CHAPTER 7

890 Words
XYRAH'S POV Kaloka talaga tong si Sheina hanggang ngayon galit na galit parin siya kay Maricor, ilang araw na si Maricor dito sa paaralan namin pero hanggang ngayon mainit parin dugo ni Sheina sa kanya, ewan ko bat to inis na inis kay Maricor eyy mabait naman si Maricor. Gaya nalang ngayon kame ang mag kasama ni Maricor kase si Sheina andon sa Jowa niyang ewan ko ba kung sineseryoso siya. “ Xy grabe talaga pag kakainis saakin ng kaibigan mo noh HAHAHA, hanggang ngayon ayaw na ayaw niya parin saakin.” lintanya ni Maricor saakin, hay wala akong magagawa diyan kase kapag gusto talaga ni Sheina na makipag kaibigan sa isang tao, siya una ang lalapit sayo para maging close kayo, kaya tiis-tiis ka nalang Maricor. “ Pabayaan mo na Mars, nag iinarte lang yan HAHAHA, pero wag Kang mag alala magiging mag kaibigan din kayo niyan eyy abnormal yan.” natatawa kung sagot kay Maricor. “ Nga pala Xy, diba si Kaiko yan yung bagong transferre din.” pag tuturo saakin ni Maricor papunta kay Kaiko, din ayon si Kaiko nga may nilalandi nanamang iba amp bat naging crush ko to eyy malanding lalake naman to. “ Yeah, Pabayaan mo na Tara na wag na natin yan pag aksayahan ng oras malandi naman yan.” pag aaya ko kay Maricor, di naman masakit na makita yung crush mong may kalandian na ibang babae, mag momove on nalang ako, total di lang Naman siya Yung lalake sa mundo. “ Sus selos kalang, sabe nga ni Sheina may gusto ka daw kay Kaiko.” natatawang sabe saakin ni Maricor. Ampp ako mag seselos kapal ng mukha, like duhh sabe ko nga kanina di lang siya ang lalake dito sa mundo makakahanap pa ako ng mas gwapo pa sakanya, nasasaktan lang ako pero di ako nag seselos wala yan sa vocabulary ko. “ Hoy Maricor iba ang crush sa gusto noh, at Isa pa tumahimik ka nga dimo ba nakikita papalapit na si Kaiko sa atin kapag ikaw narinig niyan itatakwil kita tamo.” Jusko bat kase nag karoon ako ng mga kaibigan na ang daldal pati Tuloy ako naging madaldal na din. “ Psst Kaiko” pag tatawag ni Maricor kay Kaiko ampp wtf wag mong sabihin mag susumbong siya kay Kaiko na nag seselos ako, Oo na nag seselos talaga ako, pero ampp wag naman niya sana sabihin kay Kaiko nakakahiya. “Bakit?, May kailangan ka?” sagot ni Kaiko ko ng makalapit siya saamin. Bruha din palang tong Maricor ang panget ka bonding jusme. “ Actually ako wala pero si Xyrah may kailangan yatang sabihin sayo, right Xy?” sabay baling niya sakin wth ka talaga Maricor mas malala kapa ata kay Sheina jusko. Tinignan ko si Maricor ng masama ampp walanya ayoko na talaga sumama sayo Maricor next time, nakakatakot kang kasama. “ Hmm actually rin kaiko wala talaga akong kailangan sayo, ikaw ang may kailangan saakin kung di ako nag kakamali.” kabadong sabi ko kay Kaiko, mygadd nakaka kaba naman to. “Ha! Kailangan? Sa pag kakaalala ko wala naman akong kailangan sayo Miss Xyrah.” natatawang sagot niya saakin. Wth wala daw siyang kailangan sakin ey kanina nga narinig ko pa siyang binanggit ang pangalan ko, hinde sa chismosa ako pero narinig ko lang yung sinabe niya kanina kay Aeron na kailangan niya ako para mag karoon siya ng notes. “ Ah ganon ba, akala ko kase meron kang kailangan saakin kaya pinatawag kita kay Maricor, wala naman pala kaya tara na Mars. Sabay hawak ko sa kamay ni Maricor. At ibinaling ko uli ang paningin ko kay Kaiko, Sorry sa abala Kaiko sige una na kame.” “ Bruha ka talaga Mars, nakakahiya ka wth bat mo yun ginawa.” hinihingal kung sabi kay Maricor kaloka to. “ Duhh pasalamat ka nga kina usap kaniya, pero nakakatawa ka Xy bat mo pinahiya sa harapan yung sarili mo, anong klaseng sagot yun mygod di ako mag tataka kung ma tuturn off siya sayo.” Wala akong paki kung ma turn off siya sakin, like duhh siya na nga may kailangan sakin nag kunwari pa siyang walang alam duhh babaero na nga sinungaling pa. “ Hoy bruha ka totoo naman talaga yung sinabe ko na may kailangan siya saakin.” “ Kita mo na napahiya mo na nga yung sarili mo naging assuming kapa, tsk...tskk...” “ Duhh diko pinahiya yung sarili ko, may kailangan talaga yung babaerong yun saakin narinig ko siya kanina sa may cr sinabe niya kay Aeron na may kailangan siya saakin dahil hihiram siya ng notes.” pag tatanggol ko sa sarili ko, ampp kaseng Kaiko akala mo kung sino kung makapag pahiya sakin wagas. “ Weh? Baka joke lang yan, pero ang saklap naman Xy napapansin kalang kase may kailangan siya sayo, wag kang papayag sa ganon di porket may gusto ka sa kanya, mag papakatanga ka na.” Hanggang sa makapasok kami sa room yun parin ang laman ng isip ko "NAPAPANSIN LANG AKO NG TAONG GUSTO KO DAHIL SA MAY KAILANGAN SIYA SAAKIN". Pero ano ba magagawa ko palagi naman talaga ito ang nangyayare saakin, si Sheina kinaibigan niya lang ako kase ako ang taga gawa ng project niya pati activity, sa bahay ganon din trato saakin, siguro dapat masanay na ako na palaging mangyayare ito saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD