Seffira’s POV Nakarating naman kami sa hindi ko alam na lugar. Papasok na kami ngayon sa village ng mismong mental hospital. Medyo nakakatakot ang lugar na ito dahil puro kahoy ang makikita mo at ang layo ng agwat ng bawat bahay. ‘‘Mary Land Mental Hospital,’’ basa ko sa arkong nadaanan namin. ‘‘Mom, are you familiar with this place?’’ I asked Mommy. Tumungin naman si Mommy sa akin sabay hawak sa aking kamay. Hinaplos-haplos niya ito nang dahan-dahan upang pakalmahin ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. ‘‘Yes, Honey…pero ngayon lang ako nakapunta sa mental hospital na ito,’’ sagot niya sa akin. ‘‘Madam, nandito na po tayo,’’ sabi sa amin ni kuya Bert. Napatingin naman ako sa harap ng malaking establishimento. Makikita mo ang mga nurse na nag-aalaga sa mg

