Your apologies are accepted

1479 Words
Nag muni muni siya sa luob ng unit niya habang umiinom mag isa. Sanay na siya sa ganuong eksena. Katwiran niya na iyon ang pinakagusto niyang oras sa isang araw na pakiramdaman ang tunay na sarili. Hindi siya nagsisisi sa kanyang pag iisa. Madami pa siyang kailangan matuklasan sa sarili. Isa siyang tao na tila career din ang approach sa personal na detalye ng kanyang buhay. Napasandal siya sa sofa at malaya siyang naghubad ng kanyang masikip na damit. Pinukol niya iyon sa tabi at tuluyan na siyang humiga na walang saplot kundi underwears niya lang. Nakatulugan niya ang kanyang brandy at lemon. Malamig ang kapaligiran at tahimik. Ang marinig lamang ay ang oxygen ng kanyang aquarium na nagsilbing kasama niya sa luob ng kanyang pad. Ang mga gold fish niya sa aquarium ay masayang naglalambingan na tila kuntentong kuntento sa pinagsidlan sa kanila ni Stephanie. Tila mga bantay sila sa amo nilang mahimbing na natutulog na walang paki alam ano na ang kanyang itsura. Tumugtog ang relos ni Stephanie ng mag alas kuwatro na. Napakislot siya at nagising. Umaga na pala. Pero antok na antok pa siya kaya siya ay naglakad papunta sa kanyang kuwarto at ihiniga ang katawan niya sa malambot na kama. Umikot pa ang oras hanggang sa mag alas sais na ng umaga. Nag ring ang kanyang telepono na malapit sa kanyang higaan. Ayaw tumigil nito kaya napilitan siyang sagutin ito. "hhhello..." garalgal ang boses niyang sinagot. "Sorry for disturbing you Ma'am but you have a visitor here." sabi ng receptionist sa kabilang linya. "Who?" sagot niya na nakapikit pa ang kanyang mga mata. "Mr.Sagayo Ma'am. He said that he needs to see you." Nagising agad ang kanyang diwa pagkarinig sa pangalan ni Jeffrey. Ano ba naman. Wala naman sa timing ang lalaking ito. "Ma'am paakyatin po ba namin or ano po instruction niyo?" Hindi pa din siya makasagot at tinatamad pa siya bumaba. Siguro hindi naman masama paakyatin na lang. "Ok please assist him to my unit." napilitan niyang sagot at binaba na niya ang telepono. Saglit siyang napaupo sa kama at dagling nagpunta sa confort room upang mag hilamos at mag toothbrush. Hindi pa siya tapos mag ayos ng tumunog na agad ang door bell. "Hay, hindi pa ako tapos,ano ba naman Jefftey!" sigaw niya s isip niya. Hinablot na lamang niya ang isang mahabang T shirt para matakpan ang hubad niyang katawan. "Wait lang.Coming." sigaw niya na tila madidinig siya sa labas. Pero tumigil ito na tila naghihintay. Binuksan niya ang pinto pero wala naman Jeffrey duon sa labas. Luminga linga siya pero wala talaga. "Ano ba ito naalimpungatan lang ba siya o nanaginip lamang?" isip niya at sinara niya na ulit ang pinto at bumalik siya sa kanyang kama. "Istorbo talaga." isip niya pa. Nakahiga na siya nang may nag doorbell na naman. "Hssst! nakakasakit ng ulo!" inis niyang sabi sabay tayo at punta sa pinto para buksan ang pinto. "Good morning Steph," nakangiting sabi ni Jeffrey sa kanya. May dalang paper bag na malaki. "May I come in pinagdala kita ng breakfast. Coffee ...again,and buns.." kimi nitong sabi. First time niya nakitaan ng kakimiian ito.Hindi siya sanay. Kaya napalitan ng awa ang kanina inis niyang pakiramdam. "Of course Jeffrey." sagot niya at binukas niya ng malaki ang pinto niya. Pumasok si Jeffrey. At hinintay siya na i guide niya saan ilalagay ang dala niya. "Halika dito sa kitchen, pagsaluhan natin.Salamat nga pala sa tulong mo kagabi." dumeretso siya kasunod ni Jeffrey. Hindi niya natabi ang damit niyang pinukol ng lumipas na gabi kaya nadulas si jeffrey pero nakahawak ito sa pader. "Ay!" sigaw ni Steph at lumapit siya kay Jeffrey upang tulungan sana ito pero naka hawak ito malaking poste. "Uhh.." sambit ni Jeffrey at napatingin sa sahig at nakita ang damit na natapakan niya." Sorry, naku naapakan ko pala damit mo?" Walang kasiguruhan niyang sagot sa kanya. Namula si Stephanie. "Ay, teka, help muna kita dito mag ayos. Huwag ka mag alala at nagbago na ako...mabait na ako." sabi nito sa kanya na naka ngiti. Nilapag nito ang dalang paper bag sa mesa at nag simula mag ayos sa kalat niya ng gabing nakaraan. Walang imik ito. "Naku huwag na ako na.Kalat ko yan no at bisita kita." sabi ni Stephanie na mabilis na naka recover sa pagkakapahiya. Nginitian lang siya ni Jeffrey at pinagpatuloy ang pag aayos. Maya maya ay nahinto ito. "Masarap palang pagsilbihan ang mahal mong babae..lalo na kung makikita mo siya na bagong gising.Parang makalumang panahon." sabi niya na tila nangangarap. "Tama na yan, saluhan mo na ako dito at baka may gayuma pa ito...makaluma makaluma ka diyan!" biro ni Stephanie. Alam niya sa sarili na nakuha na ni Jeffrey ang tiwala niya. "Ay, ang ibig sabihin po ba niyan Mam Stephanie ay pinapatawad mo na ako?" bawi nito..Ma"am na naman ang tawag sa kanya kanina ay Steph lang at mas gusto niya ito. Parang kaibigan lang ang turingan nila at mas magaang. Kaya binawian niya ito ng biro. 'Sir Jeffrey Sagayo, your apologies are accepted. You are forgiven. Do not do it again or I will fire you!" biro niya habang nakaupo na sa mesa at sinimulan na niyang ilabas ang dala ni Jeffrey. " Okay lang matanggal sa trabaho huwag lang sa puso mo." sagot niya at naupo na ito sa tabi niya. "Sinabi mo yan ha. At kailan ka ba naman nakasigurado na nasa puso na kita?" prangkang sagot ni Stepahanie. Mas magaan pala kung nag uusap sila sa labas ng opisina. Iba kasi duon. Iba siya sa opisina. Mahal niya ang estado niya at ayaw niyang masira ang imahe niyang pinaghirapan abutin. "I am hoping, praying and dreaming and struggling for it.." nakangiti nitong sabi. " Tama na pambobola mo malamig na coffee mo!" sabi ni Stephanie." Ano ngapala nangyari kay Felix?" seryoso niyang tanong kay Jeffrey. "Nasa ospital kagabi. Pero okay na siya. Sabi ng Finix Security hindi na siya papasukin. Huwag ka na mag alala." sabi niya. "May record na kasi siya na ganuon sa dati niyang assignment. Pero hindi naman siya lagi nagwawagi. Sa opisina na lang siya ng Finix ata." pagpatuloy pa nito. "Bakit ayaw siyang tanggalin ng Finix Security?" tanong niya. " May pinapagamot siyang asawa na may cancer.Kawawa naman asawa niya kung mawalan pa ito ng trabaho. Pati pinapagamot din ng kompanya ang misis niya. Dati din lady guard yun ng Finix Security." derederetso nitong sabi sa kanya. "Detalyado ha. Madami ka pala alam sa Finix Security. Nagtrabaho ka ba duon?" sabi ni Stephanie. Natigilan si Jeffrey at napalunok ito. Mukhang nag iisip ng isasagot. "Hindi ah, may nagkwento lang sa akin kahapon ng ni report ko ginawa ni Felix.Siyempre kailangan ako personal ang maglinis ng bagay na pwede ikasira ng mahal ko."sagot nito. Hindi na siya sumagot. Ang importante ay nakaligtas siya sa Felix na yun. Kailangan na mag ingat din siya at ingatan din ang kanyang mga staff. Magaan ang pag uusap nila ni Jeffrey. Hindi niya din maunawaan ang sarili kung bakit bigla silang nagkaruon ng bond na tila matagal na silang magkaibigan . Nawala ang inis niya sa kanya. Ang nakikita niya ngayon kay Jeffrey ay isang mapagkakatiwalaang tao at siya isang simpleng tao na nakikipagkwentuhan sa barkada. Walang ere. Walang pader ng authority. Mas masarap sa kanyang pakiramdam. Pero hindi pwede na laging ganuon. Dapat iba sila sa opisina. Iba sila sa church. May distansiya para iwas sa tsismis at mapanuring mga mata ng makikitid mag isip. Ayaw na ayaw niyang maging pulutan sa kwentuhan. Hindi siya mani. Hindi siya mangga. " Jeffrey...o ano ba dapat tawag ko sa iyo?" tanong niya. "Love..!" biro nito. "Anong lab? laba ka na,?Labas ka na?!" mabilis niyang bawi.Seryoso siya pero halatang nagbibiro siya.Tumawa si Jeffrey. "Jet ang tawag sa akin ng malalapit sa akin. Mama ko at Papa ko." sagot nito. "Jet, may hiling ako sa iyo kung gusto mong maging mag kaibigan tayo. Alam ko na niligtas mo ako..pero..." hindi natapos ni Stephanie ang kanyang sasabihin dahil si Jeffrey na ang nagtuloy. "Hindi naman ako pinanganak kahapon Steph.Hindi rin ako namumuwersa na mahalin mo akom Tulad ng sinabi ko handa ako dumaan sa proseso." pagpapatuloy nito. "Thank you Jet...ang hiling ko lang huwag ka sana maging hayag sa opisina sa bago natin friendship. Wala dapat kinalaman ang trabaho at ang church na ating ginagalawan." paliwanag ni Stephanie. Lumungkot si Jeffrey na parang talunan. "Ibig sabihin ba nun hindi sapat ang written apologies ko..will I be fired?" tanong nito. "No, as I have said your apologies are accepted. Just be discreet next time...And I will state you won my simple friendship.. just my friendship for a while." sabi niya. Nabunutan ng tinik si Jeffrey at nagkaruon siya ng pag asa.Inabot ni Stephanie ang kanyang kamay kay Jeffrey upang mag hand shake pero inabot nito at dinikit sa mainit niyang labi. "Thank you Steph.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD