Seffira’s POV Nang makita ko si Mama at matapos itong ipakilala, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa stage. Hindi ako nagkakamali si Mama iyon ang hindi ko lang kilala ay ang babaeng kasama niya na kaedaran ko rin. Nang malapit na ako sa sa harap ay bigla akong hinarang ng mga body guard na naka-suit pa. ‘‘Ano ba padaanin niyo ako!?’’ sigaw ko sa mga humaharang na body guard sa akin. Pero pilit pa rin nila akong hinaharangan kaya wala akong nagawa kung hindi ang tawagin si Mama. Napatingin naman ito sa gawi ko at ang ikinalungkot ko ay hindi man lang ako nito pinansin, I mean ngumiti siya sa akin ng mala-demonyo at pagkatapos no’n hindi na siya muli pang lumingon. ‘‘Let go of her!’’ ani ni Mommy. Binitawan naman ako ng mga body guard at dali-dali akong hinawakan ni Mommy at

