XYRAH'S POV
“Xyrah aalis kami ngayon ni Mara, may pupuntahan kami kaya mag linis ka ng bahay, baka kapag umuwi ako dito madaming kalat malalagot ka saakin” sabe saakin ni Mama, habang nag susuklay siya ng kanyang buhok.
“ San po punta niyo Mama ni ate? Isama niyo na lang po ako, hindi naman marami ang kalat kasi nag linis palang ako kanina.” sagot ko kay mama, kase kapag hindi ako isinama nila ma boboryo lang ako dito sa bahay.
“Pwede ba Xyrah wag ka ng maraming tanong, pag sinabe kung dito kalang at mag lilinis sundin mo ipinagsasabi ko.” Naiiritang sabe sa akin ni Mama.
Bakit ba kapag umalis sila palagi si ate lang yung kasama tas ako palaging iniiwan lang dito.
“ Oo na po Mama susundin ko na po yung utos niyo, at dito na lang po ako sa bahay.” I said.
I don't know kung na halata yun ni Mama na pilit lang yung pag kakasabi ko, but I don't really care, mahalata man niya o hindi kase wala na naman siyang paki alam saakin.
******
Habang nag lilinis ako sa kwarto nila Mama't Papa ay may naka agaw sa'kin ng pansin na isang bagay na nasa ilalim ng higaan nila, kaya nilapitan ko ito at tinignan, sa pag bukas ko sa isang notepad na yun ay nakaramdam ako ng kaba ewan ko kung bakit pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Ano bang meron sa notepad na to at kinakabahan ako, kaya dahil sa kuryosedad ko ay binuklat ko ito sa isang pahina ay may naka sulat na mga pangalan, ang wierd naman nitong notepad na to.
Sa pahina na yun ay nakita ko ang pangalan ni Mama at Papa, "MARY ROSE AND XAVIER siguro matagal na tong naka sulat dito kasi parang ma pupunit na yung papel na sinulatan ng mga pangalan nilang dalawa. At sa pag lipat ko ulit ng pahina ay nakita ko naman ang pangalan ni ate XIAMARA na may kasamang picture niya nung baby pa siya at naka lagay sa baba kung kailan siya ipina-nganak, grabe naman itong si Mama may pa ganyan ganyan pa siya, pero siya sa pag lipat ko itong pahina alam ko naman na ako ang nasa susunod na dahil baka itong notepad na Ito ay para talaga sa aming mag papamilya.
At ayon na nga sa pag lipat ng pahina ko ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Anong ibig sabihin nito? Bakit ganito ang naka sulat sa pangalan na ito? At sino itong baby na ito, alam ko sa sarili ko na hindi ako ito dahil nakita ko na yung picture ko nung Bata pa ako. Sino itong taong to? Sino si Xyrah Rose? Kapatid ko ba siya? Kambal? Pero kung kambal ko siya bakit hindi kami mag ka mukha? Bakit iisang picture lang ito at bakit wala dito yung picture nung baby pa ako? At Isa pa bakit kaparehas ko siya ng Birthday? Gulong-gulo na ako, bakit may ganito silang picture ng bata at lalong bakit muntik na kami mag ka parehas ng pangalan XYRAH LEZELLE TO XYRAH ROSE, WTF.
******
Hanggang sa natapos ako sa pag lilinis, maraming katanongan ang nabubuo sa isipan ko. Sino ang baby na iyon? Bakit hindi ko man lang nakita ang aking pangalan at picture sa notepad ni mama, may tinatago ba sa'kin ang pamilya ko? Yun ang kailangan kung alamin.
Pumunta ako sa kwarto ko at hinanap ko ang picture ko nung bata pa ako, sigurado akong ako ito dahil naka lagay dito ang pangalan ko at kung kailan ako ipina-nganak at mas lalong sigurado ako dahil ibinigay ito sa'kin ni Lola bago siya mamatay kasunod ng pag kamatay ng lola din ni Roshel. At may iba pang mga picture nung bagong anak ata ako nito na katabi ko si Mama habang natutulog, at meron din sulat na ibinigay sa'kin sila lola at Lola ni Roshel bago sila mamatay, pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang laman ng sulat na yun dahil ang sabi nila sa'kin bubuksan ko lang itong sulat na ito kapag naging 18 na ako at malapit na iyon mangyare.
Hindi ko na malayan na unti-unti na pala akong nakakatulog, siguro dahil sa pagod ako at maraming iniisip, siguro bukas ko nalang iisipin ang dapat irisipin, and it's already 10 in the evening kaya inaantok na ako kakahintay kila Mama baka dipa yun umuwi. Makakapasok naman yun sila ng bahay kapag nadumating na sila, aalis nalang kase ayaw pang isama ako.
Quarter 2 am ng magising ako dahil sa ingay na narinig ko sa labas ng kwarto ko siguro sila Mama na yun bat kaya na umagahan sila ng uwi saan kaya sila galing?
Bumangon ako sa pag kaka higa at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sila Mama at Papa na paakyat na ng kwarto nila siguro matutulog na sila kung bat naman kase late umuwi.
“ Ma, Pa bat ngayon lang po kayo?” tanong ko kila Mama at Papa nung malapit na sila sa kwarto nila.
“ Ano bang paki- Alam mo Xyrah? Alam mo simula ng dumating ka sa pamilyang ito nag kanda letse-letse ng ang mga buhay namin ng dahil sayo.” lintanya ni Mama saakin.
Calm down Xyrah isipin mong Mama mo siya okay, lasing yang Mama mo kaya wag mo nang patulan, wag mo nalang intindihin yung sinabi niya sayo. Pangangaral ko sa sarili ko, ang sakit marinig sa sarili mong ina yung mga salitang binibitawan niya. So all this time ako lahat ang may kasalanan bakit nag kanda letse-letse yung buhay namin, ano bang nagawa kung mali at bakit ako ang sinisi nilang lahat sa mga nangyayare ngayon.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa'kin galit yung pamilya ko. Simula ng mawala ka Roshel naging ganito na sila Mama sa'kin ano bang ginawa ko at bakit ganito nalang sila magalit sa'kin. Sa lahat ng taon na palaging ginagawa nila sa'kin to wala pa rin akong makuha kuhang sagot mula sa pamilya ko.