SHEINA'S POV
“Mare may chika ako sayo” ang unang bungad ko kay Xyrah. Ilang araw na yung nang yare saamin kaya bati nanaman kame ngayon, napaka chismosa ko talaga ampp.
“Eh! Ano nanaman, ikaw kahit kailan napaka chismosa ka talaga.”
Sabe ko nga napaka chismosa talaga ako, pero amp itong bibig talaga ni Xyrah din walang preno kung makapag salita di ba niya alam na ansakit yun sa heart ko.
“ Duh parang ikaw din naman hinde interesado sa ichichika ko sayo.”
“Tss eh ano ba yang chika mo sakin, dami mo pang sat-sat kase.”
“ Whatever, pero ito na nga sabe nila may bago daw tayong kaklase, kayahh sana lalake at sana gwapo.”
“ Oh pag katapos? Yun lang, tss eh nung isang araw nga may bago tayong transferre na lalake, tapos wala akong pake.” abat ang bruha bat high blood to ngayon may dalaw yata to. Kung makapag sungit saakin kala mo walang problema sa bahay nila.
“ Alam mo kahit kailan talaga napaka kj mo ehh, and if I know may crush ka lang kay Kaiko kaya ka ganyan sa kanya.”
“ Ngek ngek mo, manghuhula ka na nga lang mali-mali pa.” Defensive ang bruha ampp. Totoo naman talagang may crush siya halata ko nga, kung makatingin minsan kay kaiko kala niya may aagaw sa kanya.
“ Sus wag kana mag palusot, kase sa bawat bigkas ng bibig mo alam ko na namay gusto ka sa kanya, pero good luck sayo kung mapapansin ka niya HAHAHA.”
“ Di wow, epal ka talagang bruha ka nohh, kapag narinig ka niya kukutusan kita makikita mo.”
“ Shasha wag kana maraming satsat andito na si Ma'am Airport.” tukoy ko kay Ma'am Mostasa, kahit kailan talaga tong Xyrah na to epal at Isa pa tong si Ma'am Airport kala mo kung sino, pumapatol Naman sa bata.
“ Good Morning class, alam kung Alam na ninyo na may bago nanaman kayong classmate ngayon, lalo ka na Miss Reyes alam kung alam mo na kase laking chismosa ka.” aba ampp kung maka sabe saakin kala mo kung sinong hinde Airport.
“So, gusto ko na e welcome niyo siya ng maganda, at sana naman maging mabait kayo sakanya lalo kana Miss Reyes.”
“Teka nga Ma'am nakakarami kana, kung ayaw mong patulan kita tumahimik ka, kala mo kung sino ang tanda tanda mo na nga wala kapa sa tamang pag iisip tsk.” ampp nakakarami nato kapag ako napuno sa kanya babatuhin ko siya ng sapatos ko makikita niya.
“ hoy bruha ka bat dimo pinigilan yang inis mo kay Ma'am jusme ka kapag ikaw binagsak niyan good bye Philippines ka talaga.” paninirmon agad saakin ni Xyrah, tsk pake ko ba kung ibagsak niya ako.
“So dahil sa naputol yung sasabihin ko dahil may umepal, Miss Garcia pumasok ka na kase baka may umepal nanaman.”
Epal mo Mukha mo Ma'am, pero ano daw Miss so Babae? Hinde lalake yung transferre, mygad sana naman maganda yang bagong transferre dahil kung hinde lumipat nalang siya ng bagong section.
“ Hi Good Morning Classmate, Ako nga pala si Maricor Garcia, sana maging kaibigan ko kayo hehehe yun lang salamat.” Pag papakilala kuno ng transferre like duhh bat ang taba nito matangkad nga baboy naman. Ang sama ko noh? Like I care, diko siya trip.
“ Okay Miss Garcia you can set now beside Miss Reyes.” Like Wtf siya tatabi saakin no way, namumuro na tong Airport na to grrrr.
“ Hey Maricor dito ka na umupo tabi kayo ni Sheina, btw Xyrah pala.” wth pati ba naman ikaw Xyrah dito mo yan papaupuin.
“ No way Xyrah akin tong isang upuan mag hanap siya ng mauupuan total kasalanan naman niya kung bakit siya naubosan ng upuan, sino ba namang tanga ang lilipat ng school e second grading na kaya haller.” pag paparinig ko kay Miss Garcia, bat ba kase saakin pa to pinapatabi na umupo.
“ Miss Reyes, baka nakakalimutan mo iyang upuan na inuupuan mo at linalagyan ng bag mo ay hinde mo pag mamay-ari, nag aaral kalang dito pero hinde ka nag dodonate ng mga upuan kaya wala kang karapatan na ipag damot mo yan sa iba mong kaklase.” pabida-bidang sabat naman ng president naming bakla.
“ I know na wala akong karapatan na mag damot ng upuan pero pake mo bang bakla ka, at ikaw naman Miss Garcia umupo kana dito pero wag mong balakin na kausapin ako kase baka ma tapon pa kita palabas ng room na to.” Arghh bat kase ang init ng dugo ko dito sa transferre, kapag talaga may ginawa tong di ko na gustohan ako makakalaban niya.