XYRAH'S POV
“ Bat ganyan mukha mo Bruha ka, may nangyare ba sayo.” ang unang bungad agad saakin ni Sheina ng makapasok ako sa room. Ano ba meron sa mukha ko at kung maka tanong nanaman tong si Sheina wagas, nasaktan lang naman ako pero bakit parang nakikita niya sa mukha ko ang sakit.
“ Ha! Anong bang meron sa mukha ko, wala naman ah.” pag mamama-angan ko pa sa kanya. Inaatake nanaman to yata sa pagiging chismosa niya.
“ Don't me Xyrah, kilala na kita, so ano may nangyare ba? Ikaw Maricor anong ginawa mo kay Xyrah bakit ganyan mukha niyan ang lungkot tingnan.” mataray na tanong ni Sheina kay Maricor kahit kailan talaga itong si Sheina kapag wala si Ma'am si Maricor naman aawayin niya, ganyan na ba siya ka boring para mang away tsk.
“ Aba Malay ko wala akong ginagawa diyan baka ikaw.” sagot naman ni Maricor haytss kailan ba to matatapos sila grr.
Maka singit na nga baka mag sabunotan to mamaya. “ Hoy kayong dalawa mag sitigil nga kayo para kayong mga bata jusko, at ikaw naman Sheinang bruha pwede ba okay lang ako ganito lang mukha ko kase naiinis ako kay Kaiko like grr.” palusot kung sabi kay Sheina para matigil lang sila pero mali ata yung naging palusot ko kase iba na yung tingin niya saakin at alam kung hinde to papayag na hinde ako mag kwento sa kanya napaka chismosa talagang bruha.
“ Wag mo akong tignan ng ganyan Sheina alam ko na yang ganyang tingin mo, kahit kailan talaga chismosa ka tskk.”
“ Whatever basta may utang ka saakin na kwento HAHAHA.”
“ Oo na oo na, tsk.” lord bat kase ako nag karoon ng kaibigan na chismosa ang hirap naman ng ganito,bakit kase itong Sheina di nalang mag focus sa jowa niyang mahilig makipag break at come back.
******
“So ano na, kwento ka na saakin bruhang to” pangungulit sa akin ni Sheina ampp hanggang ngayon naalala niya pa yun kinalimutan ko na nga yun kase nakakahiya tas magpapa kwento pa siya saakin nako.
“ Ganito kase yun blablablablabla....” pag kwekwento ko sa kanya.
“ Eww buti naka hanap ka ng palusot dahil kung hinde nakakahiya ka pag nagkataon, pero di nga gusto mo talaga siya, ayiie.”
“ Alam mo Sheina manahimik ka nga, kaloka kapag ako na fall sa kaka ayyiie mo ipapakulam kita makikita mo.” jusko Ito na ba sinasabe ko bat kase nadulas ako sa pag kwekwento yan tuloy tinutukso na niya ako amp.
“Sus ang sabihin mo kinikilig ka lang, wag ako dhaii napag daanan ko na yan.”
“ Kung napagdaanan mo na, eh bat diko alam na dumaan ka? Para sakali nag kasabay nalang tayo papunta don.” pamimilosopo ko sa kanya HAHAHA epic talaga mukha nito kapag pinipilosopo HAHAHA lumalaki butas ng ilong niya.
“ Yan diyan ka magaling sa pamimilosopo mo sa'kin, sana di ka ma crushback ni Kaiko.”
“ Che panget mo talaga kabonding, diyan ka na nga ampp nito.”
“ Hoy bruha hintayin mo ako uuwi na din ako.” sigaw niya sa akin.
Bahala ka sa buhay mo, kapag talaga di ako na crushback ni Kaiko ipapakulam ko na talaga tong Sheina na to charr HAHAHA.
“ Bilisan mo diyan para kang pagong kung mag lakad, kapag ako na huli ng uwi sa bahay kukurutin ko yang singit mo.”
“Pssh kung ako sayo Xyrah mag papahuli nalang ako ng uwi kase kahit naman maaga kang umuwi papagalitan ka tapos madaming iuutos sayo yang pamilya mo kapag nahuli ka ng uwi yun parin naman ang mangyayare kaya ako sayo e relax mo muna yang sarili mo, kalimutan mo muna yang papagalin ka, kase di naman yun bago sayo.” mahabang lintanya ni Sheina saakin. Naiintindihan ko naman yung pinupunto niya pero hinde naman masama kung minsan wag kang maniniwala sa sasabihin ng iba sayo, di porket palagi kang pinapagalitan at inuutusan ng pamilya mo pwede mo na silang suwayin, sabe nga ng Lola ko dati wag kang magpapaniwala sa sasabihin ng ibang tao sayo dahil kapag naniwala ka talo ka, dahil iyang mga taong yan tinuturuan kalang nila ng mga bagay na walang paki nabang. Agree naman ako sa sinabe sa'akin ni lola agree rin naman ako sa sinabe sa'akin ni Sheina pero siguro hinde pa ito ang tamang panahon para pakinggan ko si Sheina ayaw kung dagdagan ang galit ng pamilya ko saakin, siguro ang magagawa ko nalang ngayon ay ang mag tiis sa lahat ng ginagawa nila sa'akin.
“ Sheina alam kung may kunting awa ka para sa'akin pero sorry ayaw ko lang na magalit pa sa'akin ang pamilya ko dahil sa sinusuway ko na sila, salamat nalang sa pag alala mo sa'akin, sige una na ako andiyan na sundo mo, bukas nalang ulit.” sabe ko sakanya at pag katapos iniwan siyang di pa nakakapag salita, alam ko naman na mag tatalo na naman kame kapag hinintay ko pa siyang mag salita, mabuting iwan ko na siya don.