"Hindi na 'ko ibinalik ni Kingkong sa nanay ko. Wanted 'yan. Pinapulis 'yan kaya lang talagang nagtago kami nang matagal. Magsa-sampu na si Katrina at walo itong si Kate nu'ng narito na kami sa Maynila. Namatay ang nanay 'ko, hindi ko na nadalaw. Hindi na niya nakita itong mga apo n'ya. Nakamatayan ng nanay ko ang pagkawala ko, na masamang masama ang loob. 'Yung tatay ko, ewan ko... wala akong balita kung saan siya ngayon. Kaya talagang umasa ako ng husto kay Kingkong, siya ang tumayong tatay sa akin kasi batang isip nga ako. E, hindi naman ganu'n naging kamaalaga sa akin ang nanay ko; malayo ang loob niya sa akin. Pakiramdam ko nga pagkakamali ang tingin niya sa akin. Kaya nu'ng pumasok sa buhay ko 'yang si Kingkong... 'Di ba kinukwento niya kanina, 'dinala niya ko du'n sa may pahingahan niya sa eskwelahan namin; mabilis akong nagtiwala sa kanya kasi nga hindi naman niya ako ginawan ng masama nu'n. Kinausap talaga niya ko, kaya nakapaglabas ako ng mga hinanakit ko. Magte-trese pa lang ako nu'n... freshman. Catholic School 'yun, mga 'nardo' ang mga kaklase ko.", ibig sabihin ng nanay ni Kate na 'nardo' ay mga 'nerd'. Mga nakasalamin, mga anak ng Chinese.
"All girls 'yun! Mga madre teacher namin. Kahit papaano suportado naman ako nu'ng tatay ko. Nagkaroon kami ng sarili naming bahay diyan sa Caloocan noon--- bigay ng tatay ko sa nanay ko; maganda naging buhay namin. Tuloy tuloy ang sustento sa amin nu'ng tatay ko miski 'di namin nakakasama. Si mama marunong sa pera at ang alam ko nakabili 'yan ng lupa sa Nueva Ecija, 'dun s'ya pinanganak. Tapos du'n niya pinatira mga kapatid niya. Nagbabakasyon kami doon dati-- sa gitna 'yun ng bukid, tapos magkakatabi mga bahay ng mga tiya at tiyo --mga kapatid ni nanay. Mga pinsan ko andun.", habang nagluluto ay tuloy na nagkukwento.
"Ayun nga. 'Yung ugali kong umiihi sa likod ng gynasium, sa kampo na ko ni Kingkong pumupunta nu'n. Basta 'yun, nagpapa-- (sumenyas ng taktak sa lamesa ang mama ni Kate). Ganu'n. Nu'ng una pingger, pingger lang. Ta's kinakain ako n'yan! Gutom 'yan eh! Pero sa Pampanga nu'ng dinala niya ako du'n dapat isang araw lang uuwi na kami. Kaya lang du'n ako nakuha ni Kingkong. 'Dun n'ya ako nadevirginized. Malaki t**i ni Kingkong; anlaking tao kasi! Dumugo p'werta ko, nilagnat ako ng isang linggo. 'Di ako makatayo. Inalagaan ako ni Kingkong. Kaya lang 'di na niya ko binalik kasi baka daw hulihin siya ng pulis sabi ng nanay n'ya. Tatay n'ya ganu'n din ang sabi. Makukulong daw siya, baka ma-death penalty pa. Kasi nga menor ako, e. Takot din mga magulang n'ya miski nu'ng lumaki na mga anak namin ni Kingkong, kabilin bilinan nila 'wag talaga magpakita sa nanay ko. Ayun hanggang sa 'yan naging driver siya. Lahat ng papeles namin pinapeke na namin mga pangalan namin. Baka kasi ma-hit siya sa pagkuha ng driver's license.", nahinto nang pagkukwento ng mama ni Kate.
Nakabalik na uli si Kate, bumili kasi ulit siya ng egg pie. Inalok niya kami ng nanay niya kung gusto namin ng egg pie kaya bumili siya mula du'n sa sukli. Pala-alok si Kate, parang nanay niya basta bagay na mapagsasaluhan iaalok muna nila. Kaya nakaka-at home 'yung bahay nila, pakiramdam ko matagal ko na silang kasa-kasama 'dun sa bahay.
"Kain ka lang. Soft drinks?", alok pa din ni Kate.
"Okay na 'to. Nabusog na 'ko sa kanin. Tubig na lang ako."
"Ang sweet naman!", buyo ng mama ni Kate.
"Kailan ba kayo nagkakilala?", dugtong pa ng mama ni Kate.
"Halos isang buwan na rin po. Nagpunta silang magka-klase ng utol kong si Arcy sa bahay."
"Ah! Utol mo si Arcy?! Ah... Kuya ka pala niya. Akala ko kasi 'yun ang nanliligaw dito kay Kate. Laging may dalang gitara, tapos dito sila tumatambay; pagkatapos siguro ng 4th periodical nila hanggang magkuhanan ng card; Dito sila pumupwesto ng mga kaklase ng utol mo, nila Kate.", napalunok na lang din ako. Baka nga talagang pinopormahan ni Utol si Kate.
"Tinanong ko naman po utol ko kung nililigawan niya si Kate, hindi naman po sumasagot.", dapat mapalabas ko na wholesome ang unang pagkakakilala namin ni Kate.
"E, paano kayo naging malapit ni Kate?"
Ngumuya nguya muna 'ko ng egg pie at lumagok ng tubig, "Nag-stroll po kami dun sa may subdivision namin, angkas ko po siya. E, dun po naging close po kami nagka-kwentuhan po. Nagagandahan po talaga 'ko kay Kate. Kaya sabi ko sa kanya nu'n manliligaw po ako sa kanya. Pumayag naman po siya. Sabi n'ya, dalawin ko na lang po siya dito sa bahay.", saka ako tinapik ni Kate sa may balikat at ipinatong ang kamay. Tapos nangingiti na parang, "Ayos k'wento mo a!". Palagay ko naman good shot ako kay Kate nu'n.
"E, ikaw Kate gusto mo naman ba itong si Chris?"
"Oo naman, Ma!!! Kaya nga sabi ko 'di ba boyfriend ko na nga, e!!!", habang nanghihinain pa rin ng egg pie. Walang kagatol-gatol n'yang sabi, pero tumataas na boses.
"Nagtatanong lang! Susungitan pa 'ko! Teteng 'to, nakuuuuuu!!!", sabay nuestrang kukurutin sa singit si Kate.
"Maaa!!", halos patili naman ni Kate.
Nang maging abala na sila ng Mama ni Kate sa paghahanda ng pambentang ulam ay nagpahiwatig na akong aalis. Wala naman din akong naitutulong dahil ayaw nila akong pakilusin.
"Ah... ano po. Maga-alas tres na po kasi. Bibyahe pa po ako pauwing Bulacan. 'Pag inabot po kasi ako ng alas-kwatro, uwian na ng mga tao mahirap pong sumakay sa terminal."
"Kumain ka na muna, antayin mo 'tong menudo, maluluto na rin to. O kaya magbalot ka?", alok ng mama ni Kate.
"Hindi ka na babalik 'dun sa apartment?", si Kate.
"Magpapa-alam lang ako kay utol at kay Dadoy, iniwanan ko sila du'n, lalo si Dadoy; inaasahan ako nu'n na babalik!", paliwanag ko kay Kate.
"Sama 'ko!", pabulong ni Kate na may pagpilit.
"'Wag na. Kaya nga kita inuwi dito kasi kursunada ka rin ni Dadoy.", pabulong na mariin kong pagpigil sa gusto n'ya.
"Sige na! Tapos hatid mo uli ako dito.", habang binabalakang niya ako.
Napalinga linga ako, at parang naghahabulan ang aking mga mata habang nagiisip kung pagbibigyan ko si Kate, o dapat matutunan ko na din talaga siyang mahindian. 'Yun ang gusto kong gawin kaya sisikapin kong makuha ang atensyon ng mama niya at mapunta sa panig ko; na 'wag payagan si Kate na umalis pa ng bahay.
"Gagabihin tayo Kate. Delikado sa daan. Baka makasalubong pa natin si Jeric. Alam mo naman masama loob nu'n sa akin.", itinaas kong bahagya na boses ko para talaga marinig ng nanay niya.
"Sinong Jeric? 'Yan ba 'yung tropa ng utol mo, na gangster gangster? 'Yan yung laging promotor ng inuman e! Tuwing pupunta dito, laging may nakalatag na alak. Buti na lang itong si Kate hindi umiinom. Kaya lang 'di ko gusto 'yung impluwensya ng batang 'yun! Kaya 'yung huling punta nu'n dito, nadatnan ni Kingkong; pinauwi n'ya mag-isa!", napipikang nasabi ng nanay ni Kate.
"'Yun din po sabi ko dito kay Kate, na iwasan po 'yun. Mukha po kasing may balak na masama kay Kate. Kanina kasa-kasama na naman nila Kate d'yan sa tinutuluyan nila Mama. Nagi-inuman sila du'n buti dumating kami ng tropa ko.", sa inis ko na rin sa inaasal ni Kate ay nailaglag ko siya.
"'Te, akala ko ba nag-enroll ka? 'Yun ang paalam mo kapag umaalis ka, a?"
"Ano ba yan! Laglagan? Sige na... umalis ka na lang!", tsaka siya lumabas sa likod ng tindahan at narinig kong yumayabag ang mga paa niya paakyat ng k'warto.
"Ayan ang problema ko sa batang 'yan. Tumitigas ang ulo habang tumatagal. Tsk tsk!!", naidabog ng mama ni Kate ng bahagya ang hawak na kawali sa may lababo at napailing-iling at buntong hininga.
"Hayaan mo kaausapin namin 'yan ng Papa niya mamaya. Bukas okay na kayo n'yan. Kasi kung ganyan siya ng ganyan, ipapadala ko talaga 'yan sa Nueva Ecija; sa mga lola niya. Doon hindi siya makakaarte ng ganyan."
Nu'ng umasal ng ganu'n si Kate ay unti unting nabuo sa isip ko, na hindi ko rin naman pinlanong maging kami. Puro kasinungalingan lang naman ang mga pinagsasasabi ko sa kanyang mga magulang tungkol sa amin; para panatilihin siyang mabuting bata sa paningin nila. Pero kung ultimo ang mga magulang niya ay hindi siya marendahan, ay ano pa ako? Nagiliw ako sa napakagandang relasyon nitong pamilyang ito, kaya lang parang isang bombang may sinding mitsa itong si Kate. Hindi namin alam kung kailan niya kami gugulatin, at lubhang masasaktan.
....
"Na'ndito ka pala! Kagabi pa kita hinahanap akala ko na kina Auntie Lilia ka nagpunta! Galing ako du'n hindi ka naman pala umuwi doon!", may kalakasang boses ni Auntie nang pagbuksan namin ni Jennifer ang malakas na kumakatok sa gate. Pero hindi naman siya galit na galit. Narinig namin agad 'yun pero nagkumahog kaming magbihis ng aming mga saplot. Du'n kami sa likod dumaan sa ideya na rin ni Jennifer para hindi kami magmukhang kahina-hinala.
"Nagpasama sa akin itong si Jennifer, kasi hindi bumalik ang Papa niya. Wala siyang kasama; nagi-isa lang siya.", napansin ko si Robert ang kasama ni Auntie at siya sigurado ang nakapagturo sa amin kaya ako natunton.
"O, sige na. Mabuti at wala naman palang masamang nangyari sa iyo. Sa susunod magpaalam ka, a. Sana dumaan ka muna sa bahay, tsaka ka dumiretso dito.", dugtong pa ni Auntie, na nagiging okay na rin naman ang lahat. Nu'ng nag-German na silang dalawa ni Jennifer ay 'di na ako sumabat pa.
"Nag-almusal na kayong dalawa? Doon kayo sa bahay at magusap usap nga tayo.", 'yun na yung narinig ko na naiintindihan kong sinabi ni Auntie kay Jennifer.
"I-lock lang namin itong bahay at susunod na lang kami, Auntie.", ang naiintindihan ko lang na sabi ni Jennifer.
....
Habang naglalakad ako ay bigla kong naaalaala ang sa amin ni Jennifer. Kapag nagi-spacing out ako o kaya nasa kawalan; lagi akong bumabalik sa mundong 'yun kung kailan huli akong naging masaya. 'Yung halos buong isang taon kong pagtigil sa pag-aaral ay inilaan kong oras para alalahanin at gayun ding limutin siya. Siguro isa itong uri ng undiagnosed depression. Nakatali ako sa nakaraan, pero sinisikap bumawi; pero nagsusuot ako ng maskara; para maitago ko lang ang lungkot na nadarama. Naligalig lang siguro ni Kate ang pagiisa ko kaya nakawala ako ng bahagya sa mundong 'yon.
Ano na'ng gagawin ko ngayon, at nagkasamaan naman kami ng loob ni Kate?