Warning SPG❗️ gabi na ngunit hindi pa rin dumarating si kuya Ivan hindi ako makatulog nangingibago yata ako sa bagong silid. Unang gabi namin ngayon na magkasama wala akong ideya kung ano ang mangyayari sa biglaang pagsasama namin ni kuya Ivan, bukas na bukas din kakausapin ko siya tungkol sa planong pagpapakasal na pinlano sa amin nina mama at papa. pwede naman siyang tumanggi dahil yun din ang gagawin ko, ayokong makulong sa isang relasyon na tanging ako lang ang nagmahal, ayokong umiikot lang ang aking buhay kay kuya Ivan, kahit siya pa ang nakauna sa akin hindi ito basehan para pakasalan niya ako at pakasalan ko rin ito. Mahal ko siya noon pa man ngunit ang isipin na wala siyang pagpapahalaga at pag-ibig sa akin yun ay hindi ko rin naman matatanggap. bumangon ako at naupo sa kama

