CHAPTER 25 Shaira’s POV Mag-isa ako ngayong kumakain ngayon dahil sobra pang maaga at tulog pa si Seffira. Kabado talaga ako kagabi no’ng nalaman niyang ako talaga ang tunay niyang ina. Akala ko lalayo siya sa akin matapos malaman ang lahat ng iyon, pero nagkamali ako dahil hiningan niya lang ako ng paliwanag. Sinabi ko naman sa kaniya ang lahat-lahat dahil ayaw ko siyang magduda sa akin. Ang ipinagtataka ko lang, kung pa’no nagkaroon ng gano’ng hotel si Mildred, kanino galing ang pera niya. Nagpatuloy naman ako sa pagkain, hanggang sa natapos ako. Pinatawag ko naman si Bert upang ihatid ako ngayon sa bahay ni Mildred. Alam ko kung sa’n siya nakatira dahil pina-imbestigahan ko siya kaagad kagabi. At nalaman ko na nasa kabilang village lang siya pagkatapos nitong village namin. ‘‘Sa’n

