"B-O-R-E-D!" Naiinis kong sabi kay Utt nang kamustahin niya ako pag-uwi niya mula sa bukid. Buong araw kasi akong nakahiga sa kama at pinagbabawalan ng mga helper na nakabantay sa akin buong araw, upang tumayo at maglakad. Halos masungitan ko na nga sa irita ang mga ito pero hindi ko din naman sila masisisi. Si Don Emilio at Utt daw kasi ang nagbilin na huwag akong payagan na magkikilos, at kapag nalaman daw ni Don Emilio na sinuway nila ang utos nito ay tiyak na mawawalan sila ng trabaho. Alam ko naman na hindi iyon gagawin ni Don Emilio dahil salungat ito sa pagkatao ng matanda na mapagbigay at maawain sa kapwa. Pero alam ko din na dahil sa loyalty ng mga ito kay Don Emilio ay siguradong hindi nito gugustuhin na sumuway sa utos ng matanda. "Bakit ka naman mabobored dit

