Luiz’s POV Kasalukuyan akong nagchi-check ng mga papeles, nang biglang tumawag sa telepono, agad ko naman itong kinuha at sinagot. ‘‘Good morning Sir, this is Karen, may gusto pong kumausap sa inyo ngayon na dalawang tao,’’ sabi nito sa akin. ‘‘Sino-sino sila, Iha’’ tanong ko naman. ‘‘Si Mr. Clein Mendez Sir at may kasama po itong isang lalaki, mukhang kaibigan niya Sir.’’ Bigla naman akong napatigil sa kaniyang sinabi. Mukhang nalaman na rin nila dahil tumawag ang isa kong tauhan na may humuli sa kanila at mukhang nandito itong si Clein upang kausapin ako tungkol sa aking anak. ‘‘Sige Iha, papuntahin mo sila rito mismo sa aking opisina,’’ sagot ko sa kaniya. ‘‘Right away Sir.’’ Matapos ang usapang iyon namin ni Karen, dali-dali naman akong naglipit ng mga kalat sa loob

