Chapter 2

2766 Words
Seffira’s POV   The following day, nagising naman ako dahil sa mahinang pagkatok sa labas ng aking pinto. It was one of our yaya knocking on the door at mukhang kailangan ko na talagang bumangon baka magalit na si mommy kakahintay sa akin. ‘‘I’ll be there just give me 20 minutes okay? Pasabi na lang kay Mommy,thank you!’’ sigaw ko habang nakatalukbong parin ng aking kumot. Hindi ko na naman muli pang narinig ang pagkatok, kaya tumayo na ako upang magsimula nang mag-ayos. ‘‘May lakad kaba ngayon Seff?’’ tanong sa akin ni Jessa. I just nodded at her dahil wala pa ako sa mood para makipag-usap sa kaniya.  Actually gusto kong puntahan ngayon ang dati naming bahay upang doon na lang magtirik ng kandila dahil wala akong kaalam-alam kong nasa’n ang mga bangkay ng aking mga magulang. With that thoughts of mine, bigla na lang akong nalungkot. Gusto ko mang humagulgol ngayon, hindi ko ginawa dahil kailangan ko nang mag-ayos. ‘‘Pupuntahan ko ang dati nating bahay,’’ pagbigay alam ko sa kaniya habang naglalagay ng toothpaste sa aking toothbrush.  ‘‘The question is, kaya mo bang balikan ang bahay natin?’’ she asked, confused. Napahinto naman ako sa aking ginagawa at napatitig sa aking reflection sa harap ng salamin. Isa-isang nagsipatakan ang aking mga luha dahil sa alaala nang nakaraan. Sobrang nangungulila na ako sa aking mga magulang. Ni hindi ko nga alam kong saan sila nilibing o kung nailibing ba talaga sila ng kung sino man. With that thoughts, mas lalo akong napaiyak dahil hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang aking sarili sa pagkamatay ng aking mga magulang. ‘‘Puwede ka namang hindi pumunta do’n eh, kapag hindi mo pa kaya Seff,’’ turan niya sa akin. Tumingin naman ako dito at ngumiti upang ipakita sa kaniya na kaya at okay lang ako sa gagawin ko. Kailangan kong maging matapang gaya nang sinasabi sa akin ni mommy everytime na nawawalan ako nang lakas na lumaban. ‘‘I need to do it Jessa. Kailangan kong harapin ang mga kahinaan ko Jessa dahil kailangan ko ding lumaban hindi para sa akin kun’di para sa mga mga magulang ko! Pagbabayaran niya ang lahat-lahat!’’ paliwanag  ko sa kaniya. ‘‘Honey? Sino kausap mo?’’ nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni mommy. Naglakad ito papalapit sa akin at inilibot ang paningin upang siguraduhin kong may kasama nga ba ako ngayon dito sa banyo. Kinabahan naman ako sa naging tanong nito sa akin. I’m speechless at hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil sa biglaan nitong pagdating. ‘‘A-ah Mom! ‘Di ba nga nagpunta ako kahapon sa bahay ni Kristine? Inulit ko lang po ang mga sinabi ko sa kaniya‘cause for me it’s iconic sapagkat nakitaan ko siya nang takot kahapon habang binibigkas ang mga katagang iyon,’’ pagsisinungaling ko kay mommy. Mukhang nakumbinsi naman siya sa aking naging sagot dahil tumango siya sa akin at agad na lumabas ng banyo. ‘‘Arg! Muntikan na ako don ah! Next time I’ll be locking the door so, no one could enter my personal space!’’ singhal ko at nagsimulang magsipilyo dahil naudlot ito nang dumating si mommy. Nang matapos akong magsipilyo agad akong bumaba dahil alam kong kakain na nang umagahan. Nang marating ko ang dining, nakita ko naman si mommy na may binabasa sa diyaryo. Tumigil lang ito sa pagbabasa ng mapansin niya ako at nang makaupo ako sa aking puwesto agad naman kaming nagsimulang kumain. ‘‘Mom? Can I have a favor please?’’ pagsimula ko sa usapan namin ni mommy ngayon dito sa hapag-kainan. ‘‘Of course Honey! What is it?’’ pagtanong naman nito sa akin habang naglalagay ng ulam sa kaniyang pinggan. Natuwa naman ako sa naging sagot ni mommy sa akin. Hindi naman kasi sa lahat nang pagkakataon humihingi ako dito nang pabor, kaya medyo nahihiya parin ako sa kaniya kahit siya na mismo nagsabi na ‘wag daw akong mahiya sa kaniya. ‘‘Gusto ko lang po sana na pa imbestigahan niyo ang nangyari sa mga magulang ko. Gusto ko po kasing malaman kong nailibing ba sila or cramate man lang,’’ malungkot kong turan sa kaniya dahil sa aking naging request sa kaniya.  ‘‘Honey don’t be sad. Huwag kang mag-alala tatawag ako ngayon sa isang private investigator para mabilis nating malaman ang kasagutan tungkol sa bangkay ng iyong mga magulang,’’ paliwanag naman sa akin ni mommy. Tumayo naman ako upang yakapin ito ‘cause she granted my request at dahil tapos na rin akong kumain. ‘‘Thank you mom! Dahil palagi kayong nandiya’n sa aking tabi upang umalalay at sumuporta,’’ pasalamat ko dito sabay halik sa kaniyang pisngi. Sa loob ng dalawang taon ng aming pagsasama nakilala ko ng lubusan itong si mommy Shaira at natutunan ko din siyang mahalin bilang isang pangalawang ina. ‘‘Hindi mo kailangan magpasalamat sa ‘kin Honey dahil ginusto ko ito at nakikita ko ang sarili ko sa’yo noon,’’ paliwanag nito sa akin. Tama kayo nang nababasa, kaya niya raw ako tinutulungan dahil nakikita niya ang kaniyang sarili sa akin at gaya niya dumaan din siya sa maraming pagsubok noon. Muli ko naman itong hinalikan at tuluyang nagpaalam sa kaniya dahil gusto kong pumunta ngayon sa dati naming bahay upang harapin nang buong lakas ang masasamang alaala ng aking nakaraan. I diretly headed back to my room upang makapagsimula nang mag-ayos. Nang makarating ako sa aking kuwarto, agad naman akong pumasok sa banyo at nagsimulang maligo at makalipas ang 30 minutes natapos naman akong maligo at nagsimula na ring magbihis. ‘‘Can you please shut your f*****g mouth Jessa!’’ singhal ko dito sa kaniya habang naglalakad patungo sa aking walk in closet sapagkat, panay sabi nitong ‘wag na lang daw akong tumuloy. It’s really pissing me off at ano tingin niya sa akin mahina? ‘‘Shut your mouth Jessa! Baka mapatay pa kita ngayon!’’ sarkastikong sagot dito at nagpatuloy naman ako sa pag-aayos ng aking sarili at hinayaan na lang si Jessa. Almost one and half hour of preparing natapos rin ako at agad ko namang tinawag si kuya Bert upang magpahatid sa kaniya sa luma naming bahay. “Kuya Bert? Nakabili po ba kayo nang pinapabili ko sa inyo?” pagtanong ko kay kuya habang papalapit ako sa kaniya.  “Oo iha, nakabili ako kanina,” nakangiting sagot naman nito sa akin.  Nagpasalamat naman ako dito at agad na sumakay sa van para marating namin agad ang aming bahay. “Sure ka na ba talaga iha?” pagbasag sa katahimikan ni kuya habang binabagtas namin ang daan patungo sa aming lumang bahay. Napabuntong hininga naman ako dahil, sa naging tanong nito sa 'kin dahil may parte sa akin na parang ayaw ko na lang tumuloy dahil baka hindi ko kayanin. “Opo kuya, kailangan ko na pong harapin ang lahat-lahat,” sagot ko dito. Napangiti naman si kuya sa aking naging sagot. Alam niyo bang mabait din itong si Kuya Bert, isa din ito sa mga naging kakampi ko noong wala akong makausap maliban kay mommy Shaira. He always talk to me every time na nakikita niya akong mag-isa sa mansion. Habang nakatingin ako sa labas, tila'y pabilis nang pabilis ang t***k ng aking puso habang papalapit kami sa dati naming lugar. I do exhale and inhale para mabawasan ang aking kabang nararamdaman. Ang hindi ko lang talaga maiwasan ay ang maging malungkot dahil hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na sila mama at papa. Hindi ko rin alam kong malas ba talaga akong anak kung kaya na lang sila nawala nang gano’n kabilis. “Welcome to Pahinga Norte,” pagsambit ko sa isang karatola na hanggang ngayon ay hindi parin napapalitan. Mas lalong kumabog ang aking puso nang mabasa ko iyon. Hindi ko alam parang gusto ko na lang bumalik at hindi na tumuloy ngayong araw. “Liko po kayo diyan Kuya sa kantong iyan at diritso lang po sa pinakadulo,” utos ko kay kuya Bert nang makita ko ang kanto papunta sa aming bahay. Tumango naman ito sa akin bilang tugon. Hanggang sa tuluyan naming narating ang luma naming bahay na ngayo’y puno na ng mga halaman. It’s already taken over by nature. Hindi ko alam, kusa na lang tumulo ang aking mga luha ng makita ko ang aming bahay na hindi mo na malaman kung puwede pa bang tirahan o hindi na at tuluyan na lang sirain. “Kaya mo 'yan iha! Ikaw pa malakas ka kaya! Sige na bumaba ka na. Siguradong matutuwa ang mga magulang mo na makita ka nilang bumalik dito ngayon,” nakangiting salaysay sa akin nitong si kuya Bert.  Tumango naman ako dito at kinuha ang isang bulaklak na nasa basket at dalawang kandila. Sa bawat paghakbang ko ng aking mga paa tila’y isa itong mabigat na bagay at parang pinipigilan ako nitong makalapit sa aming bahay. Habang ang aking mga luha nama’y masaganang pumapatak sa makinis kong mukha dahil sa mga alaalang hindi ko na maibabalik pa. Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa dalawang baitang hagdanan ng aming bahay upang doon ilagay ang bulaklak at magsindi ng kandila. Nanginginig ko namang inilagay ang bulaklak at hindi ko na talaga kinaya pa, bigla na lang akong napaluhod dahil sa panghihina. Napahagulgol na lang ako dahil sa lungkot at bigat na aking nararamdaman ngayon habang nakatingin sa luma naming bahay. “M-ma, P-pa pasensya na p-po kayo kung natagalan akong bumalik dito,” Humahagulgol kong pag-umpisa sa mga gusto kong sabihin ngayon para sa aking mga magulang. Sobrang sikip ng aking dibdib dahil sa pinaghalong sakit at pangungulilang nararamdaman ko ngayon. “Pasensiya na din po kung hindi ko kayo natulungan nung gabing 'yon. Pero, pinapangako ko po ngayon sa inyo na ipaghihiganti ko kayo! Sisingilin ko si Kristine sa mga ginawa niya sa atin! Kaya ngayon pa lang po Mama at Papa humihingi na ako nang tawad sa mga gagawin ko laban kay Kristine. Hindi ko din naman po masisisi ang aking sarili dahil nilamon na ako ng aking galit at lungkot,” mahabang salaysay ko habang nakatingin sa lumang pintuan ng aming bahay at nagbabakasakaling marinig ng aking mga magulang ang aking mga sinasabi. Siguro, kong hindi pa sila patay masaya siguro kami ngayon at dahan-dahan na naming itinatayo ang pangarap naming restaurant pero tila ang pangarap na ‘yon ay naging isang bangungot na sa akin ngayon. Gustuhin ko mang magwala ngayon dito pero hindi ko magawa. Gustong-gusto kong ilabas lahat ng galit at pangigigil ko ngayon dito pero hindi ko magawa! Hanggang kailan kaya ako magiging ganito? “Ma,Pa hindi ko po alam kong bakit ito nangyari sa atin. Pilit kong pong hinahanap ang dahilan at sagot pero, hindi ko talaga mahanap. Pero Mama at Papa 'wag po kayong mag-alala dahil may tumutulong ngayon sa 'kin. Isang napakabait na babae katulad niyo po Mama sobrang bait. Simula nung gabing iniwan niyo ako at nung itinaboy ako ni tiya, siya ang nagsilbing pamilya ko kahit hindi kami magkadugo,’’ mahabang salaysay ko sabay punas ng aking mga luha at hinga ng malalim. Tumayo naman ako upang sulyapan sa huling sandali ang aming bahay na noo'y puno nang masasayang alaala pero ngayon para na itong isang haunted house sobrang nakakatakot. “Paalam Mama at Papa. Gabayan nawa ninyo ako at lagi niyong tatandaan, mahal na mahal ko Kayo,” huling lintaya ko sabay talikod at lakad pabalik sa van. I wipe away all my tears, kailangan kong ipakita sa kanila na matapang ako. Nang makapasok ako sa van nakangiting tumango naman ito tanda nang paghanga sa ‘kin. Ngumiti ako dito pabalik upang ibatid sa kaniya na hindi na ako ang mahinang Kyla kundi ako na ang matapang na si Seffira. No one knows, kung ano ang mga plano ko. Wala akong sinabihan ni isa even mommy dahil alam kong pipigilan niya ako. Kikilos ako ng naayon sa aking plano at pagbabayarin ko lahat ang mga taong nagdulot sa ‘kin nang sakit at lungkot. ‘‘Kuya sa simbahan po tayo, gusto ko pong magpunta roon ngayon,’’ turan ko kay kuya na ngayo’y seryosong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. ‘‘Sige iha, hindi na kita sasamahan sa loob huh? Mag-aantay na lang ako dito sa labas,’’ sagot nito sa akin nang hindi ako tinatapunan nang tingin. Hindi na naman ako sumagot pa kay kuya at tumingin na lang sa labas ng van upang maaliw hangga’t hindi pa kami nakakarating ng simbahan. Napansin ko sa bawat nadadaanan namin na, marami nang nagbago simula nung umalis ako dito. I never thought in just two years mas magiging develop ang lugar na ‘to. Dahil sa ‘king iniisip hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng simbahan. ‘‘Salamat kuya, hintayin niyo na lang po ako rito,’’ sabi ko kay kuya. Nang mag thumbs-up ito agad naman akong tumalikod at naglakad papasok sa simbahan. Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa pinaka-unahan nitong simbahan upang doon umupo at taimtim na manalangin. Iilan lang din ngayon ang mga nandidito ‘cause it’s not Sunday today at saktong-sakto para makapagmuni-muni ako. Sa pangalawang pagkakataon, muli akong napaluha dahil sa lungkot. Tahimik akong umupo at hindi inalis ang tingin sa mahal nating Diyos. ‘‘Iha? Mukhang malalim ata ang pinaghuhugutan mo na iyong lungkot? Tama ba ako?’’ pagtanong sa akin ni Father na ngayo’y dahan-dahang umuupo sa aking tabi. Tumango naman ako bilang tugon sa kaniya. ‘‘Maari ko bang malaman iha kung ano iyang problema mo?’’ tanong muli ni Father sa ‘kin nang tuluyan siyang makaupo sa aking tabi. Siyempre, dahil alam kong pare itong kaharap ko, hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang aking problema. ‘‘Hindi ko lang po father matanggap na wala na ang aking mga magulang. Hanggang ngayon po kasi, nakadikit parin sa ‘kin ang alaalang ‘yon,’’ paliwanag ko sa kaniya sabay punas ng aking mga luha. Pinipigilan ko lang na hindi gumawa ng kahit anong tunog mula sa aking pag-iyak dahil ayaw kong magmukhang mahina masyado sa harap ng ibang tao. ‘‘Iha, ganito kasi ‘yan. Kapag nagkasugat ka ba nawawala ba ito kaagad?’’ Father asked.   ‘‘Hindi po father,’’ mahinahong kong tugon sa tanong nito sa ‘kin. Nakita ko naman ang pagngiti nito sa akin bago siya muling magsalita. ‘‘Gaya nang mga alaala iha, kailangan niya din ng oras para tuluyang maghilom. Nasasaiyo ‘yan kung ang sugat mo ay patuloy mong gagalawin, hindi talaga ito gagaling tama diba? Gano’n din  sa alaala iha, if you keep reminiscing that memory of yours it won’t heal and vanish. Ang nararapat mong gawin ay ang takpan ang mga alaalang iyon. Katulad ng sugat gamit ang band aid or iba pang kagamitan tinatakpan ito upang gumaling. Nawa’y tulungan ka ng Diyos iha, na tuluyang gumaling ang sugat diyan sa puso mo,’’ mahabang lintaya sa akin ni Father. Hindi ko alam parang gumaan ang aking pakiramdam nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Alam kong gagaling ako, hindi man ngayon baka sa susunod na mga araw at sana nga. ‘‘Ako pala Iha si Father Raul ang kuro paroko dito sa simbahan ng Candelaria,’’ pagpapakilala naman nito sa ‘kin. ‘‘Ikinagagalak ko po kayong makilala Father Raul. Ako nga po pala si Seffira, nagpapasalamat din po ako Father sa mga naging salita niyo sa akin, gumaan po ang aking pakiramdam,’’ I said while plastering my beautiful smile on him. ‘‘Oh siya, ikinagagalak ko ding makilala ka iha. I need to go iha, dahil may mga kailangan pa akong gawin. Nawa’y magkaroon ka ng mga realization matapos mong marinig ang payo ko. Kawaan ka nawa ng Diyos,’’ sabi nito sa akin sabay tayo. Nagpasalamat naman ako dito at tuluyang nga akong iniwan ni Father Raul. Bago ko tuluyang lisanin ang simbahan, agad akong lumuhod at nagdasal sa huling pagkakataon. Nagmadali naman akong lumabas dahil nakakahiya na kay kuya Bert at kanina pa ‘yon nag-aantay sa ‘kin. Kakamadali ko bigla na lang akong may nabunggong tao. ‘‘Oh, God sorry hindi ko sinasadya.’’ Yumuko ako at humingi ng paumanhin dito. Nang iiangat ko ang aking mukha, nagulat naman ako sa aking nakita. Isang guwapong nilalang, mukhang ngayon lang ako ulit nabighani sa isang lalaki matapos ang ilang taong pamumukmok. ‘‘N-no, I should be the one who’s apologizing hindi rin kasi ako nakatingin sa daan ‘cause I’m texting someone. I’m sorry miss,’’ paliwanag nito sa akin. Natuwa naman ako sa kaniyang tinuran. Guwapo na magalang pa at mukhang masaya itong kasama base sa aking nakikita. ‘‘Ano pala pangalan mo miss?’’ pagtanong nito sa akin. ‘‘A-ah, S-seffira ang pangalan ko,’’ nauutal kong sagot dito. Nakakainis, hindi ko alam kung bakit ako nauutal ngayon. Siguro dahil sa kaniyang presensiya kaya siguro ako nauutal ngayon magsalita. s ‘‘Ako si Tyron Garcia and I’m sorry again,’’ he said so I just smiled at him bilang pagtanggap ng kaniyang apology. ‘‘I really need to go Tyron, kanina pa ako inaantay ng driver ko salamat and sorry also,’’ paliwanag ko sa kaniya. Tumango lang naman ito sa akin at agad din naman akong umalis at nagsimulang tahakin ang daan palabas ng simbahan. I really don’t know, that guy really caught my attention at ngayon lang ako muli nagkaganito. Siguro naman, hindi lang ‘yon ang una naming pagkikita and I am hoping too na magkita kami muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD