"OHH..." I moaned ask he cupped my both cheeks and give me his torturing kiss. Dumapo ang mga kamay nito sa kung saang parte ng aking katawan habang mariing akong pinauulan ng mga halik.
Tonight is Tommy's Farewell Party. Habang abala sila sa pagkukuwentuhan at pag-aasikaso sa mga bisita ay abala rin akong nakikipagtukaan sa isang lalaking nadampot ko lang somewhere. Agad kaming nagtungo sa madilim na parte ng malawak na bakuran nila Tommy kung saan ginanap ang party. At dahil ilang beses na akong nakapunta rito sa resthouse nila Tommy ay hindi na naging mahirap para sa akin ang lugar kung saan puwede naming gawin ang aming ginagawa ngayon.
Yeah. I drank but I'm not drunk. Gusto ko lang makipag-make out ngayon. At suwerte niya nang siya ang mahatak ko. Kung kaninong bisita ito ay hindi ko alam. Pero mukha naman siyang may pinaglalaban pagdating sa kayamanan. Baka isa sa kaibigan ni Tommy na hindi ko kilala.
Well, Tommy is our friend. Lalo na ni Arielle. Magkaibigan ang mga magulang nila kaya maging sila ay naging magkaibigan. Umeksena lang ako sa kanila nang tumungtong sa highschool. Tommy is my superhero way back then. I remembered na takaw disgrasya ako noon.
"You're hot." Umirap ako nang marinig ang sinabi ng lalaki. Patuloy pa rin ito sa pagdampi ng maliliit na halik sa aking leeg at mukha. Tila pinagsasawaan niya.
Biglang nagbago ang mood ko. Marahan ko siyang tinulak para lumayo.
"Everyone's calling me like that. So clichè!" I flipped my hair.
Now, I'm bored.
"Nice making out with you. I have to go," I coldly said. Naramdaman ko namang hinawakan niya nang mariin ang aking braso upang pigilan ako. "What? I'm done with you,"
"Well, I am not. I want more." Nababasa ko sa kaniyang mga mata ang pagkasabik. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Marahas kong inalis ang braso ko sa paghahawak niya. At nang makawala ako ay binigyan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi.
"Next time, galingan mo pa. You're boring." Pinasadahan ko siya ng tingin bago umalis sa punong pinagtataguan namin. Ngunit nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay nahuli na niya agad ang aking baywang.
Mabilis niya akong hinila muli at siniil ng halik. Agad naman akong promotesta. Tinulak ko siya nang tinulak pero dahil malaki ang katawan niya kumpara sa akin ay wala akong nagawa kundi sumigaw.
Abala ang mga tao, malakas ang tugtog sa party area, malayo-layo kami sa lugar nila. Hindi talaga nila mapapansin na may nangyayari na rito sa kinatatayuan namin. Masama man o maganda.
"Let me go, Idiot!" Pinagsisipa ko siya pero hindi manlang ito tinatamaan. Nagtagumpay siyang marahas na hilahin akong muli pabalik sa puno ay isinandal doon.
"Hindi puwede sa akin iyong iiwan ako kung kailan ako nasasarapan." Matigas na aniya. Pinagsamang init at pananabik ang makikita sa kaniyang mga mata.
Nilabanan ko ang kaniyang mga tingin habang humuhugot ng lakas upang makawala.
"Well, hindi ko na kasalanan kung boring kang kasama." Kasabay ng pagkakasabi kong iyon ay malakas ko siyang sinipa sa kaniyang iniingatang pag-aari.
Napayuko ito at namilipit sa sakit. Hindi ko na sinayang pa ang oras. Mabilis akong tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Ngunit hindi nakisama ang aking nagtataasang heels. Natapilok ako sa madamong sahig. Pinilit kong makatayo pero hindi ko magawa dahil agad sumakit ang mga paa ko. Parang may naipit na ugat.
'Now, you're dead, Khlea! Pray for your life.'
"Got you, baby." Sa huli ay muli akong nahawakan ng mapangahas na lalaki.
"Wala kang mapapala sa akin, gago!" sigaw ko sa kaniya. Ngunit para siyang lasing sa kanto na naka-shabu. Nawawala sa katinuan dahil sa tawag ng laman.
Dahil nakahiga ako sa marumi at madamong lupa ay malaya niyang naipatong ang sarili sa akin. Sa ilang pagkakataon ay muli niyang pinaulanan ang leeg ko. Mas marahas kumpara kanina dahil bumaba na iyon sa tuktok ng aking dibdib. Habang nagpupumiglas ako ay lalo siyang lumalakas. Malaya niyang nagagawa ang lahat dahil hawak-hawak ng kaniyang isang kamay ang aking dalawang braso. Hindi ko rin maisipa ang mga paa ko dahil sa sakit ng aking pagkakabagsak.
'f**k this, guy!'
"Magpapa-angkin ka rin pala, e." Tatawa-tawang bulong sa akin ng lalaki habang hinahalikan ang likod ng aking tainga. Marahas kong pinaling-paling sa kaliwa at kanan ang mukha ko upang mainis siya.
"Hindi ko ibubuka ang hita ko sa boring na tulad mo." Ngumisi ako pagkakuwan.
"Ikaw lang ang nagsabing boring ako." Pilit niyang tinataas ang sarili sa pang-iinsultong ginagawa ko.
"Baka ako lang kasi ang nahalikan mo---"
Natinag ako nang malakas niyang ihampas sa aking mukha ang likod ng kaniyang palad.
"f**k you and your boring kisses!" Buong puwersa kong sinigaw 'yon sa kaniyang mukha na mas lalong nakapagpagalit sa kaniya. "Help me!" muling sigaw ko.
"Walang makakarinig sa iyo rito!" sigaw niya rin. Nahinto ang kaniyang ginagawa sa katawan ko. Ramdam ko na ang panginginig ng kaniyang boses. Nginig na dahil ng kaniyang galit. Lihim akong napangisi.
"Says who?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ngunit hindi ko ito makita.
Natanggal ang pagkakahawak sa akin ng lalaking kasama ko ngayon. Nakahanap ako ng tiyansa upang puwersahang gumulong taliwas sa kaniyang direksyon.
At doon ko nasilayan ang lalaking nagmamay-ari ng bruskong boses na siyang nagligtas sa akin.
"Do you know that phisically hurting wowan is againts the law of the constitution and the law of God?"
Marahan siyang humakbang papalapit sa amin habang nakapulsa ang kaniyang dalawang kamay. Kahit maliliit na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim na paligid ay hindi nakatakas sa akin ang maganda niyang mata, diretsong nakatingin sa lalaking nanamantala sa akin.
"And did you know that if you hurt this woman again, I'll hurt you even more?" He said calmly na para bang wala lang sa kaniya ang masamang tingin ng kaharap niya.
"Bakit? Kilala mo ba itong babaeng 'to?" tanong naman ng lalaking boring.
"Ikaw? Do you know her?"
'Parang mga tanga.'
"She do the first move, men. I don't know her." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking boring.
'The f**k?'
Tumingin sa akin ang lalaking may magandang mata na nakakunot ang noo.
'Damn! Bakit ba kasi hindi ko alam ang pangalan nilang dalawa?'
"I see. Ikaw naman pala ang lumapit. Sibat na ako," aniya saka mabilis na tumalikod. Nakapamulsa pa rin.
Naaligaga ako nang hindi talaga siya huminto sa paglalakad. Sinubukan kong tumayo pero agad nanakit ang mga paa ko.
"Hoy, lalaking pa-cool. Huwag mo akong iwan dito, letsugas ka. Masakit paa ko!" sigaw ko. Agad naman siyang huminto para sulyapan ang paa ko.
Hindi ko na pinansin iyong lalaking boring na mapakla akong tinapunan ng tingin saka bonggang umalis.
Nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ng lalaking umeksena. Hindi na ako umalma dahil sa pagod na rin akong magsalita. Pakiramdam ko, naubos ang lakas ko dahil sa insidenteng iyon.
'God! Thanks to this pa-cool man.'