Chapter 40 Wala ng tao sa mga tent ilang minuto ang nakalipas.Nagsimulang maglakad ang lahat palabas sa madilim na kakahuyan sa pangunguna ni Sean,siya ang detalyadong nakakaalam ng buong terrain. Lahat kami nakikinig sa bawat bilin ni Captain sa radyo.Madilim at napakalamig.Umaasa lamang sila ngayon sa sinag ng buwan.Nasa likuran nila Si Buff at Elena.Si Voddoo ang naiwan sa camp para magtanim ng mga bomba.Pasasabugin namin ang gitna ng gubat sa oras na maka angat ang aircraft mula sa lupa. Pinagmasdan namin silang naglalakad ni Big mula sa isang shooting range sa itaas ng burol. Si Captain at Zaire naman ay pumasok sa Aircraft at sinubukan ulit na paandarin iyon.Naghihintay sila ng tamang timing.Sa ngayon hindi kami puwedeng gumawa ng kahit anong ingay para hindi mapabilis ang pagtunt

