Chapter 41 Seffira’s POV Isang linggo na ang nakalilipas simula no’ng nagkita kami ng tunay kong ama. At ngayong araw gaganapin ang isang party kung saan ipapakilala ako ni Daddy upang surpresahin si Eren. Mamayang gabi pa gaganapin ang nasabing party at nandito lang ako ngayon sa loob ng aking kwarto at nagpapahinga lang. Mamayang hapon pa kasi darating ang mag-aayos sa akin, iyon ang sabi sa akin ni Clein. Habang nagmumuni-muni ako, bigla na lang may kumatok sa pinto kaya tumayo ako upang pagbuksan ito. Iniluwa naman nito si Clein na nakangiti nang bumungad ang kaniyang mukha sa akin. ‘‘I-ikaw pala ‘yan…how may I help you?’’ I asked him while plastering my beautiful smile. Pumasok naman siya sa loob at umupo sa upuan ng study table dito sa loob ng kuwarto kahit hindi naman t

