MARICOR'S POV
Kanina pa ako nag hihintay na dumating sila Xyrah at Sheina dahil first time lang nila ngayon na hindi maagang pumasok natapos na lang yung flag ceremony pero wala parin sila. Papasok ba yun o hindi kung bat ba naman kase hindi online si Xyrah ayan tuloy di niya ako ma replyan si Sheina naman hindi niya man lang ako kinoconfrim sa f*******: akala niya ata famous siya.
Hanggang sa dumating si Ma'am ay walang bakas na mukha nilang dalawa ang nakita ko sa room namin ano kaya ang nangyare at hindi sila pumasok ngayon, kung bat ba naman kase di ako in update din ni Xyrah kung anong meron ngayon at hindi sila pumasok ngayong araw.
Pero lagot na kung hindi pumasok ngayon si Xyrah paano na lang yung mga hinanda namin ni Sheina para sa panliligaw ni Kaiko sa kanya maba busted ata si Kaiko nito ng maaga. Sana naman kase humabol si Xyrah ngayong araw baka na late lang siya/sila.
Hindi ko namalayan na natapos na yung first subject namin sa pag tuturo tapos wala man lang may pumasok sa isip lahat ng mga tinuro niya ngayon kung bakit ba naman kase yung dalawang yun pinag-aalala ako.
****
XYRAH'S POV:
Nang matapos na kame sa pag palit ng damit ni Sheina ay sabay kaming lumabas sa CR at dumeritso sa room namin dahil tiyak namin na makakahabol pa kami sa second subject namin ngayon. Kung bakit ba naman kasi si PARDS madami ang katanungan ayan tuloy naging wanted pa kami nito ni Sheina ng wala sa oras buti na lang at may isip itong si Sheina na mag suot kami ng damit na manang para kung sakaling mag karoon ng problema hindi kami agad makikilala ng PARDS na yun.
Habang nag lalakad kami ni Sheina ay hindi namin maiwasan hindi yumuko kapag may tumitingin na guro saamin tiyak akong alam na nila yung nangyare sa gate kanina sumbongiro talaga yung Matandang yun akala mo naman kung sinong Guard hindi na nga siya makatakbo ng maayos kinuha pa niya yung trabahong mag bantay ng gate.
Don't get me wrong kung bat ako ganito kay PARDS kasi nung grade 9 pa lang ako noon bumili ako ng bolang pam Volleyball okay lang naman mag dala sa school namin ng kahit anong laruan basta wag ka lang mag dala ng mga matutulis na bagay, so ayon na nga dahil sa may bago akong bola noon naglaro kami sa may plaza dahil malawak naman yung plaza namin at habang nag lalaro kami nun ng Volleyball bigla na lang pumaginta si PARDS tanda sa plaza tas nung pumunta sa kanya yung bola ko pinulot niya saka dinala niya doon sa may guard house sa inis ko sa kanya dahil bago pa lang na bili ko nun, pinuntahan ko siya sa guard house tas sabi ko ibalik niya sa'kin yung bola ko kasi hindi namana niya yun binili at mas lalong hindi sa kanya yun tas alam niyo yung isinagot niya sa'kin bilhin mo sakin para maibalik sayo itong bola mo, kaya sinong hindi maiinis sa kanya akala niya kung sino siya kung umasta dinaig niya pa yung principal namin.
****
Nang makarating kami ni Sheina sa room ay saka kami biglang umupo at saktong pag upo namin aysaka naman ang pag dating ng teacher namin.
Buti nalang dumating agad itong si Ma'am dahil kung hindi paktay ako sa ratatat na mga katanongan ni Maricor may pag ka chismosa pa naman din siya.
Hanggang sa natapos ang klase namin ay tanong ng tanong saamin si Maricor kung ano daw ba ang nangyare at bakit hindi kami naka pasok sa unang klase namin. Umaandar talaga pagka chismosa niya ampp. Napag usapan kasi namin ni Sheina kanina na hindi muna namin sasabihin kay Maricor ang nangyare dahil nakakatawa kasi yung mukha niya na parang tanga HAHAHA ang babait talaga naming kaibigan nohh.
Inayos ko na yung bag ko para sa pag lipat ng room dahil pagkatapos ng recess namin ay lilipat kame sa room ni Ma'am Maglalag medyo tamad kase yung guro namin yun na pumunta dito sa room namin lagi niya lang sinasabi niya saamin "Pag pasensyahan niyo na ako kung bakit kayo yung pinapapunta ko sa room ko at hindi ako ang pumupunta sa room niyo dahil sa medyo hindi na kaya ng tuhod ko na umakyat pa doon sa inyo mga bata pa naman kayo kaya malakas pa iyang mga tuhod niyo" sus sabihin niya tamad talaga siya nagpapalusot pa siya saamin ng kung ano-ano para paniwalaan namin siya.
“Hoyyy!! Xyrah, Sheina kwento niyo na saakin ano ba nangyare sainyo at hindi kayo naka pasok sa first subject natin.” pangungulit saamin ni Maricor, hindi talaga to titigil hanggat hindi niya nalalaman kung anong nangyare saamin kanina.
Isinara ko yung bag ko at pag katapos ay hinarap ko si Maricor nakakairita na kasi sa tainga yung boses niya. “Kasi nag karoon ng Q&A sa gate kaya na late kami ni-” hindi ko pa naman natatapos yung sasabahin ko kay Maricor ng marinig kung sumigaw si Jane at nag pa sakit sa puso ko.
Ito lang naman kasi ang isinigaw ni Jane sa mga kaibigan niya na kaibigan din ni Kaiko.
“OMG guyss alam niyo ba na itong si Kaiko liligawan niya daw si Maricor.”
Liligawan niya na pala itong kaibigan ko so wala na akong pag-asa pa kay Kaiko. Ouch hindi ko pa nga naaamin sa kanya yung nararamdaman ko sa kanya na busted agad ako.
Tinignan ko si Kaiko kung ano yung magiging reaction niya pero wrong move yata ako kasi naka ngiti lang siya kay Jane, so tama talaga yung hinala ko na may gusto siya sa kaibigan ko maganda naman ako pero bakit si Maricor pa iyong magustohan niya? Ganito na ba ako ka panget para hindi niya man lang ako na gustohan. Pag katapos kung tignan si Kaiko ay ibinaling ko naman yung paningin ko kay Maricor pero kahit hindi niya sabihin sa'kin alam ko pa rin na mahal niya si Kaiko dahil nakikita ko yun sa dalawa niyang mata.
Paano nagawa to sa'kin ni Maricor alam niyang may gusto ako kay Kaiko pero bakit ginusto niya din yung gusto ko. Ito na ba yung sinasabi saakin ni Sheina na hindi siya mapapagkatiwalaan na kaibigan.