bc

The Outcast Believer

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Si Stephanie Abad ay Human Resources Manager. Nagtratrabaho siya sa isang malaking kompanya sa Ermita Manila. Wala pa siyang asawa kahit nasa edad na siya na trenta'y kwatro. Ang mga kaklase niya sa kolehiyo ay halos mga abala na sa kani kanilang pamilya. Samantalang siya ay buhos ang oras niya sa trabaho at church na dinadaluhan niya. Drummer siya sa music ministry duon. Buo ang luob niya na ibibigay din sa kanya ng Diyos ang karapatdapat na lalaking maghahatid sa kanya sa dambana. Madalas siyang nagiging tampulan ng tukso sa opisina kapag may bagong empleyadong lalaki na kinukuha ang Gentech Corporation na pinapasukan niya. Siya kasi ang nag re recommend ng mga ito sa mga nakakataas nilang mga amo o Boss. Isa na dito si Jeffrey Sagayo, bagong payroll clerk nila. Bata pa ito sa kanya ng limang taon at kahit wala siya interes ay nakagawian na siyang tuksuhin ng General Manager nila na si Mam Emilia Sternberg. Natatawa na lang siya pero minsan ay naiinis siya kasi nagmumukhang desperada siya magkaruon ng boyfriend. Isa si Jeffrey Sagayo sa mga nagparamdam sa kanya na tila baga na naghahanap siya ng lalaki. Masyadong believe sa sarili sa simula pa lang. Naiinis siya dito hanggang sa nagkaruon ito ng pagkakataon na burahin ang hindi magandang imahe nito sa kanya.Lagi siyang inaalalayan nito sa iba ibang pamamaraan na kailangan niya ng kaunting tulong sa trabaho at madalas sa personal na niyang buhay. Kaya lang hindi siya interesado sa mga lalaking mas bata sa kanya. Pakiramdam niya ay pedophile siya. Hindi naman lingid sa kanya ang mga matatandang kababaihan na pumapatol sa mga bata sa kanila at tinatawag na ganuon at pinagtatawanan. Kahit pa hinding hindi siya papatol sa mas nakababata sa kanya ay ayaw niya pa rin pag isipan siya na desperada at kahit na lang na sinong lalaki ay papatulan. Hindi bale na tumanda na lang siyang dalaga.

Sa isang pagtitipon sa Grace of God Church ay nakilala namn niya si Pastor Greg Lopez. Magaling siyang magsalita at malinaw na naipapahayag ang Salita ng Diyos na siyang kuhaan niya ng lakas ng luob. Gumagaan ang kanyang kaluoban niya sa mga ganuong sitwasyon at lalong nag iigting ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Wala pang asawa si Pastor Greg at siya ay hindi naman katandaan sa kanya. Nadinig niya na kwarenta anyos lang ito. Nagtataka lang siya na bakit wala itong asawa pa sa kabila ng magandang lalaki naman ito. Sa kanyang paningin ay kamukha pa ito ng artistang si Gabby Concepcion. Sa madalas nitong pag unlak sa imbitasyon ng church nila ay pakiramdam niya na kaunti na lamang at mahuhulog na ang luob niya sa kanya. Ang problema, hindi naman ito nanliligaw sa kanya.

Samantala si Jeffrey ay lalong nag pursige na makuha ang kanyang atensyon. Sumali ito sa church nila at nag presinta pa sumama sa music ministry nila. Aniya Jeffrey,.maganda ang boses niya at siya ay songwriter pa. Ang sabi pa kay Stephanie sa kanilang unang pagtatagpo duon ay hinikayat siya ng isa nilang ka church. Pero ayaw niya sabihin kung sino. Ano pa man ay hindi interesado si Stephanie. Ayaw niya talaga ang mas bata sa kanya. Ngunit ano mang iwas ni Steph kay Jeffrey ay lalo naman siya nito tila iniinis siya ng pagkakataon. Lumalapit pa ito sa kanya sa mga pagkakataon na makakalapit luob na sana siya kay Pastor Greg. Ngunit hindi bingi ang pusong umiibig. Lumapit ng kusa si Pastor sa kanya at duon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Sa banda naman ni Jeffrey ay nakuha na din nitong makalapit sa kanya. Unti unting naging magkaibigan sila. Pero mas interesado siya kay Pastor Greg Lopez. Para sa kanya ay si Pastor ang bagay sa kanyang katayuan. Pero mapagbiro ang tadhana. Kadalasan mas lumalalim pa ang ugnayan niya kay Jeffrey. Sino kaya sa kanilang dalawa ang kanyang pipiliin. At ano ang pwede niyang isa alang alang para makapag desisyon siya sa kanyang problema sa puso.

chap-preview
Free preview
Growing Inside
Mag sisimula na ang church service nila Steph sa Grace of God. Handang handa na si Steph sa drum set. Focus ang kanyang isipan at puso sa pagbubukas ng service sa pamamagitan ng masiglang tugtog ng papuri. Sinimulan ng gitarista ang ganyang tugtog samantalang nagsalita na ang singer nila na si Margie. Sa saloy ng gitara at pyano ay ang pagbating ting ni Steph ng drums na siyang nagbigay buhay sa pasimula ng kanilang pagsamba. Ang mga magagandang ilaw ng spotlight ay nagdagdag sa buhay nang kanilang musika. Nagsitayo ang mga mananampalataya at nakisabay sa kanilang paunang papuri. Matapos ang paunang papuri ay pumasok na sa entablado si Pastor Edmond Sanchez. Nagsimula itong magsalita at lahat ay nakinig sa ebanghelyo ng linggo na yun. Maganda para kay Steph ang Salita ng Diyos na pinagmuni munihan nila. Sumakto sa mga tanong sa kanyang kaisipan ang mga paliwanag ni Pastor Edmund. Natapos ang kanilang service at nagkanya kanya nang pumunta sa mga ministry at grupo ang mga dumalo. "Mam Stephanie!" nadinig niyang may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay si Jeffrey na bago nilang Payroll Clerk sa kanilang opisina. "O Jeffrey, bago ka dito? Ngayon lang kita nakita dito." aniya ni Stephanie. "Opo, invited po ako.Baka po dito ko mahanap ang hinahanap ko na kakulangan sa aking buhay." sagot niya. "Ang galing mo palang mag drums Mam. At ibang iba po kayo sa opisina." pahabol pa niya. Hindi interesado si Steph kaya nginitian niya lamang ito at nagpaalam na siya. Dumeretso siya sa kanyang kagrupo at iniwan na niya si Jeffrey. "Margie!" bati ni Stephanie sa singer ng banda nila."Ang galing mong kumanta kanina kinilabutan ako nadala tuloy ako sa pagba tinting ko sa drums!" patuloy niya. 'Hahaha, ikaw talaga Steph parang hindi ka tinaguriang songbird ng church natin!" sagot nito at sabay sila nag cheer,"Wheeeh!" Nagsi upuan na sila at nag meeting sa mga susunod nila gawain at schedule ng kanilang practice. "Need natin maganda ang mga song lists natin kasi may visitor tayo na Pastor from Manila. Matagal na daw Pastor ito. Bata nagsimula." sabi ni Margie, ang kanilang leader sa kanilang ministry. "Sino?!" sabay sabay na tanong ng kanilang grupo. "Pastor Greg Lopez." sagot agad ni Margie. "Wow! ang galing nuon magsalita at guwapo pa!" ani nang isa nilang kagrupo. "Uy, walang ganyanan. Basta lahat tayo ay magaganda at guwapo! Walang pangit na ginawa si Lord," sagot ni Margie. "Oo nga!" sabay sabay sabi ni Stephanie at dalawa pa nilang kasamahan. "Ay naku Steph, kailan ka ba sasagot ng isa sa mga manliligaw mo? Ako na ata ang pinaka huling kinasal dito ah. Year 2019 pa yun! " sambit ng isa nilang kasamahan. "Malapit na hahahaha," biro ni Stephanie. Hindi pa siya nakaka recover sa biruan nila ng biglang may kumuha ng kanilang mga atensyon. Si Jeffrey at may dala pa flowers! Nakaka irita sa pakiramdam ni Stephanie pero pinigilan niya ang kanyang pagka maldita. Wala sa lugar itong Jeffrey na ito papansin talaga. "Mam Steph, para po sa inyo, congrats sa husay niyo sa pagtugtog! Kahanga hanga!" bungad nito sabay bigay kay Stephanie ng bungkos na red roses. Ang bango at nakaka ganang samyuhin, isip ni Stephanie pero pinigilan niya ulit ang sarili dahil ayaw niyang ma mis interpret siya ni Jeffrey. Yung flowers lang ang gusto niya. "Salamat Jeffrey. Nag abala ka pa. Para sa buong music ministry natin ito" sagot ni Stephanie kay Jeffrey at sa mga kasamahan niya. Casual niyang tinanggap ang bungkos ng red roses at nilapag sa mahaba nilang mesa.'Ngapala mga sisters, si Jeffrey Sagayo kasamahan ko sa trabaho." pakilala niya at ini isa isa niya ang mga kasamahan niya ipakilala. "Bale si Sis Steph pala nag invite sa iyo dito?' tanong ni Margie. "Hindi ako." mabilis na sagot ni Steph at parang may allergy na siya sa mga ganuong sitwasyon na ma lilink na naman sa kanya ang isang binata. "Ah, opo iba po." sagot ni Jeffrey. "Kaso wala siya dito. Ibig ko sana sumali sa music ministry niyo." patuloy pa nito. "Naku sa boys music ministry ka kasi hiwalay dito sa church ang mga gawain ng babae at lalaki. Kapag may malaking event lang nagsasama sama."sabi ni Margie. "Halika at ipakilala kita sa leader ng church band na si Kuya Francis." pagpatuloy pa nito at sinama na si Jeffrey. Alam ni Stephanie na basang basa na siya ni Margie.Alam nito kapag ayaw niya sa tao o kung bad mood siya at bakit. Kaya naiwan lang si Stephenie sa mga kagrupo niya at nagkibit balikat na lang ang kanila pang ibang kasamahan at nag focus sa mga song lists na pinag uusapan nila. Hindi na napansin ni Stephanie si Jeffrey nang sila ay nag uwian na. Nawala na din ito sa kanyang kaisipan. Nakauwi siyang payapa sa condo unit na nabili niya sa limang taon na bonus niya na inipon. Talaga naman kulang na lang sa kanya ay matinong asawa na makapgbibigay sa kanya ng mga munting anghel at halakhak sa apat na pader ng tinutuluyan niya. Naupo siya saglit sa maliit na sofa sa kanyang living room at tinaas ang kanyang mga paa. Gawi niya ito kada pagdating niya mula sa trabaho. Sa ganuong paraan siya nakakapag relax at nakapag mumuni muni sa sarili niyang tunay na pakiramdam. Saan na nga ba siya. Inikot ng mga mata niya ang kanyang kapaligiran. Maganda, tahimik. malinis at maaliwalas na bahay. Pero walang saya na magpapapawi sa kanyang pagod.Napahilig na lang siya sa sofa hanggang sa siya ay tuluyang nakatulog at dinala siya sa ibang mundo ng panaginip. Nakita niya ang kanyang sarili na masayang nakaupo sa isang damuhan na puno ng mga iba't ibang bulaklak. Mahinhin ang hangin dumadapo sa kanyang balat habang tila may hinihintay siya na kung sino sa piknikan na handa niya. Ang kasama lamang ng niya ay isang persian cat na itim na malambing na nakankandong sa kanya. Hinihimas himas niya ito habang siya ay nakangiti.Gumagalaw galaw ang buntot nito na tila nasisiyahan sa kanyang ginagawa." Meow, meow," sagot nito.Siya din ay nakaramdam ng kaginhawahan na siya ay nagkaruon ng kasama na may buhay. Maya maya ay may lalaking hindi katandaan ang lumapit sa kanya at pagka kita niya dito ay napalukso siya at niyakap niya ito ng buong sigla. Tuwang tuwa siya at ang lalaking sa paningin niya ay napaka guwapo. "Dindong, dindong...dindong," ginising siya ng doorbell sa labas. Mabilis siyang nakabawi sa kanyang diwa at agad niyang binuksan ang pinto ng unit niya. "Good afternoon Ma"am, may nagpadeliver po sa inyo ng cake. Tinanggap na lang po namin." sabi ng attendant ng mala hotel niyang condo. "Kanino galing?" surpresa niyang tanong. "Hindi ko naman birthday." sabi pa niya sabay tingin sa card na naka dikit sa itaas ng box. Pero walang nakalagay kung kanino galing. Ang nakasulat lamang ay, "To a beautiful lady Stephanie. Your sweetness spreads my heart. I think love is growing inside...." Kinuha niya ang maliit na box ng cake at siya ay nagpasalamat na lang sa babaeng nagdala. Sa luob ng unit ay excited niyang binuksan ang box. Pasadya ito tiyak dahil korteng puso at kulay strawberry at sa gitna ay may naka dekorasyong maliliit na candy na korteng mga puso. Natuwa naman siya pero hindi niya alam kanino magpapasalamat. Sa puso niya ay may kumirot bigla ng pangungulila. Tunay na binabalot na din siya ng kakulangan. Sa isip niya, "Emptiness is growing inside me..." at malungkot niyang nilagay ang cake sa luob ng refrigerator niya na hindi man lang niya tinikman. Sino man ang nagpadala ay salamat pero hindi niya magawang tikman man lang ito dahil nilukuban na siya ng kalungkutan na ngayon niya lang napagtanto na malawak at malalim na sa kanyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.6K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
22.9K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
38.6K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
56.9K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
167.1K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
48.5K
bc

The Forgotten Wife

read
43.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook