Episode 19

1276 Words
Natinag na lang ako sa pagkaka-autopilot ko nang may pamilyar akong naramdaman sa kaliwang siko ko. May dumamping malambot, makinis at malamig na balat dito. May sumabog na amoy Cream Silk na buhok, at mas matamis pa na cologne na tinalo ang akin; na binendita kanina sa amin ni Lacson. "Uy, Chris!" "Huuuuy!!! Chris." "Ah??", delayed reaction ko pa nga at ayun nga si Jennifer. Noon ko din napansin na napakaingay ng klase namin. Para pa nga akong nababangag. "Anong nangyayari sa 'yo?", nakatingin siya sa akin na parang walang nangyari. "W-wala... Busog lang ako tsaka inaantok." "Bakit, anong ginawa mo? Tsaka bakit wala ka kanina?" "Na-late ako e, nasaraduhan ako ng gate." "Hindi ka naman nale-late, a?" Hindi ako sumagot. "Tara umalis na tayo!", tumayo si Jennifer at padalos dalos iyon. "Half day lang daw, at may conference ang mga teacher.", dugtong pa niya. Parang naka-autopilot pa rin ako pero ayun tumayo rin ako at sumabay pa rin sa kanya; at babangag-bangag pa rin. Hindi lang dahil sa dala ng alak pero talagang may pakiramdam ako na gusto kong matulog at managinip; tapos paggising ko panaginip lang ang lahat ng nangyari sa loob ng magda-dalawang taon. Siguro masakit na karanasan ito na pilit at sinusubukang burahin na ng alaala ko. Hindi malubos ng isip ko, bakit parang hindi apektado si Jennifer ng mga huling pangyayari sa amin. Sabay naman kaming naglalakad pero parang wala siya du'n. Nakikita ko ang laksa ng mga estudyanteng pare-pareho ang bilis ng lakad patungo sa gate upang lumabas, pero para akong walang naririnig. Umugong pa ang tenga ko. Masakit ang nararamdaman ko pero sinusubukang burahin ng isip at puso ko na may nangyaring ganito; at may nakilala ako sa buong buhay ko na isang Jennifer. "Sumakay ka! 'Dun ka sa loob!", si Jennifer. Nasa loob na kami ng tricycle at nasa pinakaloob ako. Hindi kamukha noong unang sakay namin na naka-usli ako ng pagkakaupo at nasa bungad pa ng entrada. Ngayon ako ay nakasandal pareho niya. Inipit na lang niya sa kanyang hita ang hanggang tuhod na palda niya para hindi tangayin ng pasalubong na hangin. Saka siya bumunot ng suklay sa kanyang bag at nagsususuklay. Gusto ko siyang lingunin pero nahihiya akong tingnan siya ng diretso sa mukha. "Ba't di ka namamansin?" Para akong pakipot na babae na ayaw umimik. Ewan ko parang naiinis ako kay Jennifer at 'di ko lang alam. Dahil ba sa nangyari sa amin? O dahil natuklasan kong magkadugo kami? E, bakit siya... parang hindi apektado?" Hanggang sa makarating uli kami sa bahay nila. Ngayon, siya naman ang unang bumaba sa tricycle at ako naman ang kasunod; at siya ang nagtulak ng gate. Hindi madilim ang paligid. Walang nakasunod na tricycle. Nakapasok kami ng bahay, at nakakapanibago dahil hindi siya kumilos para maglinis at magligpit gaya nu'ng una naming magkasama sa bahay nila. Uupo sana ako sa may sofa, pero inilayo ko agad ang tingin ko mula doon. Sa may dining table kaya? Si Jennifer pumasok sa kwarto niya. Kaya, ako kahit wala siyang sinasabi ay binuksan ko ang pinto sa kusina at lumabas mula doon at umupo sa labas. Pinili kong upuan yung inuupuan niya. Lumabas siya ng naka-floral na maiksing shorts, at powder blue na manipis na t-shirt. 'Di ko siya matignan, halos 'yung shorts niya at t-shirt niya lang ang rumehistro sa mata ko at pilit siyang iniiwasan. "Chris ano bang nangyayari sa 'yo?", pagkaupo niya. "Alam mo naman, 'di ba? 'Yung nangyari nu'ng Sabado. Kinausap tayo ni Auntie." "Anong tungkol ba doon ang iniisip mo?" "'Yung--- mag-pinsan tayo." "E, ano nga kung mag-pinsan tayo?", 'di ko na-gets ang tanong niya. O, mali lang talaga ako ng pag-amin? "Hindi ka ba nandidiri sa ginawa natin?, tanong ko. "Hindi.", mabilis niyang sagot. "At wala rin akong pinagsisisihan.", dugtong pa niya. Du'n na ako napatingin sa kanya. "Ano naman kung magpinsan tayo at may nangyari sa atin? Sige nga isipin mo." "E, ibig sabihin nu'n hindi p'wedeng maging tayo?", ako naman ang sumabat ng mabilis. "'Yun lang naman e. So, ibig sabihin wala tayong naging kasalanan dahil pareho nating hindi alam!", parang nasoplak ako du'n. Off-guarded ako. "Chris, hindi p'wedeng maging tayo dahil mag-pinsan tayo. Nandun'n na tayo. Ang akin lang sana, 'di ba... 'Wag mo na lang isipin 'yun. Ayaw kong makaramdam ng guilt sa nagawa natin. Kaya sana ikaw din." Hindi ako nakasagot. At syempre nanahimik. Immature pa talaga ako. Namamangha ako sa lakas ng loob ni Jennifer sa mga oras na ito. "Infatuated ka sa akin, Chris. Alam mo ba 'yun? Ako rin infatuated sa iyo. 'Yun yung sabi ni Auntie. Normal 'yun sa babae at lalake; na magkagustuhan. 'Yun ang sabi niya. Makakalimutan din naman daw natin lahat ng nangyaring ito. Ang pinakamadaling paraan ay yung tanggapin natin na 'di talaga magiging tayo. Bata pa naman tayo, e." Napabuntong hininga na lang ako na nakadarama na rin ng konting luwag sa puso at isip. "Pagpasenyahan mo na lang ako. Masyado akong immature.", wika ko. "Isipin mo na lang muna hindi mo 'ko pinsan. Alam mo ba, na sa America p'wedeng magkatuluyan ang second cousins? Dito sa Pilipinas bawal... kahit 3rd or 4th yata... hanggang 5th pa ata." Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa mga ibinubulalas niyang mga ganung impormasyon. Kaya mas naguguluhan pa ako. Ano bang instensyon niya at kailangan niyang sabihin ang mga bagay na iyon? "May dati akong best friend na former classmate ko sa PSU. Nu'ng Linggo nagpunta ako sa kanila at ayun nagusap kami. Pinagusapan namin 'yung nangyari sa ating dalawa. Na-shock siya. Kaya lang narinig kami ng mama niya. Pero sabi ng mama niya 'wag daw tayong masyadong ma-guilty, o mandiri sa ginawa natin kasi hindi naman por ke magkadugo tayo ay imoral na tayo; na tayo na ang pinakamasamang tao sa mundo." "Aaminin ko, Fer... Talagang nagkagusto ako ng sobra nu'ng may nangyari sa atin. Pakiramdam ko kilalang kilala na kita. 'Yun talaga. S'yempre... ayun nga, gusto kitang maging girlfriend." "Infatuated ka lang talaga sa akin. Nagustuhan mo 'yung nangyari sa atin. Kasi nga... aaminin ko masarap. 'Di ako nandidiri sa sarili ko, dahil ginusto ko, e. Tsaka, alam mo naman 'di ba, na muntik na akong makuha ng ex ko? Hindi ko na naging 'nightmare' yung karanasan kong 'yun simula nu'ng may mangyari sa akin." "Pero---", "Wait lang ako muna.", pinutol niya ako gusto ko sanang sabing 'Pero kasi ako mahal na kita.' "Hindi ko tinuturing na kasalan o pagkakamali 'yung ginawa natin. Kaya, Chris... sana ganu'n ka rin! Kung mahal mo ako, palayain mo ang sarili mo mula sa pangyayari sa ating dalawa. Wala kang obligasyong panindigan ako, dahil lang du'n." Unti unti rin naman ay tinatanggap na ng loob ko ang mga sinasabi ni Jennifer sa akin. Ang hirap ko lang kumibo sa kanya kasi mas maalam siyang tao kaysa sa akin. Samantalang ako ay nagsisimula pa lang mamalakaya sa buhay dito sa sansinukob. Mas emotionally stable siya, at syempre babae, kayang umiyak at mukhang madali siyang naka-recover dahil dun. Ako nga parang gusto ko ng tumalon mula sa bubong ng jeep kaninang umaga. Gusto ko rin hamunin ng suntukan 'yung malaking mama na bantay sa gate. Kaya lang kapos akong isakatuparan iyon dahil sa mahina ko pang loob-- wala akong lakas ng loob. "Magpaka-lalake ka, Chris. Ang Chris na minahal ko ay 'yung bumara kay Cons para tigilan ako. At 'yung bumura ng masamang karanasan ko sa ex. Wala akong pinsan na Chris ang pangalan." Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko 'yun. Napailing iling at gumigil sa pagkakakagat ng labi; at nangisi. Handa na akong iwaksi ang lahat. "Ano, Fer... Burahin na natin lahat ng ito? Isa pa?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD