Chapter 1

3687 Words
Seffira’s/Kyla’s POV    ( Best Western Premier Incheon Airport Hotel )   ‘‘Can you shut your f*****g mouth Jessa! You’re really annoying you know that?!’’ I shouted because Jessa keeps asking the same question and it’s really annoying. ‘‘Nagtatanong lang eh and why are you that mad huh?’’ pagtanong nitong imaginary twin ko sa akin. She’s really pissing me off ‘cause for the nth time she ask me that question. Ano ba raw ang ginagawa namin dito sa Korea, kahit alam na naman niya ang dahilan kung bakit talaga kami naririto ngayon. ‘‘For Pete’s sake Jessa! I’ve told you the truth, right? Then why are you keep asking the same question?! We’re here for my plastic surgery, okay? That’s the truth so, please stop!’’ I shouted, raising my hands on air angrily. Nakita ko naman siyang tumawa sa akin so, I just rolled my eyes because she’s really getting into my nerves at tama kayo nang nababasa, nandito kami ngayon sa Korea for my plastic surgery. Sa Me Cosmetic Clinic ako nagpasurgery through the help of mommy Shaira. Habang dinadama ko ang kakinisan ng aking mukha, tumingin naman ako sa gawi nitong si Jessa upang tanungin siya about sa bago kong mukha. ‘‘What do you think with my new face and skin Jessa?’’ pagtanong ko sa kaniya na ngayo’y nakatingin lang sa akin. Lumakad naman ito papalapit sa akin at dahan-dahang hinawakan ang aking makinis na mukha. Napangiti naman ako sa kaniyang ginagawa sa aking mukha at mukhang nagustuhan niya talaga ito. Well, thanks to mommy Shaira dahil sa kaniya kaya nanumbalik ang dati kong ganda at nadagdagan pa. ‘‘Ang ganda mo na ngayon at sigurado akong wala nang mandidiri sa’yo. Natutuwa ako para sa’yo Seffira,’’ pagsabi nito sa akin at nagtungo naman ako sa  sink nitong rest room ng hotel na aming tinutuluyan upang ipagpatuloy ang naudlot kong gawain. Nagpatuloy naman ako sa pag-aayos ng aking mukha dahil ngayon na rin ang araw ng flight namin pabalik sa Pilipinas. Habang ako’y nag-aayos nakarinig naman ako ng katok sa labas ng pinto kaya agad ko itong binuksan. ‘‘Are you talking with someone?’’ pagtanong sa akin ni mommy nang mabuksan ko ang pinto nitong rest room. Ngumiti naman ako dito bago siya sagutin at para maniwala siya na wala akong kausap kahit na mayro’n naman talaga. She doesn’t even know that, I’m talking with myself. ‘‘No Mom! Don’t worry, I’m just doing some soliloquy here. You know, getting ready for my comeback in Philippines since, it’s been two years already na hindi ako nakakauwi doon,’’ mahinahon kong sagot dito para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako sa kaniya. Umikot naman ako para humarap muli sa salamin upang ipagtuloy ang naudlot kong pag-aayos sa aking mukha. ‘‘Kaya, kailangan kong gumawa ng speech para sa mga taong iniwan ko do’n para naman, matuwa sila kahit papa’no diba Mom?’’ habol ko pa sa nauna kong sinabi sa kaniya. Napawi naman ang aking kabang nararamdaman ng makita ko itong ngumiti sa akin at akala ko mapapansin niya talaga na nagsisinungaling ako sa kaniya. Well, hindi niya ako masisisi dahil siya mismo nagturo nito sa akin ng mga ganitong uri ng bagay. She’s the one who taught me to become a dangerous woman at ito nga ginagawa ko na ang mga tinuro niya sa akin dito sa Korea sa loob ng dalawang taon. ‘‘Ganiyan nga anak and that’s the spirit! By the way are you ready?’’ pagtukoy nito sa aming pag-uwi ngayon sa Pilipinas. Hinarap ko ito muli para hindi ako magmukhang bastos sa kaniya at huminga  nang malalim bago sagutin ang kaniyang tanong. ‘‘O-o naman po Mommy! I want to see them again and ipapatikim ko sa kanila ang batas ng isang api!’’ galit kong turan habang ipinapakita kay mommy ang nakakatakot kong tingin na siyang dahilan para mapangiti ito sa akin. ‘‘Beside, I am now fully equipped because of you,’’ habol ko pa dito. Napangiti naman si mommy sa aking sinabi sa kaniya at tama kayo nang nababasa dahil halos isang taon din akong naghirap dahil sa mga pinagawa niya sa akin and it’s all worth it naman. ‘‘Good, suit yourself by 10 minutes darating na ang ating driver,’’ pagbigay alam nito sa akin sabay lakad palabas ng banyo. Well, kahit nakakairita minsan ang gano’ng kilos ni mommy hinayaan ko na lang ito dahil nasanay na rin naman ako. Sinara ko naman ang pinto at muling humarap sa malaking salamin para tapusin na ang aking ginagawa. Napatingin naman ako sa gawi ni Jessa na may kakaibang tingin na pinupukol sa akin ngayon. ‘‘What’s with that look Jessa?’’ pagtanong ko sa kaniya sabay lagay ng lipstick sa aking mga labi.  Ang pinakahuling ilalagay ko sa aking  mukha at tapos na rin ako sa pag-aayos. ‘‘Natakot lang ako, akala ko kasi sasabihin mo kay Mommy na you’re talking with me,’’ she said with fear on her tone. Napatawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi sa akin at ano raw? Sasabihin ko kay mommy ang aking kabaliwan? Baka hindi ko magagawa ang aking mga plano kapag nagkataon na gano’n nga ang ginawa ko diba? ‘‘Why would I? Huwag kang mag-alala dahil hindi ko ‘yon gagawin no! You’re crazy!’’ asik ko dito sabay tawa nang malakas, animo’y isang demonyo. Nakita ko naman ang nanlilisik na mga mata nito sa akin dahil sa tawa ko ngayon dito sa loob ng banyo. ‘‘You’re crazy! A b***h psycho!’’ sigaw nito sa akin at hindi ko naman itinatanggi na isa akong psycho dahil iyon naman talaga ang totoo. Tumawa ako muli nang malakas dahil alam kong ako nalang ang nandidito ngayon sa kuwarto ko kaya I can do all things freely. ‘‘I am and let’s go b***h! Mommy just texted, nasa baba na raw ang sasakyan natin,’’ untag ko dito at diritsong lumabas ng banyo. Kinuha ko naman ang isang maliit at mamahaling purse na binigay sa akin ni mommy last year at diritso nang bumaba dahil ako na lang ata ang hinihintay nila. Nakasunod naman itong si Jessa sa akin at hindi ko na siya pinaki-alaman pa dahil ayaw kong ipakita sa ibang tao ang pagiging baliw ko dahil baka maudlot lahat ng plano kong paghihiganti sa mga taong sumira ng buhay ko, kapag malaman nila may gano’ng uri na ako ng sakit. Makalipas ang ilang minuto narating ko naman ang ground floor nitong hotel at agad na sumakay sa aming van. Tama kayo nang nababasa pagmamay-ari namin or should I say pagmamay-ari ni mommy Shaira. Well, isa lang naman si mommy sa mga kilalang business woman sa Pilipinas kaya hindi na ako magtataka na may sarili itong mga ari-arian. Tahimik lang naman ang aming naging biyahe dahil wala ni isa sa amin ang gustong magsimula ng usapan hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa  Incheon International Airport. ‘‘This is it Seffira! Babalik ka na sa lugar na puno ng mga masasamang alaala,’’ pagsisimula sa usapan ni mommy habang naglalakad kami patungo sa eroplanong sasakyan namin. ‘‘Yes Mom! Kailan man hindi na ako magpapatalo pa sa lungkot instead gagawin ko siyang lakas para lumaban sa mga taong umapi sa akin at lalo na sa taong pumatay sa aking mga magulang,’’ puno ng sakit at pangungulila kong sagot kay mommy dahil sa mga masasakit na alaala sa aking nakaraan. Pinipigilan ko naman ang aking mga luha dahil anytime papatak na ito. Hindi na naman nagsalita pa muli si mommy at gano’n din ako hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa eroplano. Nang makalapit ako sa aking upuan, I covered my eyes para makapagpahinga dahil tatlong oras pa bago kami makarating sa Pilipinas. After a couple of minutes of thinking random things, tuluyan naman akong nilamon ng dilim.   Nagising naman ako dahil sa mahinang pag-uga nitong eroplano na siyang dahilan kung bakit ko tinanggal ang piring sa aking mata. Kinabahan naman ako nang makita kong nasa Pilipinas na talaga kami base ngayon sa aking nakikita. I compose myself dahil ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako. I do exhale and inhale at pagkatapos huminga ng malalim bago tuluyang tumayo. ‘‘Let’s go! Ito na ang oras ng bagong buhay mo, my daughter,’’ turan sa akin ni mommy na ngayo’y nakangiti at ipinaparamdam sa akin na magiging maayos din ang lahat. I just nodded at her as my answer to her statement. Nagsimula naman kaming maglakad palabas ng eroplano hanggang sa tuluyan kong malanghap ang hangin ng Pilipinas. Nothing’s change polluted padin as usual dahil ‘yon naman talaga ang katotohanan diba sa bansa natin? ‘‘Mom? Have you told our maids to make some food?’’ tanong ko kay mommy habang nag-aayos ng aking make up sa loob ng van dahil ayaw kong stress akon makita ng mga tao sa bahay. ‘‘Of course honey! Your favorite ulam is present also,’’ my mom answered so I thank her for what she did. Natuwa naman ako dahil ipinaluto niya ang favorite kong ulam at mukhang madami ata akong makakain mamaya. Gabi na ayon sa aking nakikita habang tinatahak naming ang daan pauwi. Habang nakamasid sa labas ng van, hinayaan ko namang tumulo ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan dahil sa lubos na pangungulila. Hindi ko naman kasi makalimutan ang mga masasamang memories ng aking nakaraan dahil hindi ‘yon gano’n kadali. How can I, right? Isa iyon sa mga hindi ko makakalimutan and that Kristine she will suffer more than what she did on us two years ago. Makalipas ang tatlong oras nakarating naman kami sa malaking bahay namin sa isang exclusive subdivision dito sa Candelaria Quezon. Our mansion is completely modernize with great interior design. The combination of white and black color that makes our home so fascinating. If you’re asking kung may swimming pool kami, hindi ‘yon mawawala para sa mga taong mayayaman tulad ni mommy Shaira. ‘‘Welcome back to the Philippines señora Seffira!’’ sabay-sabay nilang bati sa ’kin. Tumingin naman ako kay mommy dahil hindi ko inaasahan na ganito pala ang set-up nang pag-uwi ko ngayon dito sa Pilipinas. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga tao dito sa mansion, katulad ngayon and I’m so happy for it. Sabagay, sila din naman ang unang tumanggap sa ’kin noon no’ng sunog pa ang aking mukha. Pero ngayon, kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pagkamangha sa bago kong mukha and to my surprise also, alam na pala nila na hindi na Kyla ang tawag sa akin kun’di Seffira na. Mukhang sinabihan na talaga sila ni mommy na huwag na ako tawagin sa dati kong pangalan. Huminga naman ako nang malalim bago sila batiin sabay labas ng mala-anghel kong ngiti. ‘‘Maraming salamat sa inyong lahat! Damang-dama ko parin ang pagtanggap niyo sa akin at namiss ko po kayong lahat,’’ paliwanag ko sa kanila. Isa-isa namang silang lumapit sa ‘kin habang nakangiti upang kunin ang mga dala kong gamit at hinayaan ko naman silang gawin ang lahat. Habang kami naman ni mommy ay agad na nagtungo sa kusina upang magsimula nang kumain. Pagkadating namin sa kusina nanlaki naman ang aking mata matapos makita ang mga pagkaing nakahain ngayon sa lamesa. May nakita akong shanghai kaya agad ko itong nilantakan matapos isawsaw sa suka. ‘‘So, what's your plan for tomorrow, Honey?’’ tanong ni mommy sa akin habang kumukuha ng pagkain. Uminom muna ako nang malamig na tubig upang malunok ang shanghai aking kinakain bago ko ito sagutin.  ‘‘Magpapakita ako kay Kristine Mom then, I’ll gonna visit tatay Ekay,’’ I honestly answered mommy's question. Naisip ko kasi kanina habang nasa daan kami pauwi na bisitahin si tatay Ekay at gusto ko ring surpresahin si Kristine para naman mas maging exciting ang pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Dahil sa aking mga naiisip na plano, nakaramdam naman ako nang excitement at hindi na ako makapaghintay pa na masampal ang babaeng 'yon at hindi lang ‘yon dahil ipapatikim ko sa kaniya ang lupit ni Seffira. ‘‘Kung 'yan ang gusto mo Honey, sige lang susuportahan lang kita,’’ tugon naman nito sa akin na siyang dahilan kung bakit nadagdagan ang aking excitement na nararamdaman ko ngayon. Pero wala talagang kaalam-alam 'tong si mommy sa tunay kong plano dahil hindi ko talaga iyon sinasabi sa kaniya dahil alam kong pipigilan ako nito. Kaya naisipan ko nalang na kumilos mag-isa at isa-isahin ang mga taong nagdulot sa akin nang labis na kalungkutan. Nakaramdam naman ako ng konting lungkot dahil naalala ko na naman ang mga masasayang mukha ng aking mga magulang na ngayo’y wala na talaga at hindi ko na maibabalik pa ang lahat. Our conversation goes on as we continue eating palatable foods being prepared for my comeback and I really love all the foods. Almost one hour of eating ,tuluyan naman kaming natapos ni mommy at agad naman akong nagpaalam dito dahil gusto ko nang magpahinga para fresh at may sapat akong lakas bukas ng umaga. The next morning inihanda ko naman lahat ng gagamitin ko sa araw na ito at excited akong makita ang reaction ni Kristine once na makita niya ako. Tingnan ko rin mamaya kung makikilala niya ang dating Kyla sa ganitong ayos, dahil sa aking mga naiisip napahalakhak naman ako nang malakas.  Naisipan ko namang suotin ngayon ay 'yong sophisticated akong tingnan at the same time dangerous kaya ang napili kong style for today ay ang chic fashion style para magmukha talaga akong classy at katakot-takot sa paningin ng baliw na si Kristine.  ‘‘You look elegant on that style Seffira,’’ puri sa’kin ni Jessa nang makita niya ang aking kasuotan ngayon dito sa aming kuwarto at napangiti naman ako sa naging sagot niya sa aking tanong. Well, thanks to mommy Shaira for teaching me how to become sophisticated at sa mga luhong ibinibigay niya sa akin kahit 'di naman ako humihingi dito kaya ko nagagawa lahat ng gusto ko para sa aking sarili dahil sa kaniya. ‘‘ May tanong ako sa 'yo Jessa. Do I look dangerous with this style? What do you think?’’ I ask her habang paikot-ikot sa kaniyang harapan upang maipakita ang kabuuang detalye ng aking suot ‘‘Oo naman! Sobrang ganda nga eh!’’ masaya nitong turan sa akin. Huminto naman ako sa aking pag-ikot at hinarap siya sabay pakita ng aking mala-anghel na ngiti. ‘‘Thanks Jessa for everything. By the way I need to go,’’ paalam ko sa kaniya at sabay lakad palabas ng aking kuwarto.       Nang makababa ako, nakita ko naman si mommy na prenteng nakaupo sa sala habang may hawak-hawak na isang baso ng wine sa kanang kamay nito. Makikita mo ang likas na  pagiging sopistikada sa kung paano nito hawakan ang baso and I really like seeing her that way. ‘‘Mom, ‘gotta go,’’ pagkuha ko sa atensiyon ni mommy na ngayo’y nakatingin lang sa malayo.  Napalingon naman ito sa akin nang marinig niya ang aking boses at tanging tango lang ang naging sagot nito sa akin. Matapos makapagpaalam dito agad naman akong lumabas dahil alam kong kanina pa ako inaantay ni kuya Bert.  Tama nga ako, kanina pa akong hinihintay ni kuya Bert kaya humingi naman ako nang paumanhin dito. Hindi naman ako gano’n kasamang tao para hindi humingi nang tawad sa mga nagagawa kong kasalanan, pinalaki rin naman ako nang maayos ng aking mga magulang. Lahat ng kailangan ko naman ay nandito na sa van kaya wala nang problema. I order Kuya Bert naman na kay tatay Ekay muna kami magtungo para maibigay ko na itong mga basic necessity na sinadiya ko talagang ipabili para sa kanila. Tahimik lang naman ang naging biyahe dahil tanging kami lang ni Kuya Bert ang nasa sasakyan ngayon. Makalipas ang ilang minuto narating naman namin ang may kalamuang bahay ni tatay Ekay. Nakaramdam naman ako ng awa nang makita ko ang lumang bahay ng matanda. ‘‘Kuya Bert, if they ask you kung sino ang nagpabigay nitong mga pinamili ko, sabihin niyo lang po na galing sa isang nagbabalik na tao,’’ paliwanag ko kay Kuya Bert. Tumango lang naman ito sa akin at nagsimulang kunin ang mga groceries na nasa harapan nitong van.   Pinagmasdan ko lang si Kuya habang dala-dala ang mga binili ko para kay tatay Ekay. Makikita mo rin sa mukha ng matanda ang saya nang makita ang mga pinamili ko para sa kanila. Ngayon pa lang ako makakabawi kay tatay kaya sinagad ko na sa unang pagbibigay ko ng tulong sa kanila. Matapos maibigay lahat ni kuya Bert ang mga groceries, agad naman naming nilisan ang nasabing lugar at  nagtungo sa bahay ng walang hiya kong tiyahin. May sopresa lang naman ako para sa kanila at alam kong magugustuhan nila ito nang sobra. ‘‘Ikaw napo bahala dumiskarte kuya Bert kung paano kayo makakabalik kaagad sa sasakyan huh?’’ pagsabi ko kay kuya Bert. Binigyan lang naman ako nito ng isang ngiti at thumbs up hudyat na siya na ang bahala sa lahat. Sinundan ko naman ng tingin si Kuya Bert na ngayo’y naglalakad na patungo sa bahay ng aking tiyahin hanggang sa marating nito ang pinto sabay katok at takbo nang mabilis pabalik sa sasakyan. ‘‘Ano ba nilagay mo don Seffira?’’ tanong ni Jessa sa akin. ‘‘Cockcroaches and snake,’’ I answered sabay tawa ng mala-demonyo dito sa loob ng van habang kami pa lang nandidito. Tumigil lang naman ako sa pagtawa nang makarating si Kuya Bert sa sasakyan at baka malaman nito na wala na ako sa tamang katinuan. Nagpasalamat naman ako kay kuya na ngayo’y nakatingin din sa bahay ng aking tiyahin. Hinintay pa namin ang pagbukas ng pinto ng magaling kung tiyahin. I burst out in laughter when I saw the reaction of tiya Josephine matapos niyang buksan ang nasabi kong regalo para sa kanila. See, iba talaga ako maghigante at paglalaruan ko talaga sila bago ipatikim ang tunay na kahulugan nang salitang paghihigante. ‘‘Let’s go Kuya sa bahay tayo ni Mrs. Eredeo,’’ pag-anyaya ko kay kuya at agad naman siyang tumalima. Hindi ko alam, kinakabahan ako ng konti dahil ngayon ko muli makikita ang pagmumukha ng babaeng yon. If she’s crazy then I’m crazier than her and let the battle begin between us. Let see who’s the last psycho standing. Dahil sa aking malalim na pag-iisip hindi ko namalayan narating na namin ang medyo may kalakihang bahay ni Eredeo pero mas malaki parin ang bahay namin. Sinamahan naman ako ng security guard papunta sa loob ng bahay nitong si Kristine. Nagpasalamat naman ako kay kuya dahil sa kaniyang paghatid sa akin. Tinawag naman ng isang maid si Kristine dahil nasa taas daw ito ngayon. Habang naghihintay, palinga-linga lang naman ako sa paligid nitong bahay nila at mukhang may taste rin itong baliw na si Kristine when it comes to interior design base sa aking nakikita ngayon. Narinig ko naman ang isang mga yabag na papalapit sa akin, kaya hinarap ko ito dahil alam kong si Eredeo na ito. ‘‘Sino sila at anong kailangan mo?’’ pagtanong nito sa akin habang naglalakad patungo sa aking puwesto. Ngumiti lang naman ako dito nang peke at hindi ko alam bigla na lang akong kinabahan ng makita ko siya. ‘‘Hindi mo ba ako nakilala Mrs.Eredeo?’’ pagtanong ko naman sa kaniya sabay inom ng juice na nasa aking harap. ‘‘Magtatanong ba ako kung kilala kita mag-isip ka nga Miss’’ irita nitong sagot sa akin. Natawa naman ako sa kaniyang naging reaction sa simpleng tanong ko sa kaniya. Mukhang magiging maganda ang unang pagkikita naming ngayon. Let’s get this on bitches. ‘‘Remember the daughter of Ben Delima? Iyong sinunog mo?!’’ pagbibigay diin ko sa salitang sinunog para malaman niya talaga kung sino ang tinutukoy ko. Nakita ko naman ang paglaki ng kaniyang mata dahil sa aking isiniwalat  na katotohanan ngayon. Natuwa naman ako dahil, nakikitaan ko siya ngayon ng takot at mukhang magiging masaya talaga ang larong gagawin namin. Lihim naman akong napahalakhak sa aking kaloob-looban dahil sa aking mga naiisip na plano laban sa baliw na ito.   ‘‘P-pano? D-diba patay ka na?’’ gulat nitong tanong sa akin. ‘‘Bakit ganiyan ang mukha mo?’’ habol pa nito sa nauna niyang tanong sa akin ng mapansin niya na iba na ang aking pagmumukha ngayon. Sabagay, hindi niya talaga malalaman dahil iniwan niya lang naman kami sa gabing ‘yon habang nakikipasapalaran sa apoy. ‘‘No need to explain everything Mrs. Kristine ang mahalaga buhay ako. Dapat nga maging masaya ka na buhay ako diba?’’ sarkastikong sagot sa kaniya.  Nakitaan ko naman ng takot ang kaniyang mga mata dahil sa aking pagbabalik bilang si Seffira. Ganiyan nga! Matakot ka Kristine dahil buhay mo rin ang kukunin ko at nagsisimula pa lang ako! Tumayo naman ako habang hawak-hawak ang baso ng juice. Habang si Kristine ay nakatingin lang sa akin at mukhang hindi pa rin nakakarecover sa mga binulalas kong katotohanan sa kaniya. Abay, nararapat lang sa kaniya na matakot ngayon dahil sooner or later mawawala na siya sa mundong ito. ‘‘Ops! Sorry pasmado ang kamay ko,’’ sarkastikong sabi ko, matapos ibuhos ang aking iniinom sa kaniya. Naging dahilan naman ‘yon para mabilis na bumalik siya sa realidad mula sa malalim na pag-iisip sabay hagod ng kaniyang basang damit.   ‘‘Oh God! What did you do to my mom?!’’ sigaw ng isang babae sa ‘kin habang papalapit sa kaniyang baliw na ina at mukhang siya ang anak ni Kristine. ‘‘How dare you?!’’ singhal nito sa akin. Akma itong lalapit sa akin, pero hindi ko na siya hinayaan pang makalapit at agad kong kinuha ang dala kong baril sabay tutok dito. ‘‘ Sige! Subukan mong lumapit! Isang kalabit ko lang nito patay ka!’’ sigaw ko sa anak ni Kristine habang mala-demonyong nakangisi dito. May konting kaba rin akong nararamdaman ngayon dahil ngayon lang ako ulit nakahawak ng baril matapos ang anim na buwan. Ngunit mas nangibabaw sa akin ang saya ng makita ko ang takot sa mga mata ni Kristine dahil sa aking mga ginawa ngayon sa kanila. ‘‘Itong tandaan mo Kristine! Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa pamilya ko! Mamamatay ka din!’’ puno ng galit at pait kong sigaw sa kaniya. Hinayaan ko namang pumatak ang aking mga luha dahil sa pangungulila sa aking mga magulang. ‘‘Subukan niyong sundan ako! Hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo!’’ pagbabanta ko sa kanila. Hindi naman sila gumawa ng kahit anong kilos at nanatili lang sa kanilang puwesto. Hindi na ako nagtagal pa , agad akong naglakad palabas dahil feel ko anytime babagsak na ang aking katawan dahil sa mga masasakit na ala-ala ng aking nakaraan.   ‘‘Nagsisimula pa lang ako kaya humanda ka Kristine ‘cause I will make your life a livin’ hell!’’ sambit ko sa kawalan at tuluyang nilisan ang kanilang bahay.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD