A memo for my lover

1577 Words
Pumasok ng maaga si Stephanie sa opisina. Siya ang kauna unahan nag park sa gilid ng building nila. Seven thirty pa lang ng umaga. Katwiran niya ay kailangang maging mabuting ehemplo siya nang mga empleyado duon na nasa ilalim ng kanyang direksyon. Paano niya mapapasunod ang mga ito kung siya mismo ay walang disiplina. Pumasok siya sa lobby at binati siya ng company guard. "Good Morning Mam Stephanie. Tulungan ko na po kayo sa mga dala niyo." bati ng babaeng gwardiya ng Finix Security. "Ay huwag na. Pareho naman tayo babae. Kaya ko ito. Salamat Vina." nakangiti niyang tugon sa gwardiya. Dumeretso siya sa elevator at pinindot niya ang fifth floor. Duon kasi ang mga managers naka assign mag opisina. Nakarating siya sa opisina nila at naabutan niya ang masipag na janitress na kung tawagin sa opisina nila ay Ola. Kasi masayahin ito at napakahilig bumati. Pero ang pangalan talaga nito ay Hesusa. "Good morning mam." nang makita siya nito. "Good morning Hes," tugon niya. Tanging siya lang ang nagpasimuno ng ganun tawag sa janitress. Gusto niya kasi iparamdam ang importansya ng pagtawag sa tao ng tunay na pangalan bilang respeto. Paniniwala niya ay respect breeds respect. Dumeretso siya sa office niya na hiwalay sa staff at duon ay umupo na siya at binuksan ang kanyang laptop. May collaboration conference ngapala siya. Pero wala pa ang kanyang secretary na si Leni. Handa naman siya kahit na sakali wala ito pero mas mainam na ma asista siya nito. Opening kasi ito ng paghahanap nila ng makaka collaborate nila sa marketing plans ng Gentech.Isa sa mga main na gawain ng kompanya nila ay ang pag provide ng mga statistics sa mga customers na nag papa survey para sa kanilang maliliit na negosyo. Balak ng kompanya na magdagdag ng serbisyo sa advertising field ng mga customers nila upang matulungan nila ito sa kani kanilang mga negosyo. Kailangan nila ng mga well skilled information technologist at mga content writers upang maka gawa ng magandang mga lathain at program sa pagmamarket nila. Importante din sa kanilang balak ang mga skilled financial analyst upang mapagusapan ang service fees nila. Gawain ni General Manager Sternberg ang karamihan dito pero naka leave ito ng dalawang buwan dahil nagpunta ito sa Amerika upang ipagamot ang may sakit na asawa. Siya ang tinalaga dito at kaya naman niya bilang Human Resources Manager. Nahawakan na din kasi niya ang mga training projects na nilulunsad ng kanilang kompanya. Accredited sila sa Civil Service Commission at naglulunsad sila ng mga seminars ukol sa iba ibang field ng business organizations. Inisa isa niya ang power point presentation niya kung saan siya ay gamay habang hinihintay ang kanyang secretary. Alas nuwebe pa naman ang simula ng event. Lumabas siya saglit sa kanyang opisina upang silipin kung anduon pa si Ola. Paglabas niya ay nakita niya si Leni at si Jeffrey na nag uusap. "Sige na Leni, pakibigay kay Mam Stephanie hanggat mainit pa itong coffee na binili ko pa sa Mawee Coffee Shop" pagpupumilit ni Jeffrey. Tunay naman na sikat na kapehan ito sa kanila at tunay naman na masarap ang kape at nakakagising talaga ng diwang tulog. "Ayoko nga.Magagalit iyon sa akin.Ayaw niya ng ganyan," mariing sagot ni Leni at sabay iniwan si Jeffrey. "Uy, Leni." habol nito iniwan ang kape sa mesa ni Leni. Hindi siya napansin ng dalawa. Nagmamadali kasi si Leni baka pupunta sa comfort room para mag ayos ng sarili. Malayo kasi ang pinanggagalin nito sa Sta.Maria Bulacan pa.Ayaw naman nitong makituloy sa kanya kasi may asawa ito at dalawang bulinggit pa na anak. Natukso siya na kuhain ang kape. Iyon nga ang kailangan niya kaya siya ay lumabas.Kinuha niya ito at dinala sa opisina. Susubukan din niya kung ano ang magiging reaksyon ng dalawa. May pagka maldita talaga pa din ang ugali niya kahit na nag sisimba pa siya. Hindi siya perpekto. Umupo siya sa kanyang mesa at tinext si Leni na pakibili ng kape.Bayaran na lamang niya. Lusot na agad siya naisip niya. Fast track delivery isip niya. Makalipas ng ilang minuto ay nag reply si Leni. "Yes, Mam." tugon nito na siya din naman niya sinagot para hindi na mapagod ang kanyang secretarya. "Magkano Leni, Salamat andito na ang kape,' palusot niya. Hindi agad nag reply si Leni at maya maya ay kumatok ito sa opisina niya at nakita siya na umiinom sa kape na bigay talaga ni Jeffrey. Nanlaki ang mata nito. Napatingin si Stephanie sa kanya at nagtanong kunwari ang kanyang mga matang nanlaki din. "Bakit Leni mukhang manghang mangha ka diyan? Magkano ito? Masarap at ang bilis mo mabili.Kinuha ko na agad at marami pa tayong ipre para." derederetso niyang sabi. "Ah Mam..huwag na ninyo bayaran..mura lang po yan. Pampaganda po ng umaga natin," bawi nito. "Ok Leni paki handa na yung mga presentation niyo maya saka yung opening nyo ni Zen, bago ako magsalita. Na kontak na ba ninyo ang mga dadalo? Be sure na complete ang attendance ng mga nag commit na umattend. Mahirap naman magsalita kung walang tao at tayo tayo lang." pag instruct ni Stephanie. "Yes, Mam. Yung mga list of attendees pakibigyan ako now before mo i secure na makakarating sila.' pahabol niya. 'Okay Mam," sagot ni Leni at lumabas na ito sa malawak niyang opisina. Bumalik si Stephanie sa cubicle niya sa gilid ng opisina niya. Hidden room niya yun kapag gusto niya mag focus at huwag maabala ng sino mang staff. Wala kasing may lakas luob na pumasok duon. Hindi na tumutuloy ang mga ito kapag nakita nila na wala siya sa kanyang executive chair. Duon sa cubicle ay binasa niya ang kanyang mga sasabihin at mga topics. Maya maya ay may kumatok at sigurado siyang si Leni iyon. "Come in Leni, pakilagay na lang sa mesa ko ang aking hinihingi.' bilin niya nang hindi lumalabas sa kanyang cubicle. "Yes Mam, andito na po.Labas na po ako," sagot nito. Pagkatapos niyang repasuhin ang kanyang mga topics ay lumabas siya at hinanap ang hiningi niyang list. Mabilis niya itong tinignan upang malaman kung may kakilala ba siya. Hindi niya mga kakilala. Karamihan ay babae at puro sa marketing department ng iba ibang opisina. Sino kaya ang pwede maka collaborate ng Gentech sa initial venture nito sa marketing and advertising programs nila isip niya. Hindi niya namalayan na malapit ng mag alas nuwebe sa kakabasa ng mga dapat talakayin sa event nila na iyon. Nadinig na lang niya ang mahinang katok at pasok ni Leni s kanyang opisina. "Mam, na check ko na po majority na po ng nagparegister ay nasa conference room na po. Mga thirty na po sila." pag sumite nito sa kanya. "Ang dami pala. Hindi ba mga seven lang yung mga companies na invited natin to submit their proposals?" tanong niya. "Opo, kaso sinama na po nila ang team nila para daw mas malinaw ang presentation ng proposals nila." sagot ni Leni. "Okay. Sige, please help me with my files.Let's go." sabi niya at sila ay tumuloy na sa conference room. Paglabas nila ay nakasalubong nila si Jeffrey. Hindi niya ito pinansin bilang subordinate niya. Hindi naman siya nangangampanya para batiin ang lahat ng makakasalubong niya. "Good morning Mam Stephanie.How' s the coffee I brought to you this morning?'presko nitong bungad. Out of place talaga ang tao na ito, naisip niya. Hindi niya ito pinansin. "Hello Mam Sis." pahabol pa nitong pangungulit sa kanilang likuran pero derederetso sila ni Leni at iniwan nila ito at hindi na nakita pa ano ang reaksyon nito. "Leni, please draft a memo for Jeffrey. I do not like the way he approaches his immediate superiors,pangit at walang respeto. Mali." sabi niya. Pumasok na sila sa conference room at naupo siya sa unahan. Nag simula ang conference at siya ay inintroduce ng maganda ni Zen, ang marketing manager ng GenTech. Nagsimula na siyang mag salita at nilinaw niya ang mithiin ng kompanya. Pinakilala niya ang Gentech sa mga dumalo na galing din sa anim o pitong mga bigating kompanya sa marketing field. Sa mga oras na iyon, hindi na siya si Stephanie na may kulang sa buhay kundi si HR Manager na may kaisipang nag uumapaw sa inspirasyon at kaalaman at handang mag buhos ng mga ito sa mga makikinig at makakaintindi. Saglit na nagpalakpakan ang mga dumalo at isa isa silang nag tanong sa kanya ukol sa kailangan ng kompanya. Natapos ang conference ng maluwalhati at nangako ang mga ito na magsumite ng kani kanilang proposals. Pag labas nila ay anduon na naman si Jeffrey. Talagang sinasdya ba nito ang pagsunod sunod sa kanya na akala mo ay detective. "Mr. Sagayo, you are supposed to be on your desk doing your job as payroll clerk. What is your business roaming around?' seryoso niyang tanong.Inis na siya. "I am sorry Mam Stephanie. But I think I can fill your empty cup to the brim."matalinghaga nitong sambit. "What?!" mariin niyang tanong na pigil na mabulyawan ang mayabang na payroll clerk na ito. Ano ba ang pinagsasabi nito?! Isip niya.Lasing ba ito o dis oriented. "I mean, I can give you another cup madam. Ako po ang nagbigay ng coffee niyo kanina kaya dapat magpasalamat kayo sa akin sa good performance nyo now sa conference." nakangising sabi nito.Abnormal talaga. Kape lang ang nabigay akala mo siya na ang nagpaaral sa kanya. "Wait for your memo Mr. Sagayo. I will give back the taste of your coffee.Now go back to your post!" galit na siya at iniwan niya na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD