Chapter 40 Clein’s POV Kasalukuyan akong nandito ngayon sa loob ng aking opisina at naghihintay na lamang ng aking sasakyan patungo sa La Solaire Restaurant na pagmamay-ari ko rin. Syempre, isa itong kilalang restaurant sa buong Pilipinas at halos mga artista lang ang nakakakain dito. I mean, isama mo na rin iyong mga mayayaman na kayang bayaran ang mga dapat bayaran sa restaurant ko. Nasa malalim akong pag-iisip nang may biglang kumatok sa pinto. ‘‘Come in…’’ Iniluwa naman nito ang sekretarya ko. ‘‘Sir, your car is ready na po, nasa baba na raw,’’ pagbigay alam nito sa akin. Tumango naman ako at siya naman ay agad ding lumabas. At sa pangalawang pagkakataon, nag-ayos ako ng aking sarili bago tuluyang lumabas ng opisina. Habang nasa loob ako ng VIP elevator dito sa kompanya

