SHEINA'S POV
Alam kung masakit yung mga binitawan na salita ni Xyrah at tagos yun saakin pero yun ang totoo, ginagamit ko lang siya para gawin ko siyang utusan ko. Hindi ko din masisisi minsan yung sarili ko dahil ginusto din niya naman lahat ng ipinapagawa ko sakanya.
Alam kung plastic akong kaibigan, na sina-samantala ko yung kahinaan niya, dahil kung hinde niya Kaya yung mga pinapagawa ko sa kanya matagal na niya akong iniwan. Alam kung tinitiis niya lang lahat ng binibitawan kung masasakit na salita sa kanya para hinde lang siya mawalan ng kaibigan, at siguro dapat sa unang utos ko palang sa kanya ay linayuan niya ako kung alam niya na ginagawa ko lang siyang utusan. Pero hinde niya ginawa dahil alam niya na kapag nilayuan niya ako mawawalan siya ng kaibigan na mapapag buhosan lahat ng masasakit na nangyayare sa buhay niya.
Naawa din naman ako kay Xyrah dahil sa sinapit niya sa pamilya niya. Pero wala eyy hinde ko alam pano mag pa katotoo kay Xyrah hinde ko alam kung pano ko siya maituturing na kaibigan kung sa una palang alam ko na din yung ginawa niya dati sa kaibigan niya. Alam ko na maling husgahan si Xyrah sa nangyare sa kaibigan niya dati, pero diko lang mapigilan isipin na nawala yung kaibigan niya dati ng dahil sa kanya, ayoko mangyare saakin ang nangyare kay Roshel. Kaya sana balang araw mapatawad mo ako Xyrah, alam kung mababaw lang itong dahilan ko, at kaya hinde Kita maituring na totoong kaibagan dahil sa natatakot ako sa pwedeng mangyare saakin.
******
XYRAH'S POV
“Sige Sheina una na ako sayo kita nalang tayo bukas, at sorry pala sa nabitawan kung salita kanina sana hinde mo ako layuan, handa akong gawin lahat ng pinag uutos mo sakin basta wag mo lang din akong iwan, ikaw lang yung kaibigan ko dito kaya sana pati ikaw hinde ka mawala saakin.” Sabe ko kay Sheina habang dahan dahan na tumulo yung luha ko. Simula kase ng sabihin ko yun sa kanya kanina hinde na niya ako pinapansin, natatakot ako na baka iwasan na niya ako.
“Geh wag mo nalang ako intindihin Xyrah, Don't worry I will never leave you. Good bye, and take care.”
Hay! Sana naman totoo yung sinabe niya saakin na di niya ako iiwanan, dahil kapag iwan niya rin ako hinde ko na alam kung kakayanin ko pa bang mabuhay.
Napapagod na ako mag pakatanga at mag pagamit sa kanila pero kapag nag reklamo ako baka mawalan ako ng kaibigan at yun ang ayaw kung mangyare.
Hay kailangan ko na mag madali baka pagalitan nanaman ako ni Mama kapag na late ako ng uwi sa bahay.
******
XIAMARA'S POV
“ Ma! Andito naba si Xyrah?” tanong ko kay Mama habang nag lalakad ako papunta sa gawi niya.
“ Wala pa ata Mara, mamaya talaga yun sakin, na huli nanaman siya ng uwi.”
“ For sure Ma lumandi nanaman yun”
“ Epekretang babae subukan niyang lumandi ng mapalayas ko siya sa pamamahay natin.” pagalit na sabe ni Mama saakin.
HAHAHA tingnan lang natin Xyrah mamamaya kung anong mangyare sayo HAHAHA. Matagal na akong na iirita sayo, kung bakit ba naman palagi nalang ako pinag kukumpara ng mga kaklase ko saiyo. Akala mo naman kung sinong mabait nasa loob naman yung kulo.
*****
XYRAH'S POV
“BAKIT NGAYON KALANG XYRAH?”sigaw ni Mama saakin pag ka pasok ko sa sala.
Alam kung papagalitan talaga niya ako kase late na talaga akong umuwi.Kung hinde sana ako kanina nakita ni Ma'am Tizon hinde sana ako nauutusan kaya ngayon napapagalitan tuloy ako nito. “ Ma kase ano inutusan pa ako kanina ni Ma'am Tizon kaya nalate ako ng uwi pasensya na po.”
“ INUTUSAN? ang sabihin mo lumandi ka pa kaya na huli ka sa pag-uwi.” sabat agad ni ate Xiamara ampp ipag diinan ba naman yung pag kakasabe ng "INUTUSAN" Mukha ba akong nag bibiro.
“Inutusan naman talaga ako ate ni Ma'am kahit tanongin mo pa siya bukas, at hinde rin ako nakipag landian kaya sana wag ka naman mag sabe ng ganyan saakin kase hinde ako malandi.”
“ Shut up Xyrah, wag kanang mag sinungaling, dahil alam ko naman na nasa loob yang baho mo.” sabat ni Mama sa sinabe ko ampp bat ba mahilig nila sumabat.
Nasa loob ko daw baho ko ampp may saltik na din yata yung Mama ko pano nasa loob ang baho ko, dapat nasa labas kase di niya yun malalaman na mabaho ako kung nasa loob. “ Ma, ano kase nasa labas po yung baho ko hinde nasa loob.” Sagot ko kay Mama totoo naman talaga diba yung sinagot ko, nako talaga nalate lang ako ng uwi na loko na Mama ko.
“Ako ba pinipilosopo mo Xyrah? Ha!” Galit na sabe ni Mama saakin.
“ Hinde naman po Kita ma pinipilosopo, nag sasabe lang ako ng totoo.” Sagot ko kay Mama habang nag dadasal na sana di ako tirisin ni mama, nakakatakot na Yung tingin niya saakin ampp.
“ HAHAHA, Ma tigilan mo na yan, ano ba magagawa mo diyan, ey umaandar nanaman kabobohan niyan HAHAHA.” tatawa-tawang sabe ni ate Xiamara kay Mama. Ampp na buang na din yata to si ate. Bahala na nga sila diyan, gutom na yung mga bulati ko, di nalang ako makikinig kapag nag rap ulit sila mamaya sakin.
Umalis ako sa harapan nila Mama baka mahawaan pa ako nila sa ka baliwan.
Pupunta na muna ako sa kwarto ko para makapag bihis tapos papakainin ko na tong mga bulati ko.
Sabe nga nila umaandar nanaman kabobohan ko, Alam ko na kung bat naging slow ako ngayong araw dahil galit na saakin yung mga bulati ko. Napaka weirdo ko talaga minsan.