili nitong katawan. Parang gago talaga. "O, c'mon, Arielle. Alam nating dalawa na si Tommy lang at wala nang iba," pang-ookray ko. Wala pa kaming alam sa s*x, si Tommy na ang gusto niya. Halos maghubad na nga 'to sa harap ng lalaki, matitigan lang siya tapos sasabihin niyang hindi na si Tommy ang crush niya? Huwag niya nga akong pinaglololoko. "Bakit? Hindi ba puwedeng magbago 'yon sa paglipas ng panahon?" Pinandilatan niya ako nang mata. Nagkunwari akong nasindak saka kami humagalpak ng tawa. "At sino naman ang balasubas na lalaking sumira ng TomRielle loveteam ko?" "Siya!" Sabay turo niya sa direksyon ng isang lalaki. Nagulat ako nang ituro niya iyong lalaking nagligtas sa akin. Humithit pa ito ng sigarilyo bago itapon ang upos n'on. Inilagay niya muli ang dalawang kamay sa magkabilan bulsa atsaka unti-unting lumapit sa direksyon namin. Ilang beses itong bumuntong-hininga at muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang magtama ang paningin namin. Tangina. "Hi, you can join us here," malanding saad ni Arielle sa binata. Inusog niya pa ang upuan na katabi ng sa akin at niyaya ang lalaking maupo roon. Kumunot ang noo ko sa ginawa ni Arielle. Para siyang asong naglalaway sa buto-butong lalaki. Titig na titig sa lalaking iyon na walang ibang ginawa kundi ang magpa-cool. "Hi. Kaibigan mo ba 'yan?" tanong ng lalaki kay Arielle. Nakaturo ang hintuturo nito sa akin. Ako na ang sumagot. "Bestfriend ko 'yan, bakit? May angal?" Tipid niya akong sinulyapan saka muling tumingin kay Arielle. "I see," saad niya. "Next time, huwag mong hayaang mag-isa." Nagpantig ang tainga ko. "Excuse me. Ano ako, bata?" Pero imbes na sagutin ay ngumisi lang ito sa akin. Nag-init ang mukha ko sa inis. Ewan ko ba bakit ang lakas ng aura niya sa akin at nakakainis ang aura niya na iyon. Mukha pa lang niya, para nang nang-aasar. Kamag-anak ba ito ng Joker? "Oh, well. I forgot to introduce you properly to her. She is Khleassandra—Khlea for short—bestfriend ko," mahabang ani Arielle. Mukha namang nagulat ang lalaki nang malaman ang pagkakakilanlan ko. Pero agad ding nabawi ang gulat na iyon nang ilang beses siyang umiling. Pagkatapos niyon ay nanahimik siya. Maging si Arielle ay nangapa sa magiging reaksyon ng lalaki. Parang kulang na lang ay sabihin niyang wala siyang paki. Pero paki ko ba? Wala rin naman akong paki sa kaniya, duh! Ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumayo at dahan-dahang humarap sa akin saka inilahad ang kamay sa harap ko. "Sky... I am Sky Ferrer. Nice to know you, Khlea."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD