Seffira’s POV Dalawang araw na ang lumipas, simula no’ng namatay si Mama. Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto na sinadya talaga para sa lalagyan ng abo ni Mama at nagpapasalamat ako kay Mommy Shaira. Nakatitig lang ako sa urn ni Mama, habang ang aking mga mata ay walang emosyon. Dahil nga sasabak ako sa fashion show, hindi ako masyado nagpaapekto. Walang nakakaalam sa mga kaibigan ko, kung hindi kami lang ni Mommy Shaira tungkol sa pagkamatay ng aking ina. Matapos ang ilang minutong pamamalagi ko sa loob, lumabas na ako upang makapagsimula nang mag-ayos para sa panibagong training ngayong araw. Nang makarating ako sa aking kuwarto, habang kumukuha ng mga damit na aking susuotin, bigla namang may kumatok sa pinto. ‘‘Come in,’’ sabi ko at iniluwa nito si kuya Bert. ‘‘Magan

