Love Letter

1717 Words
Umuusok ang ilong ni Stephanie pagpasok niya ng opisina. Nawala ang saya na kani kanina lamang ay nag uumapaw na tila batis na nagpagaan sana ng kanyang pakiramdam. Dapat masupil na niya ang pagkawala ng respeto sa kanya ni Jeffrey Sagayo. Sobra na. Hindi na nakakatuwa o nakakakilig ang kanyang ginagawa. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan na siya ni Jeffrey. Pero sa isang banda, naisip niya, ano ba ang nagbigay dito ng lakas ng luob na sundan sundan siya na tila sobra sigurado na makukuha siya. Sino ba talaga itong Jeffrey Sagayo na ito na nanghihimasok na sa kanyang pribadong buhay. Sa opisina at sa church sinusundan ang bawat gawain niya. Lumabas siya ng opisina. "Leni, please give me the 201 file of Jeffrey. Prepare what I instructed you to do a while ago." seryoso niyang sabi. "Yes Ma'm." seryoso nitong sagot sa kanya. Bumalik siya sa opisina niya. Maya maya ay kumatok si Leni at pinasok ang mga papel ukol sa personal file ni Jeffrey at lumabas na ito. Binasa niya ang personal information nito. Tinignan ang mga magulang. Simpleng pamilya. Walang asawa. Nakatapos ng accountancy pero hindi nag board.Mataas ang I.Q. pero bagsak sa EQ. Nilapag niya ang mga dokumento at bumuntung hininga. Ano ba ang dapat gawin sa palala ng palala nitong papansin sa kanya. Ano ang gagawin nito kung biguin niya ito? Maya maya ay siya na ang gumawa ng memo para kay Jeffrey. Show Cause Memo due to disrespect to superiors and violation of company ethics. Siya mismo ang nag print at siya rin ang lumabas para ipabigay kay Jeffrey. "Leni, dalhin mo na agad ito sa Accounting Department at ibigay mo sa Head ng departamento na iyon" sabi niya.Kinuha ni Leni ang memo at lumakad na ito. Sinundan niya ito ng tingin habang nakayuko itong naglalakad. Pumasok na siya ng kanyang opisina at tinawagan ang Head ng Accounting Department na si Lauro Samaniego. Matagal ng head ng departamentong iyon si Lauro. Medyo may pagka bading bading yun pero ito ay matapang at takot ang mga staff nito kapag nagalit ito. Mahigpit kasi ito kaya wala nagtatagal sa staff niya. "Yes Madam," sagot nito ng malaman na siya ang tumatawag. "Remember your new payroll clerk sir?" pagpatuloy niya. "Yes Jeffrey Sagayo, what about him? He is doing his job well and on time."sagot nito. "I send a memo for him to explain for flirting around.Worst on me, and to the point of disrespecting me already.Leni will be at your office sooner. I will ask you a favor for him to receive and explain his reasons in writing." sabi ni Stephanie. "Ah, I see, do you want to fire him? Violation un ng work ethics natin." "Oo nga.Na stress ako sa kanya.Sinusundan sundan niya ako na akala mo baga ay makukuha niya ako ng ganun ganun." sabi niya at kinuwento na nga niya ang mga nangyari. Tahimik na nakikinig si Lauro at maya maya ay sinabi niya na dumating na si Leni. Binaba niya ang phone. Sa banda ni Stephanie, siya ay nag iisip pa din kung anong klaseng tao ba si Jeffrey at napaka lakas ang luob nitong tratuhin siya ng ganuon. Inisip niya kung anak ba ito ng me ari ng kompanya nila o sobra ba yaman nito at nag babalatkayo lamang ito na nagtrabaho bilang clerk lang. Nakabalik na si Leni sa kanilang departmento at nag report sa kanya na tinanggap na ng Head ng Accounting Department ang memo.Tinanong daw siya kung ano ang alam niyang nangyari.Sinabi niya lang ang tungkol sa kape. Umusad ang buong maghapon at tahimik ang kanilang departamento. Walang Jeffrey na dumalaw o nang inis sa kanya. Masaya siya at natapos niya ang kanyang trabaho na matiwasay. Alas singko ay nagtratrabaho pa din ang kanyang staff at natuwa naman siya sa kasipagan nila. Naisip niya na ilabas ang mga ito tutal ay Friday naman. "Everyone, ayos na ba kayo dyan? I give you thirty minutes to pack your things at mag night out tayo."nakangiti niyang sabi. "Wow!" nagsigawan ang sampu niyang staff. Pitong babae kasama si Leni at tatlong mga bading na kahit kumekendeng sa paglakad ay panghihinayangan mo sa kanya kanyang kaguwapuhan. "Yun oh! Sino may birthday Ma"am?" sabi ng isa "Sagot niyo po Ma"am?" sabi naman ng isa. "Saan po tayo?!" masayang tanong naman ng isa pa. "Kung saan pwede na tayo tayo lang.Yung may privacy tayo at pwede uminom" sabi ni Stephanie na tila nakatatanda nilang kapatid na mag lilibre. Bumalik siya sa kanyang sariling opisina upang mag ayos na din Excited ang lahat na nagsisipag ayos ng biglang natahimik ang lahat. Pumasok si Jeffrey Sagayo may dala siyang sulat. Nakita siya agad ni Leni kaya hinarang niya agad ito. Baka mawalan ng gana ang boss nila at hindi matuloy ang gimik nila. "Jeff, bakit? Bilis lang kasi aalis kami now." bulong ni Leni sa kanya. "Ipa receive ko lang ang matamis kong OO sa Boss ng buhay ko."sagot niya at inabot kay Leni ang papel na halatang written explanation niya sa memo. Pero may sealed envelope na kulay pink.Mabango pa nga.Napa iling na lng si Leni. "Ano na? pa receive na para maka alis na ako. Hinihintay ako ng Boss ko may lakad din kami." seryoso nitong sabi. Nahiwagaan si Leni sa tinuring ni Jeffrey pero ni receive pa rin nya ito ng stamp ng departamento nila.Umalis agad si Jeffrey at habang naglalakad palayo ay nakita ni Leni na ngumingiti ito. Talaga naman ang lakas mang asar ng baliw na ito isip ni Leni. Maya maya ay lumabas na si Stephanie at naka ayos na siya."Sino ang sasabay sa akin? Kaya ko ang apat na kasabay. Ung iba kay Jonas na sabay malaki ang sasakyan niya di ba?" sabi niya sa staff niya. "Sige po kami na po ang sasabay snyo Ma'am." sagot ng isa. "Leni may ibigay ka ba kay Ma'am?"sabi ng isa "Ano yun?" tanong ni Stephanie. "Ano po, written explanation po ni Mr.Sagayo."sagot ni Leni. "Ah ilagay mo na lang sa mesa ko. Halika na guys," sabi ni Stephanie na nakangiti at hindi na apektuhan sa narinig niya. Lumabas na sila lahat ng kanilang opisina at masigla ang lahat na sumakay sa elevator. Nagbibiruan at nagkakantiyawan. Nakikinig lang si Stephanie at masaya siya na kasama niya ang kanyang staff. Para bagang may pamilya siya na masasandalan. Nakarating sila sa parking lot at nagsisakay na ang lahat. Aalis na sana sila ng biglang naisip ni Stephanie ang kanyang cellphone Naiwan niya ito sa kanyang cubicle na nag cha charge. "Ay naku ang cellphone ko pala!"sambit niya. "Saglit lang at babalik ako." paalam niya. "Ako na lang po ang kukuha Ma"am" sabi ni Leni. "Ako na lang.Hintayin niyo na lang ako dito." sabi niya at kahit kailan ay wala siyang pinagkakatiwalaan na ipahawak ang kanyang cellphone. Mabilis siyang nakabalik sa opisina.Pagbukas niya ng sarili niyang opisina ay derederetso siya agad sa cubicle niya at kinuha ang cellphone. Lalabas na sana siya ng makita niya ang written explanation ni Jeffrey na naiwan na nagiisa na natira sa trabaho niya. Natukso siyang basahin at nakita niya na may envelope na pink na naka stapler dito. Binasa niya ang papel. "Madam, please see attached explanation My apologies for my actions which I justify as misunderstood to be signs of disrespect. I promise to act discreetly from now on." signed by Jeffrey Sagayo. Natukso lalo siya na kuhain ang pink na envelope at nilagay niya sa kanyang handbag. Pinasok niya sa drawer niya ang papel na may explanation at siya ay lumabas na ng opisina. Tumuloy siya sa elevator at pagbukas ay tumambad ang mukha ni Jeffrey kasama ang mga kasamahan nito at Boss nila na si Lauro.Masasaya sila at nagbibiruan. Natahimik silang lahat ng nakita siya. Maliban kay Lauro na binati siya agad. "Halika na Mam Steph, down na ito,' aya nito. "Next na lang ako kasi puno na kayo" sagot niya upang huwag siya makasabay sa puro kalalakihan sa luob ng elevator at siya lang ang babae. 'Ok," sagot ni Lauro at sumara na ang elevator. Naiwan mag isa si Stephanie at naisip niya na bumaba na lang ng hagdan. Ilang floors lang naman naisip niya. Nang naka dalawang floors na siya ay nagulat na lamang siya ng may biglang tumapik sa likuran niya.Nang sumulyap siya ay nakita niya ang guwardiya na nakangisi sa kanya ng may bahid ng pagnanasa. Binalot siya ng kaba pero hindi siya nagpahalata "Uy, Guard Felix pa gabi na." un na lang ang nabulalas niya. "Opo,.Ma"am, nag roronda lang po ako.Sorry po, akala ko ung kilala ko," bawi nito. Pero hindi nakitaan ni Stephanie ng sinseridad ang boses ng matandang guwardiya. Kinakabahan pa rin siya at mabilis siyang naglakad halos patakbo na siya pababa. Sa isip niya hindi niya kakayanin ang malaking lalaki na iyon sa liit ng katawan niya. Pero sinusundan siya nito at ng matapat sila sa comfort room ay bigla siyang hintak nito. Nagpupumiglas si Steohanie at nagsisigaw siya."Guard Felix, ano ibig sabihin nito! Bitawan mo ako!Bastos ka!" sigaw niya. Hindi niya napansin na bumukas ang elevator at may lumabas na lalaki at biglang hinatak ang guwardiya at sinuntok ito. "Loko ka ah!Bakit pati girlfriend ko mamanyakin mo?!Tutuo pala balita na manyak ka!' at sinuntok ulit ni Jeffrey ang gwardiya na ikina dugo ng ilong nito. Naguluhan siya bakit bigla lng sumulpot si Jeffrey pero malaki ang pasasalamat niya at iniligtas siya nito. Nakatumba sa sahig ang nahilong gwardiya at inakay na siya ni Jeffrey sa elevator. Sa luob, kinulong siya ni Jeffrey sa kanyang bisig at inalo siya."You are safe with me.Wag ka matakot" Saglit na napayapos siya kay Jeffrey hanggang sa siya ay nahimas masan at kumalas bigla sa bisig ni Jeffrey. "I am ok. Thank you." mahina niyang sagot. "Please do not mind if I court you. Please allow me. I love you Ms.Stephanie. Thank you for giving me the chance to write my first ever love letter I have written..." sabi nito na may pagsusumamo Banaag sa kanyang mata ang sinseridad at lungkot na nakakapang akit. Ang mga mukha nila ay halos magkadikit at ramdam niya ang mabangong hininga ni Jeffrey. Natulala na lamang siya at lumayo ang tingin at pinilit makaiwas. Nakahinga siya ng maluwag ng bumukas ang pinto ng elevator sa ground floor at sila ay kapwa tahimik na lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD