XYRAH'S POV:
Kanina ko pa hinahanap sa'king mga mata sila Sheina at Maricor dahil simula ng hindi ko sila kinausap ay bigla na lang sila nawala sa paningin ko isama mo na din sila Kaiko at Vincent, pakiramdam ko magkasama silang apat ngayon pinag katiwalaan ko silang dalawa, itinuring kaibigan tapos ito lang ang isusukli nila saakin napaka mga walangya. Ginawa ko ang lahat para maging kaibigan ko si Sheina lahat ng ipinag uutos niya saakin sinusunod ko pero nung dumating si Maricor bigla na lang niya kinalimutan lahat ng ginawa ko sa kanya lahat ng paghihirap tiniis ko para lang may matawag ako na kaibigan pero ito lang! Ito lang ang igaganti niya saakin. Si Maricor wala din siyang utang na loob ako ang nandiyan nung kailangan niya ng kaibigan ako ang taga ligtas sa kanya kapag pinag sasalitaan siya ni Sheina ng masasakit na salita pero ito din lang ang igaganti niya sa akin wala siyang utang na loob.
Una palang alam niya na na may gusto ako kay Kaiko pero hindi niya pinigilan yung sarili niya na mahulog sa kanya, dapat sa umpisa pa lang inamin niya na din saakin yung nararamdaman niya para kay Kaiko para sa ganon hindi ako nasasaktan ng ganito.
Siguro nga ito na ang pag kakataon para iwasan ko na sila, ang tagal ko na nag titiis sa mga trato nila saakin kaya siguro oras na para kalimutan kung naging kaibigan ko sila.
*****
Kanina pa hindi dumadating ang huling guro namin para mag turo siguro hindi na yun papasok, at kanina pa din hindi bumabalik yung apat na yun siguro nag sasaya na sila ngayong apat dahil nasaktan na nila ako. Pero bakit si Sheina sumasama kila Vincent kung may jowa naman siya alam din ba nito ni Aizen? Okay lang sa kanya na sumasama yung girlfriend niya sa ibang lalake?
Tskk!! Pwede ba Xyrah wag mo na silang isipin pa hindi na sila importante sayo kaya please lang tama na kakaisip sa kanilang apat.
“Attention classmates pinapasabi ng assistant ni Sir Rafael na wala daw tayong klase ngayon kaya makaka uwi na tayo ng maaga.” rinig kung sabi ng President namin, kaya nang matapos siyang mag announced ay tumayo na ako at kinuha ang bag pagkatapos ay lumabas ng room salamat naman at makaka-uwi ako ng maaga ngayon siguro di ko na hihintayin yung dalawang yun total I hate them pa naman kaya bahala na muna sila.
Habang papalapit ako ng gate ay may narinig akong bulongan ng ibang studyante.
“Hoyy guyss anong chika ngayon? Rinig ko may bagong chismis daw ngayon, share niyo naman saakin.” rinig kung sabi ng isang grade 9 ata to kung di ako nag kakamali. Like what the fish anak ba to ni Tolets (Tol ano ang latest). Grabe sa daan pa talaga nila yan pinag uusapan.
“ Ay dimo ba alam sis si Kaiko yung gwapo na bagong lipat lang dito na grade 12 ay may nililigawan.” sagot naman ng kaibigan ng anak ni Tolets HAHAHA.
“Weh! Is this for real, ehh sino daw yung girl na liligawan niya?” balik tanong ni Tolets sa anak ni Marites.
Sorry naman di ko kasi sila kilala kaya yan na lang itatawag ko sa kanila.
“Oo dzaii sabi yan sa'kin kanina ni Ate Jane if I'm not mistaken si Maricor daw yung liligawan niya yung girl na bagong lipat lang dito yun na yun.”
Hanggang dito ba naman yan din usapan nila kinalimutan ko na yan kanina eh kung di ba din naman ako anak ni Marites ede sana hindi ako nasasaktan ngayon.
Nag lakad ako ng mabilis para maka alis sa kanila ayoko saktan pa ang sarili ko.
Siguro kaya sila nawala dahil niligawan na ni Kaiko si Maricor, wala na talaga akong pag asa sa kanya, ss sa kanila mga p*nyeta sila.
****
Nang makarating ako sa bahay ay pumasok agad ako, naabutan ko si Papa na nanunuod ng tv kaya lumapit ako sa kanya para mag lamano. Hoyy kahit may galit sila sa'kin nag lalamano parin naman ako may respeto pa rin naman ako sa pamilya ko.
“Pa, mano po.” hinawakan ko ang kamay ni Papa at saka nilagay sa noo ko at pag katapos ay naglakad na pero hindi pa nga ako nakakalayo ng tawagin niya ako kaya napahinto ako sa pag lalakad.
“Xyrah, anak pwede ba tayo mag-usap.” nangmarinig ko yun mula kay Papa ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko. I don't know kung bakit bigla na lang tumulo to pero sa pagkaka-alam ko lang tinawag niya akong anak. I didn't expected na tatawagin niya akong anak, sa apat na taon muli ko na naman narinig mula sa bibig ng aking ama ang salitang anak.