CHAPTER 19

1048 Words
Sa paglipat ng mata ko ay nakita ko naman yung mga ngiti sa labi ni Sheina. Wag niya din sabihin na may alam din siya dito. Dahil kung malaman kung may alam siya dito mag kalimutan na lang kami talaga. **** Hanggang sa natapos yung klase namin ay hindi ko na silang dalawa pinansin pa minsan sinusubukan mag tanong sa'kin si Maricor ngunit hindi ko siya sinasagot alam kung nahahalata na nila ang hindi ko pag papansin sa kanilang dalawa nasasaktan lang talaga ako dahil ang tagal na naming tatlo na mag kaibigan pero hindi man lang nila sa'kin sinabi kung sino yung gusto ni Kaiko. **** KAIKO'S POV: Kahit kailan talaga itong si Jane madaldal sinabing wag niya yun sasabihin ng malakas dahil baka kung ano pa isipin ni Xyrah pero ang loka hindi pa rin nakinig saakin, alam kung narinig ni Xyrah yun dahil sa lakas ba naman nitong bunganga ni Jane. Masisira pa ata yung plano kung manligaw kay Xyrah mamaya, ready na ang lahat at alam na din nila Sheina at Maricor ang gagawin ngunit sa nakikita ko ngayon parang hindi nila magagawa yung plano namin dahil simula ng matapos yung klase namin ay napapansin kung hindi niya pinapansin yung dalawang kaibigan niya. Sinenyasan ko si Vincent na lumapit sa'kin dahil kailangan namin mag isip ng bagong plano bago mahuli ang lahat. "Oh! Problema mo pre, bakit di ka mapakali diyan? Di ka pa nga nag uumpisang manligaw kay Xyrah parang natatae ka na ilabas mo muna yan baka mag kalat ka pa dito nakakahiya sa mga classmate natin." natatawang sabi sa'kin ng makalapit siya. Binatukan ko nga, diko na nga alam ano gagawin ko sa plano namin tas mag bibiro pa siya. "Ugok, dimo ba napapansin na yung Maricor mo kanina pa hindi pinapansin ni Xyrah, masisira pa ata yung plano natin." lintanya ko kay Vincent kaya bigla na lang din siya sumeryoso sa sinabi ko. "Malaking problema nga yan, bakit ba naman kasi hindi mo tinakpan yung bibig ni Jane alam mo namang malaki iyang bunganga niya, ayan tuloy ngayon napag kamalan tuloy niya na si Maricor yung gusto mo." "Hindi ko naman kasi alam na aabot sa ganito, sige na tol tulungan mo ako mag isip sa bagong plano natin." "Oo na! Oo na! Etetext ko lang si Maricor para makapag isip tayo ng bagong plano." Sabi niya sa'kin at kinuha niya yung cp niya para itext ata si Maricor. Kailan pa kaya to nag karoon ng number ni Maricor, mukhang mag kakalove life din ata tong kaibigan ko, gusto yata humabol sa'kin. "Tara sa canteen susunod na din yung dalawang yun sa'tin." sabi niya sa'kin bago niya kinuha yung bag niya kaya tumayo din ako sa pag kakaupo ko at sumunod sa kanya palabas ng room. MARICOR'S POV: Nalagutan na bakit kasi itong si Jane epal, ayan tuloy hindi kami pinapansin ngayon ni Sheina. Message... Message.... Message.... Don't get me wrong ayan talaga yung ringtone ko sa cellphone. Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bag at tinignan kung sino ba ang nag message sa'kin. Pag kabukas ko ng cellphone ay nakita ko na kay Vincent galing iyong text kaya binuksan ko ito atsaka binasa. 1 message from Vincent: Maricor kita tayo ngayon sa canteen may pag uusapan lang tayo nila Kaiko isama mo na din si Sheina.... Asap.. Kaya nang mabasa ko ang text ni Vincent ay saka ko naman kinalabit si Sheina, buti naman at tumingin agad siya sa'kin kaya ibinigay ko yung cellphone ko sa kanya. Pag katapos niyang mabasa yung text ay tumayo na siya sa kinakaupuan niya kaya napatayo na din ako ng wala sa oras sakto lang dahil tapos na yung klase namin kaya may free pa kami maka punta sa canteen wala pa naman yung last teacher namin na mag tuturo kaya okay lang. ***** Nang makarating kami sa canteen ay agad ko hinanap sila Kaiko kung saang silang sulok umupo bakit ba naman kasi hindi nalang sila umupo dito sa tapat ng pintuan. "Ayon sila sa may malapit sa bintana, let's go." sabi sa'kin ni Sheina ng makita niya sila Kaiko kaya sumunod na lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa tapat ng lamesa nila Kaiko ay bigla ko na lang silang tinanong dalawa. "Oh bat niyo kami pinapunta dito?" sabay hila ko sa upuan at umupo sa katapat ni Vincent syempre para makita ko na naman yung mukha niyang gwapo. " Pinapunta kayo ditong dalawa nitong si Kaiko dahil mag chachange plan daw tayo." "Bakit naman tayo mag chachange plan?" sabat ni Sheina. Oo nga naman bakit pa mag chachange plan kung ayos na yung plano namin. "Looked hindi kayo pinapansin ngayong dalawa ni Xyrah so paano niyo siya mapapasama kung hindi kayo ngayon bati diba?" wika ni Kaiko. Oo nga pala paano namin magagawa yung plano if hindi kami nga pinapansin ni Xyrah ngayon. "Ikaw kasi bakit mo hinayaan na sabihin yun ni Jane ayan tuloy nag selos yung tao, nadamay pa tuloy kaming dalawa ni Sheina." "Sorry, I didn't know na yun ang mangyayare kung alam ko lang ede sana pinigilan ko si Jane." "Oo na! Oo na! I get it na, pero teka nga paano nalaman ni Jane about sa panliligaw mo Kaiko? As far as I remember tayong apat lang ang may alam nito na mang liligaw ka kay Xyrah, an less kung nabanggit niyo itong dalawa sa kanya." "Oo nga noh, at kung may nabanggit kayong dalawa sa kanya eyy bakit itong si Maricor yung tinutukoy niya na liligawan mo at hindi si Xyrah." tanong din ni Sheina. "Hindi ko alam, wala akong nabanggit kay Jane tungkol dito." Sabi din ni Vincent saamin. "Ehh ikaw ba Kaiko nasabi mo ba to kay Jane?" tanong ni Sheina siya na lang kasi ang hindi nag sasalita. "Hindi ko din to sinabi sa kanya, pero mamaya na natin yan problemahin may kailangan pa tayong pag planohan kaya tigil muna natin iyang tungkol kay Jane. Nang maka gawa kami ng panibagong plano ay saka kami sabay sabay na bumalik sa room namin dahil alam naming nandoon na si sir. Pag karating namin sa Room ay bigla kaming nag titigang apat dahil wala na doon yung iba naming kaklase at mas lalong wala na din doon si Xyrah sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD