hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama ayokong paniwalaan na palalayasin niya ako at ipapakasal kay kuya Ivan,oo noon pa man bata pa ako siya na ang sinisigaw ng aking batang puso,pero ayoko namang sa ganitong sitwasyon na ikakasal na ito kay Nicolle ay ako ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ang kanilang pag iisang dibdib at sa halip ako ang ikakasal kay kuya Ivan dahil sa actual na pagkahuli ni Mama at Nicolle sa amin. "Ma patawad..patawad naging marupok ako" luhaan akong lumuhod kay Mama,habang nag hihisterikal na si Nicolle,at pinagmumura niya na ako sa harapan ni Mama,nagkagulo na rin sa baba dahil sa malakas na boses ni Nicolle. Pinagmasdan ko si kuya Ivan na walang emosyon nakatanaw lang sa akin na nagmamakaawa kay Mama,ngunit imbes ako ang kanyang kausapin,binaling niya ang

