CHAPTER 1

718 Words
XYRAH'S POV "Ma! Mama!" Rinig kung sigaw ni ate Xiamara kay Mama. " Oh na pano ka Mara, bat sumisigaw ka diyan." Nag aalalang tanong ni Mama kay ate. Pano ko na sabeng nag aalala kase kung makatakbo si Mama papuntang sala makita lang kung anong nangyare kay ate wagas. " Ma! Yung damit kung bagong bili ko tingan mo kung anong kulay na." Humihikbing sabe ni ate kay Mama. Ang arte ampp, pero ano daw? Yung damit niya nag ibang kulay? Paktay ka Xyrah lagot ka nanaman nito. Haytss kasalanan ko bang di ko alam na hinde pala yun pwedeng ibabad sa chlorine yung damit niya. " Ano? Asan si Xyrah, napaka walang kwenta niya kung mag trabaho." Sigaw ni Mama na naglalakad papalapit pa punta sakin na nasa likod si ate bitbit yung damit na binago ko nanaman yung kulay. " Hoy! Xyrah anong ginawa mo sa damit ni Mara ha?" Sigaw agad ni Mama sakin nong makalapit siya.Hay bat ba kanina pa to sigaw ng sigaw buti hinde siya napapagod kakasigaw niya diyan. "Ma, ey kase po diko naman alam na bawal pala yun ibabad sa chlorine" nanginginig kung sagot kay Mama. Sino ba naman hinde manginginig ey parang kakatayin na ata niya ako ng buhay. "Hinde mo nga ba alam? Ha! Xyrah, o baka naman kase naiingit ka kaya mo yun ginawa." Sagot agad ni ate Xiamara maldita. "Hinde naman sa gan-" " Hinde sa ganon? Hinde mo ako maloloko Xyrah kase ganyan ka naman talaga diba, palaging tinatangi yung totoo kahit alam mo naman na tama ako." Putol agad sa niya sa sinabe ko. "Nag sasabe lang naman kase ako ate sayo ng totoo, na hinde ko talaga alam na bawal yun ibabad sa chlorine yang damit mo." Naka yuko kung sagot sa kanya. "MANAHIMIK KA XYRAH" Sigaw sakin ni Mama na nag pa hakbang sakin ng hinde sa oras. "May lakas na loob ka na ngayon sumagot sa ate mo, ano! ano may ipinag mamalaki kana ha? Kaya mo na kame ha?" "Sorry Mama" "Sorry? Yan ka naman palagi Xyrah sorry ka ng sorry, iyang sorry mo ba may naigawang tama na ba yan? Umalis ka sa harapan ko Xyrah baka hinde ako makapag timpi sayo masaktan pa kita." Ang huli kung narinig bago mawala ako sa paningin nila. Sob.. Sob.. hanggang ngayon parin ba hinde nila ako mapatawad apat na taon na nangyare yun pero bakit ang laki ng galit nila sakin. Hinde ko maintindihan kung bakit nangyayare to saakin. Hanggang kailan niyo ako kayang tiisin Mama tao lang ako nag sasawa rin, sana balang araw mapatawad niyo pa ako, sana bumalik yung pag mamahal niyo saakin nong Bata pa ako. Hay makapag igib na nga ng tubig hinde yung nag dradrama pa ako dito. Kabo dito kabo doon, hay nakakapagod matatapos pa ba ako dito, kanina pa ako kabo ng kabo para sa ipang liligo ni ate at nila Mama't Papa, pero hanggang ngayon hinde ko pa matapos-tapos. Pano ba naman ako matatapos agad kung katatapos ko palang lagyan yung isang planggana ng tubig eyy nauubos agad ni ate iwan ko ba anong pinag gagawa niya sa tubig, pasalamat lang talaga siya hinde malayo yung gripong pinag kukuhaan ng tubig dahil kung hinde baka kanina pa ako sumuko. "Xyrah, ano ba, asan na yung tubig na pinapa igib ko sayo alam mo naman na maliligo na ako, kanina ko pa yun pinag utos sayo pero hanggang ngayon wala parin, p*sting buhay to." Sigaw sakin ni papa sa labas ng bahay. Diko naman kasalanan kung bakit wala pa yung tubig para panligo niya, kasalanan to ng isa niyang anak kung hinde sana niya itinapon yung tubig na iniigib ko kanina ede sana may tubig si Papa ngayon. " Sandali lang po Papa, pupunuin ko lang yung planggana ni ate Xiamara para maka ligo na siya." Sagot ko kay Papa na naka ngiti. "Tsk, Hala sige, sige bilisan mo lang sa pag iigib, dapat kapag bumalik ako may tubig na akong ipapanligo." "Opo Papa, tawagin nalang kita kapag natapos na ako." Naka ngiti paring wika ko kay Papa. Napaka plastic ko talaga may pa ngiti ngiti pa akong nalalaman para lang maitago yung mga luha kung nag babadyang tumulo na HAHAHA ang galing mo talagang umarte Xyrah pwede kana maging artista HAHAHA...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD