I looked at the time and it was already 4:00 AM. Halos hindi ako nakakumpleto ng tulog kakahintay kay Utt. This was the first time that he stayed this late. Nag-aalala na ako kay Utt! Nasaan na kaya siya? Naiwan pa naman niya ang kanyang phone dito sa kuwarto. Napabuntong hininga ako. Sa kagustuhan kong makatulong sa iba ay kami naman ang hindi nagkakaintindihan ni Utt ngayon. Ayoko naman talaga na magkatampuhan kami ng asawa ko. Gusto ko parati kaming masaya. Pero napapansin ko na nang magsimula na akong magbuntis at panay na ang sama ng aking pakiramdam ay nagiging maramdamin na ako at panay na rin ang pagiging sobrang emosyonal ko. Dagdagan pa na parati akong feeling frustrated na hindi ko kasama si Utt, tapos gusto ko siya parating makita. Kaya naman hindi ako mapalagay ngayon. I

