Chapter 3

1848 Words
Seffira’s POV   ‘‘So, kumusta ka naman? Okay ka na ba simula no’ng pumunta tayo sa dati nating bahay?’’ pagtanong sa ‘kin ni Jessa na ngayo’y nakatingin lang sa ‘kin habang nag-aayos ako ng aking sarili. ‘‘Sa tingin mo gano’n na lang ‘yon kadali Jessa? Gaya nang sabi sa akin ni Father Raul everything takes time so, maghihintay ako kung kailan ako tuluyang gagaling,’’ sagot ko sa kaniya sabay lakad patungo sa aking walk in closet. ‘‘At saka sinabi rin sa ‘kin ni Father na dapat hindi ko palaging isipin ang mga nakaraan dahil hindi  raw ako tuluyang gagaling kapag gano’n lagi ginagawa ko,’’ habol ko pa sa aking naunang sinabi sa kaniya. Siguro, nagtatanong kayo ngayon kung bakit ako nag-aayos. Well, bibisitahin ko lang naman ngayon ang magaling kong tiyahin at tiyuhin. I’m going to measure their kakapalan ng mukha, kung papasukin nila ako o hindi lalo na ngayong may nagbago na sa ‘kin. ‘‘I think they will be surprise on your comeback Seffira and it’s really exciting you know that?’’ Patalon-talon nitong pagsabi sa akin. I laughed ‘cause she’s acting like a stupid child again. ‘‘Of course! They will be surprised! Sisiguraduhin kong matatakot sila sa aking pagbabalik,’’ I said while pointing my right hand as an imaginary gun on a particular direction. ‘‘Bang-bang,’’ Jessa said. I’m about to utter words when someone knocks on the door so, I walk towards the door to open it. ‘’Honey? I think you’re really hiding something or someone on me? Isn’t it?’’ takang tanong sa ‘kin ni mommy habang palinga-linga sa aking kuwarto to check if I’m hiding someone inside. At sa pangalawang pagkakataon, kinabahan na naman ako dahil sa tanong ni mommy sa akin. ‘‘Baka naman Honey may boyfriend ka na at itinatago mo siya sa akin? Sabihin mo sa ‘kin Honey ‘di naman ako magagalit in fact, I’ll be happy na may nagpapasaya na sa’yo,’’ nakangiting sabi nito sa akin. I laughed because of she’s thinking about me at para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako sa kaniya. ‘‘No Mom! Wala po talaga!’’ turan ko dito habang patungo sa aking malaking salamin dito sa kuwarto. ‘‘Then who are you talking with? I heard you’re talking to someone before you open the door,’’ she asked suspiciously. Ayaw ko naman na malaman ni mommy ang totoo so, I arrived to an idea that would make her believe. ‘‘A-ah that’s actually from a movie I am playing on my phone Mom,’’ pagsisinungaling ko dito at mukhang nakumbinsi naman siya sa aking naging sagot dahil bumalik na sa normal ang mukha nito at wala nang pagtataka. ‘‘Anyway Mom, what brought you here?’’ pagtanong ko dito habang inaayos ko ang kuwelyo ng aking napiling damit for today. ‘‘Just checking you Honey at saka sa’n ka pala ngayon? You didn’t tell me about your plan today last night,’’ tampong sagot nito sa akin. Sakto naman tapos na akong mag-ayos kaya lumapit ako dito para lambingin siya. ‘‘Sorry for that Mom. Gusto ko lang po sanang magpakita na ngayon sa aking tiyahin na siyang nagtaboy sa akin no’ng nakita niyo ako sa kalsada,’’ paliwanag ko sa kaniya sabay yakap. Yinakap naman ako nito pabalik at ramdam ko talaga na she really care for me kahit hindi kami magkadugo. ‘‘Go Honey, ipakita mo sa kanila na ibang-ibang kana ngayon. Iparamdam mo sa kanila ang bagsik ng isang Seffira!’’ turan naman nito sa akin. Humiwalay naman kami sa aming yakapan moment. Nagpasalamat naman ako dito dahil palagi siyang nakasuporta sa akin sa lahat nang gusto kong gawin. Pero, I have this konsensiya na hindi talaga alam ni mommy ang tunay kong plano. She only knew that I will revenge in a good way but it wasn’t and I am actually planning to kill them all. ‘‘Bye Jessa ‘gotta go,’’ paalam ko kay Jessa at tuluyang isinara ang pinto ng aking kuwarto. Mag-isa ako ngayong tutungo sa bahay ng aking pinakamamahal na tiyahin ‘cause I don’t want to disturb kuya Bert anymore. ‘‘The f**k are you doin’ here Jessa?’’ singhal ko sa kaniya ‘cause she’s in the car right now. She just smiled at me. Mukhang wala akong magagawa kun’di hayaan siyang sumama sa ‘kin.  I never start a conversation ‘cause I’m not in the mood right now para kausapin siya. Siguro later I’ll be uttering tons of words for my beloved tiyahin at tiyuhin and it’s really exciting. After twenty minutes of driving, narating ko naman bahay nila tiya. Kung nung nakaraan ay puro insekto ang aking regalo, ngayon naman isang demonyo ang magpapakita sa kanila at ipaparamdam ko sa kanila ang bagsik ng isang demonyo. Kumatok naman ako ng tatlong beses nang marating ko ang luma nilang pinto. I won’t forget that day na itinaboy nila ako at hinayaang mabasa lang ng ulan. Nakita ko naman ang aking tiyahin na may katandaan na nang pinagbuksan ako nito ng pinto. Mukhang hindi niya talaga ako nila nakikilala base sa aking nakikita ngayon. Sabagay madaming nagbago sa ‘kin. ‘‘Hindi niyo ba ako nakikilala mahal kong Tiyahin?’’ pagbibigay diin ko sa salitang mahal at tiyahin. Nakitaan ko naman ito nang pagkalito sa kaniyang mukha at mukhang nabobosesan niya ako. ‘‘Huh? S-sino k-kaba?’’ nauutal nitong tanong sa ‘kin. Napangiti naman ako sa naging sagot nito dahil halatang may takot sa tono nito, habang binibigkas ang mga katagang ‘yon. ‘‘Kung iniisip niyo po na ako si Kyla, tama po kayo Tiya. Puwede po ba akong pumasok sa loob?’’ natulala naman ito sa aking ibinulalas na katotohanan ngayon sa kaniya. ‘‘Tiya Josephine puwede po ba akong pumasok sa bahay niyo mabigat po kasi itong dala ko,’’ pag-ulit ko sa kaniya at buti naman bumalik na ito sa realidad mula sa kaniyang malalim na pag-iisip.  Aligaga naman itong umalis sa daanan at binigyan ako ng espasyo para makapasok sa loob. See, nakikitaan ko na nang kakapalan ang mukha itong demonyo kong tiyahin. Noon, hindi man lang ako nito pinatuloy kahit malakas ang ulan  pero ngayon halos mahiya na ito sa aking ayos. Well, this is the best comeback ever! ‘‘Pa’no nangyari ‘yon iha? Akala ko p-patay ka na din? Kasi ang tagal na naming walang balita sa ‘yo,’’ pagsisimula nito sa aming usapan habang nakaupo sa luma nilang sofa. Ngumiti naman ako dito para ipakita na buhay na buhay pa ako. ‘‘Well, salamat kasi itinaboy niyo ako no’ng gabing ‘yon dahil kung hindi baka tuluyan nga akong namatay!’’ sarkastiko kong sagot sa kaniya at napayuko ito dahil sa kahihiyan. ‘‘Don’t worry Tiya okay na ako ngayon. Ngunit may kailangan lang akong singilin sa inyo,’’ pagbigay alam ko dito. Napa-angat naman ito nang mukha dahil sa aking sinabi. ‘‘A-ano n-naman ‘yon iha?’’ nauutal nitong tanong sa akin. Napangiti naman ako nang mala-demonyo na siyang nagpatakot pa lalo dito. Mukhang takot na takot talaga si tiya sa aking pagbabalik dahil kanina pa ito panay lunok ng laway. ‘‘Buhay niyo,’’ mahinahon at direktang sagot ko dito. Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa aking naging sagot sa kaniyang naging tanong. ‘‘B-buhay n-namin b-bakit naman?’’ Nangangatal nitong tanong muli sa akin. Ganiyan nga tiya matakot kayo dahil pagbabayaran niyo talaga ang ginawa niyo sa ‘kin noon.  ‘‘Bakit ba? Eh, gusto ko lang Tiya. ‘Wag kayong mag-alala dahil hindi pa naman ngayon at kahit umalis pa kayo dito, mahahanap ko parin kayo!  Remember anak-anakan na ako ngayon ng isang kilalang business woman dito sa Pinas at sa tulong niya maisasakatuparan ko lahat ng aking plano!’’ paliwanag ko habang palakad-lakad sa harap nito. ‘‘Buksan mo Tiya ‘yang dala kong keyk at pakibasa kung ano ang nakasulat ngayon din!’’ singhal ko dito.  Natakot naman ito sa aking pagsigaw kung kaya na lang aligaga nitong binuksan ang keyk kong dala. Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa kaniyang nabasa. They can’t escape from my arrow. Matatamaan at matatamaan talaga sila nito. Napangiti naman ako ng mala-demonyo dahil sa reaksiyon ng aking tiyahin ngayon. ‘‘Sabi ko basahin mo!’’ sigaw ko muli sabay kuha at tutok ng baril dito. ‘‘W-we will d-die soon?’’ mahina at puno ng takot nitong basa sa nakasulat sa  keyk kong dala. ‘‘Ano ginagawa mo sa asawa ko?!’’ sigaw ng isang tinig at kahit hindi ko na ito lingunin pa, alam kong si tiyo Lucas ito. ‘‘Oh! Ikaw pala ‘yan tiyo Lucas kumusta ka na?’’ bati ko dito na ngayo’y puno nang takot ang mga mata dahil sa nakatutok nabaril sa kaniyang asawa. Mukhang masaya ang aking pakikipaglaro sa kanila ngayon. ‘‘S-sino ka bang baliw ka huh?!’’ singhal muli nito sa ‘kin habang humarang sa harap ni tiya. How cute they are! Para silang mga takot na tuta ngayon. ‘‘Lucas s-siya s-si K-kyla,’’ pagbigay alam ni tiya dito. Nanlaki naman ang mga mata ni tiyo nang mapagtanto niyang boses ko nga ito. ‘‘K-kyla iha, maawa ka naman sa amin ng Tiya mo,’’ pagsusumamo sa ‘kin ni tiyo. Napahalakhak naman ako dahil sa kanyang tinuran. ‘‘Jessa? Nakikita mo ang takot sa mga mukha nila nakakatuwa diba?’’ pagsabi ko kay Jessa habang tumatawa parin. Nang lumingon ako muli sa direksiyon nila tiya, may bakas nang pagtataka sa kanilang mukha, dahil siguro sa aking naging kilos at ngatataka sino ang kinakausap ko ngayon dito. I know they’re now thinking that I’m a psycho and I don’t give a f**k about it! ‘‘Huwag kayong mag-alala Tiyo dahil hindi ko pa kayo ngayon sisingilin but let’s play first huh?’’Sabi ko habang papalapit sa kanila. ‘‘Lumuhod kayo bilisan niyo kung ayaw niyong mamatay ng maaga!’’ galit kong sigaw sa kanila sabay tutok muli ng dala kong baril. Agad naman silang sumunod sa aking sinabi. Pasalamat nga sila level one pa lang nang laro ang aking ginagawa sa kanila ‘cause the next level will be more tougher and so on. Tumawa naman ako nang malakas animo’y isang baliw kahit baliw naman talaga ako. ‘‘Ngayon sambahin niyo ako na parang Diyos at huwag kayong titigil hangga’t hindi ko sinasabi!’’ asik  ko muli sa kanila. Hindi naman sila nagdalawang isip na gawin ang aking gusto at agad nila itong ginawa. Tawa lang ako nang tawa dahil nagmumukha silang aso sa aking paningin. Sabi ko naman demonyo ang papasok sa kanilang bahay ngayon, kaya wala silang magagawa kun’di ang sundin ako. ‘‘You know what Jessa the feeling of being praised by this two is really good. You want to try?’’ I asked Jessa sabay tawa nang malakas. Nakita ko naman ang pagod sa mga mukha ng dalawang tao sa aking harapan, pero wala akong pakialam dahil natutuwa ako sa aking ginagawa ngayon sa kanila. ‘‘Stop!’’ pagpapahinto ko sa kanila. Kita ko naman ang pagod sa kanilang mukha and it’s so visible dahil sa kanilang habol na paghinga. I burst out again in laughter dahil sa aking nakikita ngayon ‘‘Thank you Tiya at Tiyo, I need to go sa susunod na lang ulit tayo maglaro,’’ pagsambit ko sa kanila. Napahinga naman sila nang malalim dahil siguro aalis na ako. ‘‘Let’s go Jessa ayoko na dito,’’ pagsabi ko kay Jessa sabay lakad palabas ng bahay ni tiya. This day should be included on the best day of mine. Simula pa lang ‘yon dahil madami pa akong surprises para sa mga taong sumira ng buhay ko. Lalong-lalo na ang Kristine na ‘yon siya ang pinakahuli kong target and ipapatikim ko sa kaniya ang batas ng isang api!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD