Chapter 37 Charle’s POV ‘‘Boss, magandang umaga, may nais lang kaming gustong sabihin sa inyo,’’ agad na sabi ng isa kong tauhan. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa aking bahay at kumakain ng umagahan. Tanging mag-isa na lang ako sa buhay dahil labing-anim na taong gulang pa lang ako ay iniwan na ako ng aking mga magulang. ‘‘Ano ang gusto niyong sabihin sa akin Tabor?’’ tanong ko sa kaniya at pagkatapos humigop ng mainit na kape. ‘‘Boss, dalawang araw na kasi naming napapansin na may umaaligid na tatlong tao sa bahay ni boss Clein, nababahala lang kami baka isa sa mga tauhan iyon ng ina ni boss Clein,’’ paliwanag niya sa akin. Bigla ko namang nailapag ang tasang hawak-hawak ko. Medyo kinabahan ako sa kaniyang sinabi, syempre as a concerned citizen kakabahan ka talaga para

