Seffira’s POV ‘‘Mom? Gonna excuse myself muna,’’ sabi ko kay Mommy na ngayo’y hindi pa rin tapos sa pagkain. ‘‘Yes, Honey mukhang may lakad ka today?’’ she answered while pouring some juice on her glass. ‘‘Yeah Mom, and I know for sure you’ll be shock later.’’ Tumayo ako at naglakad sa kaniya papalapit upang halikan siya sa pisngi. ‘‘Take care of yourself, okay?’’ Tumango lang ako at tuluyang lumabas ng dining area at agad na nagtungo sa sala. Kinuha ko naman ang aking cellphone upang tawagan si Shantal kung tapos na ba siya sa pag-aayos. Sa kanya kasi ako nagpasama sa salon ngayon para sa total make-over ko. Sa mamahaling salon niya kasi ako dadalhin ngayon, hindi ko naman alam kung sa’n iyon kaya nagpasama na ako sa kaniya. Nang nalaman kong maayos na siya agad na akong nagtungo

